CHAPTER 32

1370 Words
Dahil nasa d kalayuan na sila ng mismong party sa club, maedyo tahimik na ang buong paligid maliban sa mahina at bass-heavy na musika. Si Watt Yabro ay nakatayo, tila napako sa kinatatayuan matapos marinig ang hindi niya inasahang mga salita mula sa kanyang masungit na boss. Well, probably he couldn't believe what he just heard. After everything he sacrifices. After everything he's been through just to protect his boss, it's not enough. Now, she wanted to fire him. "You heard it right, Watt Yabro," muling ulit ni Kyla, ang boses nito’y malamig at puno ng determinasyon. Nakatingin siya nang diretso sa lalaki, na para bang walang ibang tao sa paligid nila. "You're fired!" Ani muli nito at tumalikod. Tila iniwan si Watt sa eri sa kabila ng maraming katanungan sa kanyang isipan. Probably he couldn't move even an inch out of disbelief that the boss he's just trying to protect just fired him. Mababakas naman sa boses niya na sobrang bigat nito. Para bang gustong-gusto niya talagang makawala sa koneksyon ng kanyang driver. Halos hindi makagalaw si Watt, mistulang binagsakan ng langit at lupa. Naglalaro sa isip niya ang mga tanong: Bakit? Ano bang nagawa ko? Hindi ba’t lahat ng ginagawa ko ay para lang protektahan siya? He clenched his fists, struggling to keep his composure. Habang nakatingin siya ng wala sa sarili sa kanyang boss na papalayo na, he shaked his head, then he blew a very deep sign na para bang sinasabing he refuses to be fired. Dali-dali niyang hinabol si Kyla, hanggang sa maabutan niya ito bago pa makalayo. Agad niyang hinawakan ang braso ng babae, dahilan para mapalingon ito nang biglaan. "Ma’am Kyla, sandali!" mabilis na sabi niya, ang tono ng kanyang boses ay halatang puno ng frustration. Ngunit hindi nagpatinag si Kyla, nagpumiglas ito at pilit na hinablot ang kanyang kamay mula kay Watt. "Ano ba, Watt Yabro! I said you're fired!" galit na sigaw ni Kyla, ang kanyang boses ay malakas at puno ng determinasyon. Tumitig siya sa lalaki na parang isang tigre na handang umatake. "Wala ka nang karapatang makialam sa buhay ko! I am done with with you!” Ngunit si Watt ay nanatiling matatag, nakatayo sa harap ng kanyang boss na para bang hindi siya natatakot. "Okay, fine. You're firing me, right? Sige, gawin mo. But let me ask you this: could firing me change anything? Huh? No. Nothing will change, Kyla." Napalunok si Kyla, hindi dahil sa takot kundi dahil sa bigat ng mga salitang narinig niya. Ngunit hindi siya nagpakita ng kahinaan. "Talagang makapal ang mukha mo, Watt! Hindi mo ba naiintindihan? Wala kang karapatan para pigilan ako!" "Walang magbabago, Kyla," kalmado ngunit mabigat na sagot ni Watt. Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon, ang kanyang postura’y hindi nagpakita ng kahit anong pagsuko. "I will stop you at all costs!” Hindi na napigilan ni Kyla ang kanyang emosyon. Agad niyang iniangat ang kanyang kamay at malakas na sinampal si Watt. Ang tunog ng sampal ay halos marinig ng lahat ng nasa paligid, ngunit tila wala silang pakialam dahil abala ang lahat sa kanilang sariling mundo. After all, nasa isang club sila at ang mga tao were just enjoying the party. "You have no respect for me, Watt! Sino ka ba para pagsabihan ako sa mga ginagawa ko?!" Ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa galit. "You are nothing to me! Nothing! At kahit anong gawin mo, you can't stop me. This is my life, Watt. Hindi mo'ko pwedeng kontrolin!" Tumigil si Watt, iniangat ang kanyang ulo matapos ang sampal. Hindi siya gumanti. Sa halip, tumitig siya nang malalim kay Kyla, ang kanyang mukha ay puno ng dismayado ngunit kalmadong ekspresyon. "Still, I won't accept this, Kyla. And it won't change anything," sabi niya, ang boses niya’y malamig ngunit puno ng conviction. "Kahit pa anong gawin mo, hindi kita hahayaang sirain ang sarili mo." "Ghad! Nasisiraan ka na talaga ng ulo, Watt!" sigaw ni Kyla, halos paos na ang kanyang boses. Hindi na niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. "Why can't you just leave me alone, you criminal?!" Ang sigaw ni Kyla ay sapat na para makatawag ng atensyon ng mga tao. Ngunit hindi lang ito narinig ng mga walang pakialam na crowd sa club. Narinig din ito ng mga miyembro ng Scarface Cartel, ang grupo ng mga kriminal na nagmamay-ari ng lugar. Mabilis na lumapit ang halos sampung miyembro ng Cartel. Matitipuno, may dalang mga baseball bat, at halatang handang manakit. Nagkatinginan sila, at isa sa kanila ang ngumisi. "It's him..." Napalunok si Watt habang tinitingnan ang grupo ng mga lalaki na papalapit. Alam niyang mahihirapan siya rito, pero hindi siya pwedeng umatras. “I have to protect her no matter what,” sabi niya sa sarili. Si Kyla naman ay dahan-dahang umatras palapit sa grupo ng Scarface Cartel. Ang galit at inis niya kay Watt ay napalitan ng takot, ngunit pilit niyang hindi ito pinapakita. Tumalikod siya at tumakbo palayo, iniwan si Watt sa sitwasyon na mas lalong naging mapanganib. Napaligiran si Watt ng mga miyembro ng Cartel. Isa sa kanila ang humakbang palapit at nagtaas ng baseball bat. "So, ikaw pala ang pakialamerong driver na nanggugulo rito?" Hindi sumagot si Watt. Sa halip, tumingin siya nang diretso sa mga kalaban, ang kanyang panga ay mahigpit na nakatikom. Ang kanyang postura ay handang lumaban kahit na wala siyang armas. "Wala ka nang takas, lalaki," sabi ng isa habang umiikot sa paligid ni Watt. Mabilis na kumilos si Watt nang makita niyang umatake ang isa sa kanila. Mabilis siyang umiwas, at gamit ang kanyang kamao, pinaulanan niya ng suntok ang lalaki hanggang sa bumagsak ito. Isa pa ang umatake, ngunit sa bilis ni Watt, nahuli niya ito at naagaw ang baseball bat. Sa loob ng ilang segundo, nakatalo na niya ang dalawa sa kanila. Ngunit kahit gaano siya kabilis, hindi maiiwasan na matamaan siya. Isang baseball bat ang tumama sa kanyang tagiliran, dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Halos matumba si Watt, ngunit pilit niyang nilalabanan ang sakit. Hindi siya maaaring sumuko. Habang nagpapatuloy ang laban, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Alam niyang kung hindi siya makakatakas o makakahanap ng paraan, maaaring ito na ang katapusan niya. “I have to follow her… alright, I have to.” He thought of it, firmly and very composed. Sa kabila ng mga tama niya sa katawan, he positioned himself in a defensive stance, dodging every swing of the baseball bats, then with all his brute force, he knocked them out one by one. “Wala ka nang kawala, lalaki! You're here in our territory. Sooner or later it will become your burial ground!” Sigaw ng isa pang lalaki sabay hampas kay Watt Yabro. Kaagad naman niya itong naiwasan; then he punched him sa kanyang tagiliran dahilan upang matumba ito. “You're not sure about that…” wika ni Watt, at nilapitan ang bakabulagtang lalaki. Then he stared at him na para bang isang hayop na lalaki. “You never know who I am…” muli niyang ani, at sinipa ang lalaki sa mukha na naging dahilan upang mahimatay ito. Napatumba ni Watt ang sampong lalaking may dalang baseball bats, but the catch was that he lost her boss. He looked around, seeking every corner of the club kahit na alam niyang delikado ito para sa kanya. He never cared about his safety at all. All he wanted is to get his boss out of here–to make sure that she'll be safe. “Shoot! Why can't you just listen to me, Kyla!” Mabigat na tugon niya sa kanyang sarili. He was about to enter into a dim passage kung saan wala masyadong tao. Halatang isa itong daan patungo sa isang secret lounge, ng makita niya ang isa sa mga tao ni Don Deather. “Detonator…” Wika niya habang nakatingin sa malayo. Napasandal siya sa pader at huminga ng malalim. “This isn't good. If the leader are here, probably the Don too.” He looked at his watch only to find out na it was already past midnight. “2 more hours for the transaction to commence. I need to hurry…” he said bago muling hinanap ang kanyang masungit na boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD