Mga bandang alas 5:45 nang nakauwi sa condo niya si Kara agad naman siyang sinalubong ng anak niya ng yakap. Nawala ang pagod sa katawan niya katumbas lang ng yakap at halik nito. Kaagad siyang pumanhik sa kwarto nila’t nagbihis. Nakita niya ang anak niyang nakatuon ang tingin sa flat screen TV nila. Kasalukuyan itong nanonood ng Discovery Channel. Puro tungkol sa Science ang palabas ngayon kaya sobrang tutok ang anak niya. Pumunta siya sa kusina at nakita si Yaya Bibing na naghuhugas ng plato. “Oh, Kara gusto mo mag meryenda?” tanong ng Yaya. “ Salamat yaya kamusta naman si, Kier dito habang wala ako?” aniya at tumulong sa pag-linis ng kusina. “Okay naman nak, pinagsabihan ko nga kanina kasi sobrang tutok sa libro. Alam mo naman ang kondisyon ng mata niya. Buti nalang at nakinig saki

