Kabanata Anim

1270 Words
“Ms. Kara," tawag ni Jhon sa kaniya na naka upo sa silya at may tinitingnan na files. "Oh, John bakit?" nakangising tanong ni Kara sa secretary ni L. Itiniklop niya ang binabasang files at tinignan ang binata. "Pinapatawag ka ni L," simpleng ani nito. Kaagad na kumunot ang noo niya. "Na naman? May tinatapos pa akong report," kunot ang noong tanong niya. Napahilot na lamang sa sentido si Kara ni hindi pa nga niya natawagan ang anak dahil sa dami ng trabaho. Dumiretso na lamang siya sa opisina ni L. Pinagbuksan siya ng pinto ni John napaka formal talaga nito. "Salamat." Ngiti lamang ang iginawad nito at lumabas na. Nag uumpisa na namang kumabog ang dibdib niya. "A-ano pong kailangan niyo sir?" Nakatalikod si L habang nakatingin sa glass window nito. Batid niyang naka kunot noo na naman ito. "Linisin mo ang opisina ko," simpleng anito habang nakatalikod. Ni hindi man lang siya nilingon. "P-pero sir nalinis na po ito ng ja--" "Are you complaining Kara? Sinong nagpapasweldo sayo rito, who is your handsome boss?" Napakuyom siya sa kamao niya sa narinig. Nagdadabog na lumabas si Kara para kumuha ng panglinis nagsimula na siyang mainis sa kulugong iyon. Nakakabwesit, bumalik siya sa opisina nito at nag umpisa siyang maglilinis. Nag mo-mop siya ng sahig ng mapansin niyang padaan-daan ito sa nililinisan niya kaya naman hindi ma alis-alis ang alikabok. Asar na asar na si Kara at gustong-gusto na niya itong sabunutan sa inis. Nang matapos siyang mag-mop ay sinimulan niyang ilagay sa garbage bag ang mga used na papel. Pansin niyang pinapahirapan talaga siya nito. Mantakin ba namang nagsusulat ng kung anu-ano tapos itatapon lang kahit saan eh wala siyang ibang magawa kundi ang pulutin ang mga ito. Talagang sinasadya iyon ng tarantadong amo niya. Matapos niyang maglinis ay parang dinaganan siya ng sampung katao sa pagod. At ang magaling niyang amo nakatulog sa sofa nito.Naisip pa niya sana hindi na ito magising sana makalimot na ito kung paano huminga. "S-sir, tapos na po akong maglinis aalis na po ako." Akmang aalis na siya ng hawakan nito ang kamay niya . Mas lalo pang kumalabog ng malakas ang dibdib niya di na niya alam kung anong ire-react parang nawala saglit ang pagod niya. "A-ano pong kailangan niyo sir? May ipalilinis pa ba kayo?" kinakabahang tanong niya. Nakakailang naman kasi ang titig ni L. Parang lulunukin siya ng buhay. "No give me a cup of coffee wag dito sa pantry gusto ko pumunta ka sa 1st floor gamitin mo ang hagdan wag ang elevator." Nababaliw na nga yata itong amo niya. Ano siya may super power, ilang floor itong hotel nasa ika-sampung palapag ang opisina nito. Sandamakmak na mura ang nasa isip niya. Ano bang kasalanan niya at pinahihirapan siya ng ganito. "P-pero sir," aalma pa sana siya. "You're now complaining?" nakataas ang kilay na ani nito at nag crossed arms habang naka upo. "No sir," walang ganang sagot niya tsaka tumalikod na siya at umalis. Napangisi naman si L sa ginawa niya. "Parang pinapahirapan mo yata si Kara sir," nagtatakang tanong ni John ni kakapasok lang. "I love seeing her suffer," nakangiti pa rin nitong sabi. "Anyway John?" Tumayo ito at pumunta sa table niya. "Sir?" "Sabihin mo sa control team ipa-shutdown ang elevator knowing, Kara hindi iyon susunod sakin." Nangingiting aniya. "Pero sir may mga customers tayo," nag-aalalang ani ng sekretarya niya. "Basta sundin mo nalang ang utos ko." Nakakunot noong sambit ni L wala namang nagawa si John gaya nga ng sabi, uliran siya sa amo niya. Maya't-maya pa’y nakarating si Kara na basang-basa ng pawis ikaw ba naman umakyat mula sa first floor papuntang 10th floor na naka heels pa. Ang sama talaga ng amo niya. “Bwesit kang L ka. Kung alam ko lang na napaka demonyo mo disin sana’y di na kita nakilala. Ang sarap mong lasunin.” Nangigigil na aniya habang nakahawak sa dib-dib niya sa pagod. ------------ "Walang kasing ubod ng sama 'yong gagong 'yon mantakin ba namang utusan ako kumuha ng kape niya tapos hindi pinagamit sakin ang elevator pina-shutdown pa naku ang sarap niyang gulgulin, Elena." Pagsusumbong niya sa kaibigan habang kumakain ng lunch sa restaurant ng hotel. "As in? Naku! grabe naman kawawa ka naman friend pero ang gwapo talaga ni sir eh akala ko isang model lang siya may-ari pala ng isang kilalang kompanya perfect package na gwapo na mayaman pa diba cousin niya si, Harold Roosevelt? Sana akin nalang siya," kinikilig na sambit ni Elena na nakapapak na naman ng chocolate cake na inorder nito. Kaya lalong tumataba eh. "Pero friend kamukhang-kamukha talaga siya ni baby inaanak eh." Bigla namang kinabahan si Kara sa sinabi ng kaibigan. Agad naman niyang iniba ang topic. "Ah nga pala Elena kumusta na kayo ni Pablo kayo na ba?" tanong niya sa kaibigan kunwari interesante siya. "Naku friend ngayong nakita ko na ang amo natin parang ayoko na kay, Pablo mas prefer ko na si sir." Agad naman niyang pinitik ang noo nito at sinubuan ng pagkain ang bibig. "Mangarap ka na nga lang gising pa. Ayan ubusin mo," natatawa niyang sabi at ibinigay ang spaghetti niya. "Friend naman 'di ba pwedeng pagpantasyahan si sir kahit na sa pantasya ko nagkatuloyan kami kaya pabayaan muna ako," pabebeng sambit nito habang nakapout. "Haha bahala ka ang sa akin lang naman wala kang mahihita sa pangit na lalaking 'yon." Matapos niyang sabihin 'yon ay nagtaka siya sa reaksiyon ng kaibigan. Nakasubo pa ang kutsara nito sa bibig at ni hindi man lang kumukurap na nakatitig sa likod niya. Na curious naman siya at tumingin na rin. "Ahy, kalabaw!” Nasa likod niya si L seryosong- seryoso ang mukha nito at nakatitig sa kaniya sa tabi naman nito ay si John. Nakagat naman niya ang labi niya. Siguradong narinig iyon ng binata. "Why? Nabigla ka ba na nandito ako Ms. Montecarlo?" simpleng tanong nito at dumiretso ng upo sa table nila. Ang kapal talaga ng apog nito sa katawan . Si Elena naman ay busy sa pagpapacute niya kay L. Nawalan siya ng gana dahil sa arroganteng striktong nasa tabi niya. "Waiter?" tawag nito sa binata na nagmamadaling asikasuhin siya "Yes, Sir?” "Give me the specialty of this restaurant serve for two and red wine." Tanging ani nito habang nakatitig lang ng maigi sa kaniya. Naramdamn naman niyang sinipa ni Elena ang paa niya. "Right away sir." At umalis na ito. "Sit down, John." Kung hindi siya nagsalita ay nananatili lamang na nakatayo si Jhon sa gilid. "Opo sir." Agad namang umupo si John at nag simula na silang kumain, nang nasa pangalawang subo pa lamang si L at John ay tumunog ang cellphone nito. "Bakit?" bungad nito sa kausap. Napairap naman agad ang dalaga sa narinig. Napakasama talaga ng ugali. "We need you here L." "Okay.” Madami pa ang pinag usapan kaya’t nagpapasalamat na rin siya’t hindi na ito nambi-bwesit. Agad naman nitong binaba ang cellphone at tinignan si John. "Kunin mo ang files at pupunta tayo sa manila." Hindi paman tapos kumain ay lumakad na ito at nagpatuloy naman sa pagkain si L. Bastos talaga ni hindi man lang pinatapos si John na kumain. Kawawang John. Pagkatapos nitong kumain ay nagbitaw pa ng utos sa kaniya. "Finish your report ipasa mo sakin 3:15 understand? at nga pala linisin mo ulit ang opisina ko," At agad itong lumisan bwesit na bwesit siya sa lalaking 'yo.! Ang amo- amo ng mukha nito mukha namang demonyo ang ugali. Inis na napakamot siya sa buhok niya sa pagka yamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD