Mula sa bahay namin ay sa isang eksklusibong hotel ako dinala ni Franz. Mabilis namang nakasunod agad sa'min sina Kuya Igop at Tyron. Kinakabahan na excited ako sa nakatakdang mangyari pero ang pinaka-excited yata ay si Tyron. "Ikakasal ka na." Di ko na mabilang kung pang-ilang ulit na nito akong nasabihan niyan. Simula nang makapasok kami sa lobby ng hotel ay iyan nang bukambibig nito at talagang may kasama pang hagikhik sa dulo na para bang ito iyong pinaka-excitement na mangyayari sa buhay ko. "Naghihintay na si Judge Guirrermo sa penthouse," anunsiyo ni Franz habang nasa elevator kami. "Personal mong kakilala si Judge Guirrermo?" kunot-noong tanong ni Kuya Igop. Mukhang kilala nito ang binanggit na judge ni Franz. "He's a family friend," tugon ni Franz. "Mukhang napaghandaan

