Sa loob ng simpleng kwarto kung saan pansamantalang naninirahan sina Watt at Kyla, malamlam ang ilaw mula sa isang maliit na lampshade na nasa tabi ng kama. Ang paligid ay tahimik maliban sa tunog ng banayad na hangin mula sa bintana. Nakahiga si Kyla sa malambot na kama, ang kanyang ulo ay nakapatong sa balikat ni Watt. Tahimik naman si Watt na tila nag-iisip nang malalim habang nakatitig sa kisame. “Linggg,” maamong tawag ni Kyla sa kanya at ang boses ay punong-puno ng lambing. Napalingon si Watt sa kanya, saglit na tumigil sa pag-iisip, at tumitig kay Kyla ng mata sa mata. Napansin niya ang mapayapang ekspresyon nito, tila inosente at hindi nababalot ng bigat ng nakaraan. “Thank you ha, for being here for me,” dagdag ni Kyla, ang kanyang boses ay punong-puno ng pasasalamat. “I apprec

