chapter 35

1200 Words

Bandang huli ay mahinahong natanggap ng bawat pamilya namin ang biglaan naming pagpakasal ni Franz. Tuloy pa rin ang church wedding na naunang naiplano. Kahit naikasal na kami sa huwes ay iginiit pa rin ni Daddy na sa bahay ako titira habang inaasikaso ang darating naming kasal ni Franz sa simbahan. Nakipag-argumento pa ako dahil gusto ko rin namang makasama ang asawa ko at matapos makipagtalo kay Daddy ay pinayagan akong paminsan-minsang makikitulog sa bahay ni Franz, dalawang beses sa isang linggo. Kung gusto raw ni Franz ay ito ang makitulog sa bahay namin sa loob ng natirang limang araw. Mabuti na lang at pwede naman pala kaming magsama pero iyon nga lang sa bahay namin kung saan ay naroon ang buong pamilya ko at mga pinsan kong alam kong babantayan kami. Mga dakilang chismoso kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD