Kabanata Apat

998 Words
Tulog pa si baby K nang umalis si Kara at Elena. Magkatabi lang din naman kasi ang condo nila. Labag man sa kalooban niyang iwan ang anak niyang hindi pa gumigising ay umalis na lamang siya hinalikan niya ito bago umalis. Nagkaroon daw kasi ng urgent meeting dahil darating daw ang bagong may-ari ng hotel. "Elena, kailan daw pupunta ang may-ari ng hotel?" Tanong niya sa kaibigan habang inaayos ang bag niya. "Mamayang 9:30 friend," sagot nito habang kumakagat ng burger. Naki-kagat na rin siya. "Anong oras na?” Tanong niya. Natigilan siya nang makitang sampung minuto na lamang at mag-aalas nueve treinta na. "S**t! Tayo na," nagmamadaling aniya. Dumiretso sina Kara sa main entrance ng hotel maging ang kanilang main manager talaga ay kinakabahang naglalakad papunta sa main entrance. First time nilang makita ang bagong boss ng hotel na pinagtatrabahuan niya ngayon. Nabili na raw kasi itong hotel kaya bago ang boss nila. Mabilis na nag-isang linya ang lahat ng empleyado. Agad naman na nagsi-yukoan ang lahat at bumati sa isang lalaking hindi niya makita-kita ang mukha. Ewan ba ni Kara at bigla siyang kinabahan. Parang lalabas na sa ribcage niya ang puso niyang parang tinatambol. "So this is it?" Ani ng baritonong boses. Confirmed, mas lalo pang kinabahan si Kara nang marinig ang baritonong boses na iyon hindi siya nagkakamali. Parang sasabog na talaga ang puso niya sa sobrang kaba. Hindi ito maaari. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Para siyang matutumba anytime habang papalapit ng papalapit ang yabag nito. Kagat-kagat ang labi na nagdadasal siyang wag sana siyang makilala ng binata. "Yes sir," sagot ng kasama nito. Sakto namang padaan sa kanilang harapan si L buti na lang at nakalugay ang mahabang golden brown na buhok niya at natatabunan ang kaniyang mukha. Maging ang iba ay napalingon sa gawi nila nang huminto ito sa tapat niya. "Sir, is there any problem?" Nagtatakang tanong ng secretary ni L na si John. "John, natanggal ang liston ng sapatos ko ayusin mo bilis," utos nito habang pokerfaced pa rin. Mabilis naman ang kilos nito’t kaagad na naayos. Napapikit siya't naestatwa na sa kinatatayuan. "Yes sir," Napahinga naman ng maluwag si Kara. Liston lang pala, ganon parin ito masyadong bossy kay John. Kilala niya ito pero hindi sila close muntik pa siyang panawan ng ulirat nang tumingin ito sa gawi niya nagtataka siguro ito dahil nakatabing ang buhok sa mukha niya't ni ayaw niya itong tingnan. Agad naman na tumayo mula sa pagkakaayos ng liston niya si John. "Tapos na po sir," anito mula sa pagkakayuko. "Who's the main manager here?" Cold at seryosong tanong ni L. Napakatikas ng tindig nito at kabaliktaran sa lalaking kilala niya noon. Mas lalo itong naging matured at gwapo. "A-ako po sir," sagot ng head nila. Striktong tingin ang ipinukol ni L habang tinitingnan ang ID nito. "Mr. Suralta, we'll start our meeting right now," malamig na aniya at dumiretso na papasok. "Y-yes sir," nininerbiyos na sagot nito. "Kara, naayos mo na ba ang presentation mo?" nag-aalalang tanong ng main manager nila. "Yes sir," tipid na aniya. Wala na patay na talaga siya nito paano na 'to? Bawal siyang mag-alibi kailangan siya sa meeting dahil siya ang nagma-manage ng sales team. Ah bahala na makilala man siya nito o hindi wala siyang pakialam dumiretso siya sa board room at nahihiyang umupo. Kinakabahan pa siya dahil magpe-present siya ngayon. Ilang gabi rin siyang walang tulog dahil sa paggawa ng presentation. "And for our sales presentation, Ms. Kara Montecarlo manager of sales team." Agad naman na tumayo ang dalaga at bumati sa lahat. Kinakabahang nagpresinta siya at batid niyang nakilala siya ng lalaki sapagkat ang seryoso nito kung makatingin sa kaniya. Wala na talaga. Alam na nito maging ang secretary nitong si John ay may ibinulong kay L. Mas lalo pa tuloy itong naging strikto at seryoso ang mukha. Nagpasalamat din agad si Kara nang matapos ang pagpresenta niya. Mabuti na lamang at hindi siya nagkamali. Nagsipalakpakan naman ang mga kasamahan niya. "What are you all clapping at?" Striktong tanong ng binata. kaagad na naiwan sa ere ang mga kamay ng kasamahan niya at nagsiayosan ng upo. "Is that an excellent presentation for you? Your hotel sucks. everything about it is one hell of a f*****g disgrace." Magsasalita pa sana si Mr.Suralta nang magsalita si L. "Adjourned and you, Ms. Montecarlo follow me on my office," pinal na ani nito. Kinakabahan man ay tumango na lamang siya. Agad itong lumabas ng conference room. Kinakabahang napa-upo ang dalaga sa silya at napahawak sa ulo niya. "Anong klaseng pag-uugali ba meron ang bagong boss natin?" Ani ng kasamahan niya sa trabaho. "Oo nga napaka arogante," dagdag pa ng isang kasamahan niya sa trabaho. "Isipin naman sana niyang mas matatanda tayo kesa sa kaniya," dumagdag pa. Sigurado siyang malilintikan ang mga ito pag may makarinig. "Oo nga naman walang respito 'yung taong 'yon akala mo kung sino," komento pa ng isa. Napapikit siya't naiinis na rin siya sa usapan ng mga ito. Kung ano man ang nakikita nila ay dapat na sarilinin nalang nila 'yun. May proper work etiquette and ethics silang sinusunod. Batid niyang na-arrogantehan ang ibang kasamahan niya sa meeting room sa inakto ng lalaki pero wala siyang pakialam. Dahil ngayon kinakabahan siya at alam niyang hindi ito isang panaginip lamang. Sumunod naman siya agad at sumakay ng elevator papunta sa office nito. Heto't nagtatambol na naman ang puso niya. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Hanggang sa nag-stop ang elevator sa floor ni L. Malalim ang hininga na naglakad na siya papunta sa opisina nito. Tumayo muna siya sandali at inayos ang buhok. Napalunok siya't nagdadalawang-isip kung papasok a o hindi. "Bakit ka ba natatakot, Kara?" Tanong niya sa sarili. "Matagal na 'yon siguradong nakalimutan ka na niya. Breathe and relax," pangungumbinsi niya sa sarili. Malalim na napa-buntong hininga siya't nagpatuloy. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD