“Don Deather…” Wika ni Drako, ang consigliere ng Scarface Cartel. Ang boses niya ay puno ng paggalang, ngunit may halong kaba. Kahit ganoon, pinilit niyang hindi ito ipakita sa harap ng kanilang walang awang boss. Nakaupo si Deather sa isang eleganteng tabla sa private lounge ng kanyang sariling Roadside Club. Ang kanyang postura ay parang hari, may hawak na baso ng mamahaling alak habang nagmamasid sa bawat tao sa silid. Sa kabila ng magara niyang suot at maamong itsura, kitang-kita ang aura ng karahasan sa kanyang mga mata.
“The Cartel has now become huge,” patuloy ni Drako habang bahagyang lumapit. “The connection, the influence, the name—lahat ng iyon ay nasa atin na. I am happy about that. But it also increases the risk of us having trouble with other organizations. In the worst case, it could post an alarm to the law enforcement.” Huminga siya nang malalim pagkatapos ng kanyang sinabi. Alam niyang delikado ang pakikitungo sa ganitong usapan lalo na kay Deather.
“What makes it different from what we were before, Drako?” tanong ni Deather, kasabay ng isang mabigat na buntong-hininga. Sinundan niya ito ng isang sarkastikong ngiti. “We are criminals, aren't we? Or perhaps, you're still thinking of the old La Sombra?” May bahid ng pangungutya ang tono niya, pero ang boses niya ay parang naghahatid ng malakas na hampas sa paligid. Parang bawat salita ay may dalang babala.
Tahimik ang silid. Naririnig lamang ang bahagyang tunog ng baso ni Deather na inilapag niya sa mesa. Sa tabi ni Drako, nakatayo si Cobra, ang underboss ng cartel. Kasama rin nila ang ilang lider ng crew, pero walang sumubok magsalita. Ramdam nila ang tensyon sa bawat segundo; at ang kahalagahan ng respeto para sa mga taong ito maliwanag pa sa sikat ng araw.
“No. It's not like that, Deather,” sagot ni Drako habang yumuko nang bahagya bilang respeto. “I am just trying to suggest the most practical way possible.”
“What do you suggest, Drako?” tanong ni Deather na puno ng sarkasmo. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at unti-unting lumapit kay Drako. Hindi malakas ang boses niya, pero ang bigat ng kanyang presensya ay parang bagyo. “Playing hide and seek? Run from the shadows and stay hidden? We're done with that old tradition, Drako. We've already ended that. La Sombra has already ended. Everything in it!”
La Sombra. Ang unang pangalan ng grupo bago ito tinawag na Scarface Cartel. Ang ibig sabihin nito ay "The Shadow." Tinawag nila itong ganito dahil ang kanilang mga operasyon noon ay palihim at nakatago sa mata ng publiko. Ngunit nagbago ang lahat nang magkaroon ng internal conflict sa grupo. Ang dating Don ng La Sombra ay pinatay ni Deather mismo, isang marahas na hakbang na naging daan upang maging lider siya ng grupo. Ginawa niyang Scarface Cartel ang pangalan nito, simbolo ng kanyang ambisyon at paniniwala na hindi na nila kailangang magtago sa anino.
“Drako, listen to me,” patuloy ni Deather habang naglalakad-lakad sa harapan ng lahat. “Scarface Cartel exists because I wanted more. Hindi tayo ginawa para magtago. We are not cowards. We dominate. We take over. And we leave a mark. That’s what makes us different. Do you understand that?” Itinaas niya ang baso ng alak at sumimsim, parang naghihintay ng sagot.
“Yes, Don,” sagot ni Drako, bahagyang nanginginig. “I understand. I just want to make sure na ang plano natin ay magiging sustainable. We cannot afford mistakes.”
Ngumisi si Deather at tumigil sa paglalakad. “Mistakes? Mistakes are for the weak, Drako. And we are not weak.” Tumalikod siya, nagmamasid sa malaking salamin na nakapalibot sa private lounge. Kitang-kita mula roon ang mga kalsadang puno ng mga ilaw ng lungsod. “This city… It belongs to us now. And if anyone dares to take it, they’ll face the wrath of Scarface Cartel.”
Samantala, tahimik pa rin si Cobra. Bagamat bihirang magsalita ang underboss, alam ng lahat na isa siyang halimaw pagdating sa aksyon. Nakatayo siya sa tabi ni Drako, nakangiti pero may kakaibang lamig sa mga mata. Ang ilan sa mga lider ay nagbubulungan, halatang naiilang sa pag-uusap.
Binasag ni Cobra ang katahimikan. “Don, I agree with Drako to some extent. We should be careful. Pero tama ka, hindi tayo puwedeng magtago. Pero siguro, we can play it smarter. Dominate with precision. Hindi lang basta galit, but with plans.”
Napatingin si Deather kay Cobra, tila nag-iisip. “Smarter?” Tumaas ang kilay niya pero hindi nawawala ang ngiti niya. “Fine. I’ll let you plan. But remember, Cobra, mistakes are unacceptable. Anyone who fails will pay the price. Do I make myself clear?”
“Yes, Don, our upcoming operations with the Italian Mafia are imminent. I'll take the lead of our crew. The plans, and everything. All you have to do is to present yourself and welcome them. ” Sagot ni Cobra.
“Mistakes are unacceptable…” muling inulit ni Don Deather, ang boses niya mabigat at puno ng panggigigil. Parang palaso ang bawat salita, nagpapahiwatig na ang pagkakamali ay may katumbas na kamatayan. Tahimik ang silid, at bawat isa sa mga naroroon ay tila pinupunasan ang malamig na pawis sa kanilang noo.
“I've already talked to them, Deather,” sabi ni Cobra, ang kanyang underboss, habang bahagyang inayos ang kanyang pagkakatayo mula sa kanyang puwesto. “We'll conduct the operation here at the Roadside Club.”
Tumitig si Deather kay Cobra, ang mga mata niya ay tila naghuhukay ng katotohanan. Parang gusto niyang basahin ang mismong kaluluwa nito. Walang kahit isang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig, ngunit ramdam ng lahat ang bigat ng kanyang presensya.
“He's right, Don Deather,” dagdag ni Drako, ang consigliere, habang tumayo rin upang sumuporta kay Cobra. Ang kanyang boses ay matatag, puno ng kompiyansa. “Changing the plan at this moment won't affect the operation with the Sinaloa Cartel. But it will make us even safer. The law enforcement probably already have intel reports. But we cannot afford to stop the operation, right?”
Tumingin si Deather kay Drako, at sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, tumawa siya nang bahagya. Pero ang tawa niya ay hindi dahil sa katuwaan—ito ay halong panunuya at pagkasabik. “PltCol Hidalgo is such a pain…” sabi niya habang umupo sa kanyang mesa, muling kumuha ng baso ng mamahaling alak. Ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang naglaro sa labi ng baso habang nag-iisip.
Nakangiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay hindi nagbibigay ng aliw. Ito ay ngiti ng isang tao na handang ipaglaban ang lahat ng isang lider na alam ang kahulugan ng kapangyarihan. “Alright,” aniya pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan. “Bring it on.”
Sa likod ng desisyon ni Deather ay ang malinaw na layunin: hindi lamang kontrolin ang lungsod ng Giuliano kundi ang buong network ng kriminalidad. Sa kanya, ang Scarface Cartel ay higit pa sa isang mafia. Ito ay isang simbolo ng kanyang dominasyon—ang patunay na siya ang pinakamalupit sa larangan ng kriminalidad.
Habang nagpatuloy ang diskusyon, malinaw na ramdam ng lahat ang tensyon. Ang Roadside Club, ang kanilang pinakasikat na teritoryo, ay magiging sentro ng operasyon kasama ang Sinaloa Cartel. Ang lugar na ito ay naging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan, at ngayon ay muli nitong patutunayan ang halaga nito.
“Narinig niyo na ang Don,” sabi ni Cobra sa mga crew leaders. “We stick to the plan. Huwag kayong magkakamali.” Ang boses niya ay malamig, ngunit puno ng awtoridad. Isa siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ni Deather, at ang bawat salita niya ay batas.