Bago pa siya makabawi ay tumamang muli sa mukha niya ang palad ko. "Iyan ay para sa nakakairita mong presensiya," mahinahon kong wika. Narinig ko ang nasasaktan niyang hikbi. Paawa-effect ang gaga, lalong nag-iinit ang ulo ko! "Iyan tayo eh, matapos gumawa-gawa ng kasalanan ay biglang kambiyo at iiyak-iyak. Pa-victim ka masyado pero malas mo lang at ako ang kinanti mo dahil may agimat ako panlaban sa mga katulad mo," mataray kong sabi. "That's enough, Love." Masuyong yumapos sa baywang ko ang isang braso ni Franz habang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. Iyong hikbi ni Sabrina ay tuluyang nauwi sa pag-iyak nang makita ang ginawa ni Franz. "Franz, nagbago ka na talaga," sumbat nito kay Franz. "Dati ay laging ako iyong pinagtatanggol." Nababaghan akong napama

