Sa ilalim ng napakagarang chandelier na parang mga bituin sa kalangitan, nakaupo si Kyla, ang CEO na walang pinapalampas na detalye, at si Manang Karen, ang ever-loyal na tagapamahala na hindi rin papahuli pagdating sa chismis. Ang mesa ay parang eksena mula sa isang five-star restaurant—may beef wellington na perpektong luto, roasted vegetables na may drizzle ng olive oil, at ilang native desserts tulad ng sapin-sapin at kutsinta. May imported na wine sa gilid, kahit umaga pa lang, dahil bakit nga ba hindi?
“Magaling, Manang Karen. Nakakuha ka ng isang magaling na driver…” Sabi ni Kyla habang dahan-dahang sumubo ng isang piraso ng beef wellington. May halong sarkasmo sa kanyang tono, pero halata rin ang pagka-impressed. Parang sinasabi niyang, “Good job, pero ‘wag kang masyadong magpakasaya.”
Napakunot-noo si Manang Karen, saka napakamot sa kanyang ulo na parang sinasabi ng katawan niya, “Ano na namang problema?” Hindi niya alam kung dapat bang matuwa o kabahan. “Ba-bakit po? Did you do the usual test, ma'am Kyla?” tanong niya, halatang curious pero may konting kaba. Sa likod ng kanyang isip, iniisip na niya ang worst-case scenario. “Sana naman walang nangyaring masama sa perfect driver ko,” bulong niya sa sarili. Hindi niya maiwasang isipin ang kinabukasan ng kanilang mga anak kung biglang magka-problema si Mr. Yabro. Shaks, over din pala ‘tong si Manang Karen, ‘no? Delulu rin masyado. Well, she wishes na sana okay lang si Watt Yabro dahil sya pa naman ang nagbigay ng glowing recommendation dito.
Kyla smirked habang hinihigop ang kanyang freshly brewed coffee. “I did, and he’s quite good at it. Hindi na ako magugulat kapag tumawag rito ‘yong mga tao ko at humingi ng medical expenses. Biruin mo, binugbog niya ang tatlong ‘yon ng walang kahirap-hirap.”
Biglang natigil si Manang Karen sa pagbabalat ng kutsinta. Nanlaki ang mata niya. “Tatlo? Binugbog niya?!” Mahinang sambit niya, hindi makapaniwala. Sa isip niya, gusto niyang magtanong ng “Paano? Anong nangyari? Ano’ng dahilan?” Pero hindi na niya nasabi lahat ng iyon. Sa halip, napangiti siya ng kaunti habang iniisip si Mr. Yabro, ang bagong driver.
“Ugh, ang sarap mo talagang maging father ng mga anak ko, Mr. Watt Yabro…” bulong niya sa sarili, na hindi niya namalayang lumabas sa mukha niya bilang isang dreamy smile.
Napansin iyon ni Kyla. Tumigil siya sa pagsubo at itinaas ang kanyang kilay, halatang napansin ang kakaibang ngiti ni Manang Karen. “Hoy! Sira ulo ka ba? Ang OA naman ng reaction mo…”
Halos mapalunok si Manang Karen, biglang naghanap ng palusot. “Ahh… ehh… kasi ma’am Kyla, masaya lang ako na may bago kang protective driver. Ang dami nang mga basagulero ngayon, tapos may maaasahan ka na…” Sagot niya habang pilit na itinatago ang nerbiyos.
Pero sa loob-loob niya, nag-iisip siya ng mas malalalim pang bagay. “Sana nga wag kitang maging karibal, ma’am Kyla. Papatulan talaga kita pag nagkataon! Lamang ka lang ng limang ligo sa akin, pero panalo ako sa karisma!”
Samantala, si Kyla, bagamat sanay sa pagiging composed at matalas, ay biglang napaisip nang konti tungkol kay Watt Yabro. Bumalik sa kanya ang nangyari noong unang araw nito sa trabaho. His demeanor was calm, collected, and professional—parang tipikal na corporate-trained driver. Pero may isang bagay na kakaiba. Sa eksenang iyon, pinakawalan niya ang tatlong tauhan niya para subukan kung maaasahan ba si Watt sa emergency situations. Pinagpanggap niya ang mga ito bilang magnanakaw sa kanilang SUV, at doon niya nakita ang kakaibang liksi at galaw ng driver. Para bang alam na alam na nito kung paano kumilos sa mga ganoong sitwasyon.
“Karen,” biglang sabi ni Kyla habang nakatingin sa alalay. “Mukhang may tinatago ang driver mong ‘yan. Ayusin mo ang background check.”
Nagkibit-balikat si Manang Karen. “Background check? Puso ko na lang kaya ang i-check mo, ma’am…” bulong niya sa sarili, sabay balik sa pagkain ng kutsinta.
“By the way, Manang, hindi ba stay-in si Watt Yabro?” tanong niya, kaswal na pinulot ang isang piraso ng sapin-sapin gamit ang tinidor.
Napaisip si Manang Karen bago sumagot. “Actually, ma’am Kyla, sinabi ko rin sa kanya na it’s better na mag-stay-in na lang siya rito sa mansyon. Para na rin laging on-call siya. Kaya lang, hindi siya pumayag.”
Tumaas ang kilay ni Kyla. “Bakit daw?”
“May asikasuhin daw siya, ma’am. Ewan ko kung ano, pero parang ang dami niyang personal na bagay na dapat atupagin.” Halata sa boses ni Manang Karen ang bahagyang inis, pero may kaunting curiosity rin.
“Okay…” sagot ni Kyla, tila hindi masyadong naapektuhan. “Basta just make sure na hindi siya malalate. I hate tardiness.” Muli siyang bumalik sa pagkain ng beef wellington, tila nawalan na ng interes sa usapan.
Ngunit bago pa tuluyang maiba ang paksa, napatingin si Manang Karen sa bintana ng mansyon. Ang kanyang mga mata ay kumislap nang makita ang paparating na tao. “Speaking of which, nandito na siya, ma’am Kyla,” sambit niya habang pinipilit na magmukhang kalmado.
Sinundan ni Kyla ang tingin ni Manang Karen at nakita si Watt Yabro na kakababa lang mula sa itim na SUV na malinis at makintab na parang bagong wax. Suot niya ang isang navy blue na suit na hapit na hapit sa kanyang maskuladong katawan. Para bang ang bawat tahi ng suit ay sinadya para ipakita ang magandang hubog ng kanyang balikat, dibdib, at braso. Ang itim niyang leather shoes ay kumikislap sa liwanag ng umaga, at ang kanyang postura ay parang isang modelo sa high-end na fashion show.
Tahimik lang si Kyla habang iniinom ang kape, pero si Manang Karen ay hindi mapakali. Napalunok siya nang makita si Watt na papalapit sa mansyon. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makitang parang slow motion ang paglalakad nito. “Ang hot mo naman, Watt Yabro,” bulong niya sa sarili. Hindi niya namalayang lumabas na naman ang kanyang dreamy smile.
Nagpanggap siyang kalmado, pero sa loob-loob niya, parang naglalaro ang kanyang isipan. “Ugh, Watt Yabro, ano ba ‘tong ginagawa mo sa akin? Bakit ang gwapo mo kahit simpleng suit lang ang suot mo?” Kulang na lang talagang maging heart-shaped ang mga mata niya, pero pilit niyang tinatago ang nararamdaman.
Napansin ni Kyla ang kakaibang reaksyon ni Manang Karen. “Hoy, Karen. Ano na naman ‘yan? Tigilan mo nga ako sa mga ganyang ngiti mo. Mukha ka nang tanga.”
“Ha? Wala po, ma’am Kyla! Ano lang, masaya lang po ako kasi ang sipag ng driver niyo,” mabilis na palusot ni Manang Karen habang namumula ang kanyang pisngi.
Hindi na sumagot si Kyla, pero lihim siyang natawa. Alam niyang may kung ano kay Watt Yabro na hindi lang siya ang nakakapansin.
“Well, in fairness naman sa kanya dahil ang galing niyang pomorma." Sabi ni Kyla sa kanyang isip habang patuloy na hinihigop ang kanyang kape. Navkukunwari pa siyang walang paki-alam sa nangyayari ngunit ang kanyang isipan ay hindi pwede tumanggi. Curious talaga siya sa anong buhay meron ang kanyang driver.
“Manang…” Tawag ni Kyla.
" Go tell him na dito na lang siya kumain, okay? We'll go after niya mag-almusal.” Utos niya na kaagad namang kumuha ng atensyon ni Manang Karen.
" Yes ma'am!” Sagot nito at mabilis na tumakbo palabas.
" Watt, finally… halika sabay na tayong kumain, please. Tsaka ‘wag ko lang pansinin ‘yang malditang Kyla na ‘yan. Ang mahalaga ay akin ka lang so far." Muling pantasya niya kay Watt. Hindi niya namalayan at sa sobrang bilis ng kanyang takbo at nadulas siya super makintab na sahig.
“Aray!"
Kaagad namang lumapit si Watt sa kanya at tinulongan siyang tumayo.
“Are you okay, Manang?" Tanong niya sa matandang gurang.
“I am… Mr. Yabro…” Sagot naman ng matanda na may hindi maipaliwanag na expression. Para bang pinapakita niyang inlove na inlove siya rito. Well, ang mata kasi niya ay halos korteng puso na.
“H-Hmmm…” Umubo si Watt at ngumiti ng marahan.
“I guess this work is really quite a challenge…” Sabi ng isip niya at dahan-dahang umabante patungo kay ma'am Kyla.