Ang araw sa lungsod ng Giuliano ay tila normal lamang para kay Kyla. Habang nagmamaneho siya ng kanyang BMW papunta sa K Newspapers and Magazines Company, ang kumpanyang pinaghirapan niyang itayo, napansin niyang parang may sumusunod sa kanya. Nagtaka siya ngunit pinilit niyang hindi magpaapekto. After all, she’s been through a lot recently, at iniisip niya na baka pagod lang siya at masyado siyang nagiging paranoid. Sa gitna ng kalsada, habang papalapit siya sa isang intersection, biglang may sumulpot na van mula sa likuran. Bumilis ang takbo nito at pumarada sa tabi niya, blocking her path. “What the hell?” bulong ni Kyla sa sarili habang bumaba ng bahagya ang bintana ng kanyang sasakyan para tingnan ang nangyayari. Bago pa siya makapag-react, dalawang tao ang mabilis na bumaba mula s

