bc

Who Are You Again?

book_age18+
213
FOLLOW
1.9K
READ
revenge
opposites attract
mafia
drama
assistant
like
intro-logo
Blurb

Gwapo, pero may madilim na nakaraan. Si Watt Yabro, dating underboss ng La Sombra, ay nagtago sa likod ng manibela; nagmamaneho para sa isang super sungit na CEO. Pero ang nakaraan, ayaw paawat. Lalo na nang ang kanyang bagong boss, si Kyla, ay biglang interesado sa mundo ng mafia. When Watt face a difficult decision, pipiliin ba niyang tumakas muli mula sa panganib na dulot ng kanyang nakaraan, o haharapin ang mga ito at i-reconcile ang kanyang damdamin para kay Kyla? Sa isang labanan ng pag-ibig at takot, kailangang magdesisyon si Watt—ang kanyang nakaraan o ang kanyang hinaharap.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
READ AT YOU OWN RISK. CONTENT CONTAINS EXPLICIT AND VULGAR WORDS THAT MAY NOT BE ACCESSIBLE TO MINORS. [SPG🔞] "Manang Karen! Manang Karen!" sigaw ni Ms. Kyla Cassidy habang nagmamadaling bumababa sa malapad na hagdan ng kanilang mansyon. Kahit nakapantulog pa siya, ang itsura niya ay parang kakatapos lang ng photoshoot para sa isang luxury brand advertisement. Well, sino ba naman ang hindi kung may lahing Kano, diba? She's super maganda at sexy na kahit mga bituin sa langit at mapapaibig sa kanya. Kaya lang super sungit rin dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya. Kahit nga mga employees niya ay natatakot sa kanya. Siguro dahil reincarnated siya ng isang mabangis na tigre at pinarusahan ng dyosa ng kagubatan. "Manang Karen, what took you so long ba?! Malalate na ako! Please get my things ready and call Kuya Bado to prepare the car!" dagdag pa niya, ang tono’y halatang iritadong-irritado na. Galit na galit at gusto ng manakit. Napalingon naman si Manang Karen mula sa kusina habang nag-aayos ng tray ng almusal. Agad siyang nagmadali, dala ang bag ni Ms. Kyla, pero halata ang kaba sa mukha niya. “I-ito na po, Ma’am Kyla… Pasensya na po.” Sabi niya at ibinigay ang bag ng kanyang boss Kyla. Sobrang sungit talaga nito na kahit sino binabangga. Kung hindi lang super maganda baka pati ang mga bathala binagsakan na siya ng super lakas na kidlat. Hinablot ni Kyla ang bag niya, sabay tingin sa relo. “Ghad! Where’s Kuya Bado, Manang Karen?!” Napakagat-labi si Manang Karen bago sumagot. “Ay, nako, Ma’am! Nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na absent po pala si Kuya Bado ngayon. Nasa ospital po siya kasi manganganak na 'yung asawa niya.” Natigilan si Ms. Kyla at tumaas ang kilay. "What?! Ghad, bakit mo naman pinayagan siyang mag-absent, Manang Karen? Pati ba naman personal problems niya dinadamay sa trabaho? Malalate na ako! This is so unprofessional!" Wala nang magawa si Manang Karen kundi yumuko at pumikit ng mariin. Mukhang paparating na naman ang bagyo. Sino ba naman ang hindi pipikit ang mata kung umagang-umaga sasalubungin ka ng malutong na bulyaw, diba? “Call that Manong Bado and get him fired, okay? Ghad!” Utos ni Kyla sabay dampot ng kanyang sunglasses mula sa coffee table. “Give me the car key, ako na lang ang magda-drive! Ugh, this day couldn’t get any worse!” Napilitan si Manang Karen na magmamadaling kumuha ng susi mula sa bulsa ng kanyang apron at iniabot ito kay Kyla. “Ingat po kayo, Ma’am Kyla,” mahina niyang sabi, pero mukhang hindi narinig ni Kyla dahil tuluyan na itong nagmamadaling lumabas. Sa driveway, mabilis na pinaandar ni Kyla ang kanyang mamahaling sports car. Suot ang oversized sunglasses at isang designer coat, kitang-kita kung gaano siya ka-elegant kahit galit na galit. Habang binabaybay ang ma-traffic na kalsada, panay ang iling niya. “Ugh! Ang hirap talaga ng walang maasahan sa mga tauhan! Ang dali-dali lang naman ng trabaho nila pero they still manage to mess things up! Kapag hindi ko talaga natiis ang mga taong ‘to, balik talaga ako sa States!” Pagkatapos ay mabilis niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang kanyang secretary. “Katty, please call the Red Publication Company and tell Don Francisco na malalate ako ng konti, okay?” utos niya habang nakatingin sa traffic sa harapan. “Uh, Ma’am Kyla, alam niyo namang strict sa oras si Don Francisco, 'di ba?” alanganing sagot ni Katty mula sa kabilang linya. Huminga nang malalim si Kyla, pero halatang pigil ang inis. “I don’t care, okay? Just tell him! Ghad, traffic pa dito! Nakakainis!” “Sige po, Ma’am. I’ll handle it.” “You better.” At agad niyang binaba ang tawag. Habang nagmamaneho, sinabayan ng pagbuntong-hininga ni Kyla ang paborito niyang classical music playlist. Kahit galit, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Sa isip-isip niya, “This meeting is crucial for the future of my company. Hindi pwedeng pumalpak ito.” Ang totoo, si Kyla Ross ay hindi lamang isang CEO. Siya rin ang mukha ng K Newspapers and Magazines, isang tanyag na kumpanya na kilala sa buong mundo. Sa edad na 28, nagawa niyang itayo ang imperyo ng media sa tulong ng kanyang pamilya, pero halos lahat ng responsibilidad ay nasa balikat na niya ngayon. At bilang perfectionist, ayaw niyang may nasasayang na oras. Pero sa kabila ng kanyang tagumpay, halatang may lungkot sa kanyang mga mata tuwing mag-isa siya. Ang pamilya niya ay nasa Amerika, at naiwan siyang mag-isa sa Pilipinas para patakbuhin ang negosyo. Hindi niya ito sinasabi, pero ramdam niyang minsan ay parang walang halaga ang lahat ng kayamanan kung wala siyang kasama. Pagdating niya sa opisina, halos magkandahabol siya ng hininga. Nakatingin ang lahat ng empleyado habang naglalakad siya sa lobby. Ang taas ng energy sa paligid—nasa opisina ang lahat ng heads ng iba't ibang department dahil sa meeting. Pagpasok niya sa conference room, naroon na si Don Francisco, isang senior executive mula sa Red Publication Company, kasama ang iba pang board members. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. Napaka-formal ng atmosphere, at tila mas tumahimik ang kwarto nang makapasok si Kyla. “I apologize for being late,” sabi niya habang inaayos ang kanyang coat at bag. Ngumiti siya nang kaunti pero halatang may bahid ng pagod. “Traffic was terrible. Anyway, let’s get started, shall we?” Habang sinisimulan ang presentation, unti-unting nawala ang tensyon sa kwarto. Kahit na mainitin ang ulo ni Kyla kanina, sa trabaho naman ay ibang tao siya. Kompleto sa datos, malinis ang delivery, at siguradong-sigurado sa bawat salitang binibitawan niya. Kahit si Don Francisco ay halatang na-impress. Pagkatapos ng meeting, nakatayo si Kyla sa rooftop ng kanilang building habang hawak ang isang tasa ng kape. Tumitig siya sa skyline ng lungsod, na para bang nag-iisip ng malalim. “Napakahirap pala maging successful,” bulong niya sa sarili. “Lahat ng tao, inaasahan kang maging perfect. Pero sino ba ang umaasikaso sa'yo kapag kailangan mo ng tulong?" Tumunog ang cellphone niya, at nakita niyang si Manang Karen ang tumatawag. “Hello, Manang Karen. Ano na naman ba?” sagot niya, pero hindi na masungit ang boses niya tulad kanina. “Ma’am Kyla, pasensya na po sa abala, pero gusto ko lang pong i-update kayo. Nanganak na po ang asawa ni Kuya Bado. Malusog na baby boy po ang anak nila.” Natigilan si Kyla. “ Really, Manang Karen? Ano bang gusto mong gawin ko, mag celebrate just because malusog ang baby niya after ruining my day!” Bulyaw ni Ms. Kyla sa kaniya. " Tell him not to return here, okay? He's fired! And please find somebody na pwedeng pumalit sa kanya as soon as possible!” " Ye-yes ma'am!” Kaagad namang pinatay ni Ms. Kyla ang kanyang cellphone. Sa isip niya ay maaga siyang tatanda sa ganitong eksena. Mabuti na lang talaga at positive ang resulta ng kanyang presentation with the Red Publication Company, dahil kung hindi, baka makakapatay talaga siya ng tao ng wala sa oras. Sa loob ng kanyang office, ay pinatawag niya ang kanyang secretary. “Can you check my schedule today, Katty.” She then immediately looked at her schedule table. Nang makita niyang wala nang ibang schedule ang CEO ay sumagot siya ng mariin. “Well, since the meeting has already ended, wala ka ng ibang schedule today, ma'am Kyla." “Okay good." Sagot naman ng CEO at tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kaagad din niyang sinuot ang kanyang sunglasses at ang kanyang artistic na super expensive na coat. “If anyone wanted to see me, tell them I'm super busy."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook