Nang tumino sa isip ni Sabrina na wala na itong aasahan pa mula kay Franz ay patakbo itong umalis habang humihikbi. Nakasimangot kong pinanood ang papalayo nitong bulto. Tinaon pa talaga nitong umiksena sa mismong pamanhikan sa'kin ni Franz. "Juls-" Marahas kong hinarap si Franz at sinamaan nang tingin kaya nabitin ang sasabihin sana niya. "Galit ka sa'kin," pabuntonghininga niyang pahayag. "Buti alam mo!" sikmat ko sa kanya. "Alangan namamg matuwa ako dahil sa ginawa ng ex mo." "I'm sorry about it. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Buong akala ko ay malinaw na sa kanya ang relasyon nam-" "Anong relasyon?" putol ko sa pagsasalita niya. "Gago, wala kayong relasyon!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Okay," sumusuko niyang sagot. "Akala ko ay malinaw na sa kanya ang kawalan n

