Chapter One
Nakangiting napatakbo si gianna palabas ng gate,
anton"nakangiting tawag nya..
sinong hindi matutuwa ito ang kauna unahang pagkakataon na pinuntahan sya ng nobyo sa school kung saan sya nag aral ng koliheyo...
pwede ba tayong mag usap?alanganing tanong nito..
oo naman"masaya ako dahil pinuntahan mo ako ngayon'alam mo ba na matagal ko ng pangarap ang sunduin ng nobyo"matamis na turan nya at humawak sa braso nito pero agad itong umiwas...
hindi na bago sa kanya ang ikinikilos nito ganoon na si anton mula ng naging sila..
hindi nya masisi ito dahil sya naman ang nanligaw dito ng una nya itong makita sa company ng lolo nya..at sa madaling salita ginamit nya ang kapangyarihan para hindi sya tanggihan nito..
malayo ang agwat ng edad nila ni anton,trenta e tress na ito samantalang sya nasa dise otso palang..
nung una tumutol ang lolo nya pero kalaunan pumayag narin ito sa kagustuhan nya dahil sa subrang pagmanahal nito sa kanya wala syang ginusto na hindi nito binibigay...
pinagbukas sya ng pinto ng kotse ni anton,
masaya syang sumakay at nagpasalamat dito..
alam din ng lolo nya noong unang anibersaryo nila ni anton iniregalo nya ay ang kotse na gamit nila ngayon..
mga mamahaling gamit tulad ng sapatos damit relo at iba pa,
hindi naman tumutol ang lolo nya dahil maliit lang iyon na bagay kumpara sa kayamanan nila na hindi masusukat..
sya lang ang nag iisang taga pag mana ng chuo company,ang mga magulang nya namatay noong dalawang taong gulang palang sya sa isang car accident..
kaya sa kanya lahat ibinuhos ng lolo nya ang pagmamahal nito..
love"saan tayo pupunta?nakangiting baling nya dito...
walang ngiting lumingon ito,
at binaling na ang atensyon sa pagmamaniho..
maya maya huminto ito sa isang mamahaling resturant..
muli ay pinagbuksan sya nito ng pinto.
ito yong nagustuhan nya kay anton dahil gentle man ito..
at kahit noon na nagbigay na sya ng motibo na ibigay dito ang iniingatan nya na p********e ni minsan ay hindi ito nagpapadala..hanggang make out lang sila..
habang naglalakad papasok may iilan na tao sa resturant at mataman ang mga ito nakatingin sa kanila,
sabagay subrang gwapo ang kasama ko,at maganda ang katawan idagdag pa ang hight nito subra anim na talampakan..
maganda din naman ako,pero kung tingnan mas bata nga ako kay sa kanya,marami nga nagsasabing kapated lang ako ni anton,minsan naiinis ako kung bakit hindi ko kaedad ito..
kanina pa ito walang imik..
lumapit sa amin ang isang crew at dinala kami sa isang mesa na medyo malayo sa karamihan..
matapos makapag order ay umalis na ito at naiwan kami ni anton sa mesa..
aligaga ito habang panaka nakang tumingin sa akin..
love may problema ba?mahinahon na tanong ko...
Gi' I'm sorry"anito at bigla inabot ang kamay ko.
kunot naman ang noo na hinintay ang sunod na sasabihin nito..
I'm sorry 'hindi ko na kayang lo-kohin ka'may a-asawa at a-anak na ako"pabuhol buhol na turan nito at mahigpit na hawak ang kamay ko..
hindi pa lubos rumehistro sa utak ko ang sinabi nito,
ba-bakit?yun lang ang tanging nabigkas ko sa mga sandaling iyon.
tila napipi ako sa mga ipinagtapat nya,
I'm sorry'alam ko malaki ang kasalanan ko sayo,pero mahal ko ang asawa ko,natakot lang ako na maalis sa trabaho pero di kona kaya ang mag panggap Gi"yuko ang ulo na turan nito..
hinila ko ang kamay ko nang bigla ay umangat sa ulo ko ang galit..
bakit?anong hindi mo kaya?ni minsan ba hindi mo ako minahal ha anton?hilam sa luha na tanong ko..galit at awa sa sarili ang naramdaman ko..
patawad Gi"
patawad?yan lang ba ang sabihin mo?
kahit kailan hindi kita mapapatawad,at ayaw na kitang makita pa"ani ko at tumayo bitbit ang bag ay lumabas ako...
kahit hilam sa luha pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansyon..
pagkapasok na pagkapasok ko sa silid ko agad kong binalibag ang mga picture namin ni anton,
bakit nagawa mo ito sa akin anton bakit?sigaw nya..
hija"what happened?tanong ni lolo sa labas ng pinto..narinig siguro nito ang malakas na sigaw at pagwawala ko sa silid..
tumayo ako at binuksan ang pinto..
bumungad sa akin ang nag alalang mukha ni lolo..
lolo"iyak ko at mahigpit na yumakap sa kanya..
anong nangyari sa prinsesa ko?sinong nag paiyak sa iyo?mahinahon na tanong nito..
lolo"ayaw ko ng makita si anton na kahit kailan"ani ko at humahaguhol sa balikat nito..
nakaramdam ako nang kapanatagan ng loob sa mga bisig ni lolo..
pakiramdam ko walang mananakit sa akin basta andyan sya para sa akin..
ok"kung yan ang gusto ng prinsesa ko"kung ayaw mo syang makita masusunod"anito at tiningnan ang mukha ko at pinusan ang luhang dumaloy dito..
sshhhh"tahan na,anito at sinabi sa mga kasambahay na magluto ng paborito kong pagkain..
matapos ang pag uusap namin ni lolo nagpaalam na muna akong magpapahinga.iniwanan naman ako nito..
masakit pala ang unang pag ibig at unang heart break parang may pinong karayom na tumutusok sa puso ko..
bakit mo ito nagawa sa akin anton?at bakit ikaw pa ang minahal ko ng ganito?
maraming nanliligaw sa kanya na kapwa mayaman at gwapo din ang mga ito pero hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit wala syang maramdaman sa mga ito..
hindi tulad kay anton na pakiramdam nya para syang nakikipag karera lagi dahil sa bilis ng t***k ng puso at kilig na nararamdaman tuwing kasama ito..
pero hindi sya mang aagaw at sisira ng isang buong pamilya para sa sariling kaligayahan,at kahit spoild sya may mabuti syang kalooban,
nakatulog syang may luha sa mga mata..
to be continue....