Kabanata Dalawa

1621 Words
“Hello Mama?" Nakangiting bati ni Kara sa tawag ng ina niya habang nag-aayos siya ng mga files. Kasalukuyan siyang isang manager sa kilalang 3 star hotel sa kanilang bayan. Matalino at magaling si Kara magtrabaho kaya nararapat lang na tumaas ang posisyon niya. Magtatatlong taon na rin siyang nagtatrabaho sa Hotel. Mataas ang sahod niya kaya kahit na labag sa kalooban niya na iwan ang anak ay tiniis niya dahil nag-iipon din siya para sa future ni Baby Kier. Three years old na rin ang napaka-cute at napaka-gwapong anak niya. Nobyembre 14 ngayon at kaarawan ngayon ng kaniyang anak kaya't excited siya na makauwi. Nag-overtime pa nga siya para wala na siyang masyadong trabaho. Mahigit one week na rin kasi na hindi niya nakikita ang anak. "Oh anak? Nasaan ka na? Anong oras kang dadating?" Aligagang sagot ng ina niya sa kabilang linya. Rinig niyang marami ang tao sa bahay nila. "Papunta na po ako riyan Ma nasaan si, Baby K, Ma?" Tanong niya habang nagda-drive. "Naku! Andoon sa anak ng pinsan mong si, Katarin naglalaro," magiliw na sagot nito. "Mama, baka matuyoan iyon ng pawis ha. Bihisan niyo po agad," bilin niya sa ina. "Oo na hayun nga't nakipaglaro na naman sa lolo niya at kay, Carl. Sige na, nandito na ang lolo't lola mo bilisan mong umuwi dito miss na miss ka na ng anak mo mag-iingat ka sa pag da-drive ha," habilin nito bago pinatay ang tawag. "Yes Ma," nakangiting sagot niya. Agad naman na nagpaalam si Kara sa mga kasamahan niya pagkatapos ng trabaho. Kasama niya ngayon ang assistant niyang si Elena. Matalik niya rin itong kaibigan mataba si Elena ngunit mabait wala rin kasi itong asawa, dalaga pa sa edad na viente-ocho. Excited na gumayak si Kara papuntang mall at bumili ng remote controlled na helicopter na kulay black. 'Yun kasi ang pinaka-gustong laruan ng anak niya. Mabilis na pinasibad niya ang kotse pauwi sa kanila kasama si Elena na kumakain ng siomai. "Naku! Friend ha, baka naman may mga pinsan kang gwapo at single reto mo naman sakin hihi," aniya habang ngumunguya. Nalalanghap pa niya ang amoy ng chili garlic oil na may lemon. "Ikaw talaga sagutin mo na kasi si, Pablo ikaw din baka magsisi ka makakita pa 'yun ng iba subuan mo nga ako niyan ang bango," aniya, agad naman siyang sinubuan ni Elena at napapikit sa sarap. "Kaya nga baka may pinsan kang available pa para naman may reserba ako kung saka sakali," kinikilig na sambit ng matabang kaibigan ni Kara. Si Pablo ang suitor nitong matabang kaibigan niya kasamahan nila sa hotel at kasalukuyang head ng maintenance. "Wow naman haha ikaw na talaga, Elena," natatawang aniya at inirapan ito. "Nga pala friend ang ganda mo talaga hindi halatang may anak ka na nagmumukha kang diyosa eh. Sana ako rin kasing ganda mo mabait ka na nga maganda pa ano pang hahanapin sa'yo? Ang ganda ganda pa ng katawan, 'tong katawan ko parang triple ng katawan mo. Ang sexy- sexy mo tsaka 'yung anak mo friend ang gwapo parang mata mo lang yata ang namana niya eh. Siguro nagmana sa Papa niya," naka-pout na sabi ni Elena mukha na talagang baboy. Medyo nagulat siya subalit hindi niya ipinahalata sa kaibigan. "Bawas-bawasan mo kasi ang kain ng matataba baka magka-high blood ka na niyan. Alagaan mong sarili mo hindi sa lahat ng panahon malakas tayo kaya dapat meron kang proper diet," concern na aniya sa kaibigan. Bumusangot naman agad ito at nagalawang isip kung isusubo ang hawak na burger. "Nag-diet naman na ako. Ayaw talaga eh, nga pala friend kamukha ng sikat na model yung anak mo," nakangising anito at sumubo. napairap siya sa tanong ng dalaga. Halatang ayaw makinig. Kinutuban naman ng masama si Kara sa sinabi ni Elena sana nagkamali lang siya. "Model? S-sino?" Kinakabahang tanong niya. "Naku! Masyado ka kasing seryoso sa trabaho si, L Roosevelt 'yung may-ari ng isang malaking kompanya ang gwapo gwapo 'non ang macho pa at alam mo sobrang sikat niya at ubod pa ng yaman 'di kaya siya ang ama ng anak mo friend?" Kumikinang ang matang tanong nito. “Hindi rin naman imposibleng papatulan ka ni, Fafa L. Sa ganda mong 'yan eh," dagdag pa nito. She sighed heavily. "Nandito na tayo hindi siya ang Ama ng anak ko, Elena napaka imposible no'n halika na naghihintay na ang anak ko sa loob. Ikain mo nalang 'yan gutom ka pa," kinakabahang sambit ni Kara. Naaalala na naman niya si L ang lalaking ama ng kaniyang anak. Kahit na nag-iba na ang mood niya ay nag-lighten up ito nang makitang patakbo ang cute niyang anak patungo sa kaniya. "Mama," masayang sigaw nito. "Baby ko, happy birthday heto oh gift ni Mama sayo. I love you anak miss na miss ka ni mama," naiiyak na aniya at niyakap ito nang mahigpit. "I miss you too mama." Hinalikan nito ang pisngi niya at yumakap pabalik. "Hi inaanak kong gwapo, happy birthday here's my gift for you," bati ni Elena at ibinigay ang regalo nito. Masayang kinuha ito ng anak niya tsaka humalik sa kaniyang ninang. "Thank you ninang, Mama?" tawag ni Baby K sa ina at nag-gesture na magpapabuhat sa kaniya. Napangiti na naman si Kara at binuhat ito at pinaghahalikan ang cute nitong mukha bumibigat na rin ang anak niya. "Naku! Big boy ka na talaga by, ang bigat mo na anak. Mahal na mahal ka ni mama anak I love you," madamdaming aniya. humagikhik lamang ang anak niya nang paghahalikan niya ang leeg nito. "Sabi po kasi ni lolo I'm strong. I love you too Mama," nakangiting saad nito. Parang may kung anong humaplos sa puso niya sa narinig. Agad naman silang pumasok sa loob at nagmano sa kaniyang mga magulang. Andaming tao sa lawn nila, nakaugalian na kasi pag kaarawan ni Baby K napaka-engrande nito at invited ang lahat ng mga tao sa kanilang barangay nag-iisang apo kasi ito ni Kapitan Armando. Nandirito rin ang mga pinsan niya habang nasa hapag naman sila ay pinagkaisahan na naman siya ng mga Tiyo at Tiya niya. "Naku! Kelan mo ba balak mag asawa ulit, Kara?" tanong ng kaniyang Tita Aliyah. "Oo nga naman, Kara? Alalahanin mo hindi na tayo papabata tatanda na tayo," pagsasang-ayon ng Tiyo Karding niya. "Wala pa po sa plano ko iyan, ang sa akin lang maitaguyod ko ang anak ko at mapalaki ng maayos 'yun muna ang priority ko sa ngayon," malamyos na sagot niya sa mga ito at kiming ngumiti saka bumalik sa pagkain. "Pero alam mo pinsan mas maganda talaga pag may kinikilalang ama si, Baby K lalo na't nagkakaisip na siya at lumalaki na," sabi ng kaniyang mabait na pinsang si Katarin hindi naman nakaimik si Kara tumikhim naman agad ang ama niyang si Armando. "Hindi naman natin maaaring pangunahan si Kara sa buhay niya pero tama nga naman anak panahon na para magkaroon ka ng buong pamilya," nakangiting sabi ng ama niya. Nginitian niya naman ito pabalik. "Tsaka balita ko gustong gusto ka ng anak ni Mayor ha uyyy!" Panunukso ng isa pa niyang pinsan na si Monette. "Naku! Naman mabuti ka pa friend itong mga kamag-anak mo may narereto sayo mga Auntie mga Uncle pwede bang ireto niyo rin sakin ang ibang admirers nitong friend ko?" Nagpapacute na sambit ni, Elena na nagpatawa sa kanilang lahat. Ang kaninang seryosong aura ay napalitan ng tuksohan at kantiyawan nagpapasalamat naman si Kara sa kaibigan niya dahil alam talaga nitong ibalin ang topiko sa iba 'pag intense na at 'pag hindi siya komportable sa sitwasyon. Mga bandang alas nuwebe ng gabi ay tulog na ang lahat. Katabi niya ang anak niyang nakahiga at hindi pa rin ito natutulog kasalukuyang nilalaro nito ang buhok niya. "Anak sleep ka na hindi ka ba napagod sa party mo?" Malumanay naaniya sa anak. "Mama?" Malambing na anito. "Hmmm?" "Asan ang papa ko?" She was stunned for a moment. Kinabahan naman agad si Kara sa tanong ng anak niya. Ngayon lang ito nagtanong ng tungkol sa papa niya. Naiiyak man at labag sa kalooban na magsinungaling sa sariling anak ay she choose to lie. Dumating na ang kinatatakutan niya, gone the naive Keir. "Ah, nag work lang si papa sa malayong malayong lugar. Why baby ayaw mo na ba kay mama?" Kunwaring malungkot na aniya. Nakokonsensiya siya dahil sa nangyayari but wala siyang choice. Kailangan niyang ipa-intindi sa anak na kailanma’y hindi na nito masisilayan ang Ama. Na ang mundong ginagalawan nila'y kailanma'y hindi na mag-aabot pa. "No, I love you mama I'm just confuse bakit di ko pa nakikita ang papa ko?" Giit pa nito. As much as she want to, ano naman ang sasabihin niya? "Anak matulog ka na ha. Halika hug ka ni mama," aniya sa anak at niyakap ito ng mahigpit. Napahid niya ang mata nang tumulo ang luha niya. Nakita kasi ng anak niya na karga-karga ang kalaro niya ng Papa nito kanina. Masiyado pang bata si baby K ngunit parang matured na itong mag-isip. Masyado rin itong matalino, maging ang doktor na nagpasilang sa kaniyang anak ay namangha at sinabihan siya na kakaiba ang development ng brain ng anak niya. Sa edad nitong four ay parang matured na itong mag-isip at pwede nang i-enroll sa grade one. Para sa kaniya hindi iyon abnormality. Maituturing niya iyong isang regalo.Walang maipipintas sa physical appearance ng anak niya. Sobrang gwapo nito aminado siyang kamukhang-kamukha ito ni L at sobrang talino rin. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil biniyayaan siya ng anak na kagaya ni Baby Kier. Natulog ang mag-ina na magkayakap. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD