Kabanata Lima

866 Words
"Nandito na po siya sir." Rinig niyang sambit ni John. "Papasukin mo," matigas na sabi nito. Agad naman siyang pinagbuksan ng pinto ni, John at iginiya papunta sa harap ni, L napaka istrikto ng mukha.. Mas lalo pa itong naging istrikto tingnan sa formal attire nitong amerikana at blue tie. Sobrang gwapo nito. Mas naging well-built pa ang pangangatawan. "Go-good morning po sir," uutal-utal na bati niya sa binata. Bigla namang nag-hand gesture si, L kay John na lumabas muna. Doon na siya kinabahan ng sobra. Dahil nga isang uliran sa amo itong si ,John ay lumabas nga. Naiwan naman siyang nakayuko habang masusungit na mata ang nakatitig sa kaniya. "Umupo ka," utos nito. Nanginginig na umupo siya. "O-opo," kinakabahang aniya. "Why are you stammering, Ms. Montecarlo?" he said sternly. Nakatuon lamang ang tingin nito sa kaniya habang ang mga kamay ay nasa baba. "Wala po," mahinang aniya. Napayuko siya at kinukurot-kurot ang kamay niya. Ramdam niyang tumayo ito at pumunta sa gilid niya nagulat pa siya sa pagtambad ng gwapong mukha nito sa bandang tenga niya. Nararamdaman niya ang init at bango ng hiningang tumatama sa mukha niya kaya napatuwid tuloy siya sa pag-upo. "Since ikaw ang nakikilala kong empleyado dito gusto kong sesantihin mo ang mga taong ito Hernandez, Solomon, Pinatulak at Santiago, Understand?" malalim ang boses na anito. 'Yun 'yung mga matatandang na aarogantehan sa kaniya kanina. Kahit ganun sila mababait naman iyon. "P-pero sir maawa naman kayo sa kanila inaasahan sila ng pamilya nila," pagkontra niya sa decision ng binata. Sumingkit ang mga mata nito at hinarap siya habang nakapamulsa. "So you want me to fire you instead of them?" malamig na tanong nito. Sobrang sungit nito pero hindi niya kayang ipagpalit ang posisyon niya sa iba nag-iipon siya para sa anak niya kaya't labag man sa kalooban ay wala siyang magagawa kundi ang sundin ang utos nito. Anong silbi ng pagtatangol niya kung mismo ito hindi marunong makinig. She closed her fist and faked a smile. "Gagawin ko na po," alanganing aniya. "Good, now get out," tipid na ani nito at bumalik na sa pagkakaupo sa swivel chair tsaka tinalikuran siya. Napapairap na umalis na lamang si, Kara sa opisina ni L . Suplado nga masyadong masungit ito walang konsiderasyon ngayon namomroblema siya paano e-explain sa matatanda ang madaliang pagpapaalis dito. "John?" seryosong sambit ng binata. "Bakit sir?" magalang na tanong nito. "You're probably right she's here thank you," nakangiting aniya habang nakatingin sa dalagang papasakay na sa elevator. "Wala pong anuman sir." "She's still beautiful as before right, John?" anito halata ang ngiti sa mukha. "Opo sir," nakangiting sang-ayon nito. "Tell, Quiam dito na ako mag-stay." Utos niya rito. Kaagad naman itong tumalima. "Yes sir." Nangingiti si, L habang inaalala si, Kara. Aam niyang natatakot ito sa kaniya pero wala siyang pakialam . Ngayong under control na niya ito there’s no way that she can escape him again. Because right now she's already in prison. Hindi na nagtaka si, L na sinugod siya ng apat na matatanda sa opisina niya. "Bakit niyo kami sinisante?" galit na tanong ni,Solomon. Nanatiling nakagagong ngiti si, L na nakatingin sa kanila. "Wala kang karapatan na sesantihin kami," dagdag pa ni, Santiago. L, just breathed heavily. “I am the new owner of this hotel so I have all the rights to fire you," buong tapang na aniya. "Wala kang respito samin mas matanda kami sayo tandaan mo yan dapat mo kaming igalang." sabi pa ni, Pinatulak. Halata ang galit nito dahil nakikita na ang litid sa leeg. "Hindi dahil ikaw ang bagong amo namin basta basta mo nalang kaming sesesantihin." dagdag pa ni, Hernandez. Nagbago naman ang mood ni L sa sinabi ng mga ito. Naging strikto na din ito. Sa naalala niya ang lahi nila ay may mga ugaling walang control sa temper nila. They're temperamental yun ang iniiwasan nila. Napansin iyon ni, John kaya agad siyang lumapit kay L na napapahilot sa sintido nito. "Give me the files, John." utos niya sa secretary niya. "Yes sir." Agarang tumalima ito at inabot ang apat na folder. "Care to explain this?" Agad niyang ipinakita ang liquidation. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang matatanda sa files na nakikita ngayon. "Masyado kayong nagmamalinis. Diba kayo naman ang dahilan kung bakit na bankrupt itong hotel niyo dahilan para maibenta sa akin ni, Mr. Diaz? You're acting like you didn't do anything at may lakas ng loob pa kayong sumugod dito sa office ko? I'm the new owner here at dapat alam niyo kung ano ang prinsipyo ko bago lumago ang kompanya ko. Linisin ang alikabok at itapon ang basura. Alisin mo sila sa paningin ko , John at papuntahin mo si, Kara dito ngayon na," matigas na utos ni L sa sekretarya nito. Si Kara lamang ang tanging makakapagpawi ng poot na nararamdaman niya. He despised corrupt people so much. Ang laki nang nawalang pera, nagpakasasa sila sa perang hindi naman kanila habang ang ibang mga trabahante ay maliliit lamang ang sweldong nakukuha. "Yes sir." Agad na lumabas si Jhon at sinundan ang apat na tila nawawalan na ng pag-asa hawak ang tig-iisang folder. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD