Kabanata Tatlo

1052 Words
"Mama sama ako sayo," umiiyak na sambit ni Kier habang nakayakap siya rito. "Anak mag wo-work si Mama eh kapag nandun ka walang magbabantay sa'yo. Kaya dito ka lang kina Mamu at Papu ha," pagpapaintindi niya sa anak. Mas lalo naman itong pumalahaw nang iyak. "Ayoko po Mama gusto ko kasama kita." Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Kier naawa naman siya sa anak niya. Okay lang din naman na doon si Baby K sa condo niya may yaya naman siya si Yaya Bibing. Pero mas mabuti kasi na nandito lang siya sa mga magulang niya. Kahit anong pagpapaintindi niya sa anak ay desidido na talaga itong sumama. Wala naman siyang magawa, namimiss niya rin naman ito at mas natutuonan niya ito ng pansin kung magkasama sila. Bumuntong hininga siya at tinitigan ito. "Hmm, dahil gwapo ang anak ko sige na nga," nakangiting aniya. Namimiss niya rin naman ito palagi. "Yey, I love you mama wait mama," masayang anito. Mabilis na tumalikod ito at tumakbo papunta sa kwarto nila. Napailing na lamang siya. Natawa na lamang ang mga kamag-anak ni Kara dahil sa inakto ng anak niya. Mas lalo pa itong natawa nang makita ang anak niyang papalabas ng kwarto. Nakasuot ito ng pares ng itim na vans na sapatos at puting levis na v-neck at black tight jeans with matching black sun glasses and top knot style ng buhok. Naka- open pa talaga ang black leather na jacket. Napaka-cute ng anak niya may hawak-hawak pa itong maleta na itim na mas malaki pa sa kaniya. Nagmukha tuloy itong kengkoy na sobrang cute. "Let's go mama," eksayted na anito. Ang iyakin niyang anak kanina ay biglang nag-transform nagmukha itong model na naligaw sa bahay nila. Maging ang kanilang mga kamag-anak at kasambahay ay napatulala habang nakatingin sa get-up ng anak niya. Malakas na napahalakhak naman ang Lolo’t Lola niya maging ang parents niya. "Wow! Baby K san ang punta mo? Parang mag-aabroad ka ah," nakangiting tanong ni Katarin. "I'm going to bayan with Mama doon na muna ako temporarily, Tita Kat," parang matandang sagot niya sa magandang Tita niya. Napahagalpak naman nang tawa ang pinsan niya. Nagpaalam naman agad sila at sumakay sa kotse. Na sa passenger seat ang anak niya na prenteng nakaupo kahit na hindi pa masiyadong abot nito ang upuan ay nag-aaktong sobrang taas. Napapailing na lamang si Kara habang nagda-drive. Sa likod naman ng kotse ay nakasakay doon si Elena at Yaya Bibing na nakatulog na sa biyahe. "Mama?" Ungot ng anak niya habang may hawak na anatomy book. "Yes baby?" Sagot niya rito habang nakatuon ang atensiyon sa daan. "Did my Daddy has a car like yours?" Out of nowhere na tanong nito. Agad siyang napipi sandali at nginitian ang anak niya. "Yes baby," tipid niyang sagot at hinaplos ang buhok nito. "Sana makasakay ako ng car niya kasama ka." Nagulat naman si Kara sa sinabi ng anak niya. Siguro nga ay matagal na nitong inaasam-asam na makita at makasama ang ama niya. Gustohin man niya subalit anong magagawa niya? "Mama I'm sure nakasakay kana sa car ni Daddy," nakangiting ani ng anak niya. Agad naman na pinamulahan ng mukha si Kara sa turan ng anak. Naaalala na naman niya ang gabing iyon kung saan nabuo nila ng isang gwapong si L ang anak nila. "Mama are you sick?" Nag-aalalang tanong ng anak niya. Lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan ang noo. "H-huh? N-no baby. Mama's not sick matulog ka muna medyo malayo pa ang bayan," aniya sa anak at bumuntong hininga ng malalim. Sana’y palusutin siya ng anak may pagka Gas Abelgas pa naman ito minsan. Napakahilig mag imbestiga. "Okay Mama." Napangiti siya sa sinabi ng anak. Mga bandang alas-dos ay nakarating naman agad sila sa condo niya. Napakabibo talaga ng anak niya. Maging ang guard ng condo ay namangha sa anak niyang napakalapad ng ngiti. Marami rin ang bumabati at nagsasabing ang cute ng anak niya. Napatawa na lamang siya sa anak niyang feel na feel din ang pansamantalang kasikatan. Pagpasok nila sa condo ay umupo si Kara sa sofa at ganun din ang ginawa ng anak niya. Kinuha niya ang cellphone niya at nag-twofie sila ni Kier at i-pinost iyon sa f*******:. Kasabay ang caption na, “The light of my darkness” Marami rin ang likes at comments 'yung iba sa mga ka officemates niya at friends sa f*******:. May isang comment pang naka- caught ng attention niya mula sa f*******: friend niya. Althea Dizon He's so cute, he looks like, L Roosevelt diba? Hanggang sa parang naging chatbox na ang pinost niya dahil sa palitan ng mga komento nito. Hindi niya maipagkakailang habang lumalaki si Baby K lalo itong nagiging kamukha ni L. Nangangamba siya at tinignan ang anak. Sana lang nakalimutan na siya ng lalaking matagal na niyang hinahangaan. Naiisip pa lang niya na nakalimutan na siya parang may sumasaksak na sa dibdib niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili eh. “Kara, Kier, halina kayo't kumain na tayo," anyaya sa kanila ni Yaya Bibing. Binuhat niya ang anak niya at pumunta na sa kusina. “Chalap-chalap naman po ng ulam Yaya.” nakabusangot na ani ng bata. Natawa naman agad si Kara sa ekspresiyon ng anak niya. “Anak, kumain ka na. Kailangan mong kumain ng ampalaya para maging malakas ka. Ayaw mo 'nun ikaw na ang magtatangol sa akin 'pag may bad guys," aniya sa anak. Mabilis na sumandok ito ng ampalaya at kumain. Kahit na napapaitan ito ay nilunok pa rin. “See mama? I can be your forever superhero. I am Super K," nakangiting ani nito. Nakita naman niyang nanginginig ang kamay nito habang kumukuha ng gulay. Napailing na lamang siya sa anak. Parang siya lang din talaga eh. Ang galing mag-as if na okay lang kahit ang totoo nahihirapan na siya basta lang mapasaya ang nakapaligid sa kaniya. “Pwede namang huwag pilitin 'nak kung ayaw mo talaga, may sinigang naman," nakangiting aniya sa anak. Umiling lang ito at nginitian siya. “Masarap naman Mama eh lalo na’t may egg pa. Nutritious sa katawan at magiging strong pa ako," puno ang bibig na anito. Natawa na lamang siya at hinaplos ang ulo nito. He never fails to amuse her everyday. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD