“Manang Karen…” bungad ni Watt mula sa kabilang linya ng kanyang cellphone. Tumawag siya para magbigay ng update tungkol kay Kyla. Pero alam niyang hindi magiging madali ang usapan kapag si Manang Karen ang kausap. Alam na alam na niya ang style nito. With her signature move na very flirtatious, na halatang walang ibang gusto kundi lumandi. Nako, kahit sino ay walang may gusto na lambingin ng isang gurang ‘no. “Watt? Ikaw ba ’to, Mr. Hottie Boy?” sagot ni Karen with her signature flirtatious tone. Kahit gurang na, hindi pa rin nito maiwasang magpaka-malandi. Ewan ko ba sa babaeng ‘to. Hindi ba siya nahihiya sa kanyang kulubot na mukha? Well, sa bagay makapal nga naman ang mukha. “Watt, alam mo, miss na miss na kita. Parang isang taon na tayong hindi nagkita! I wonder kung nakakakain ka b

