“Chief!” sigaw ni Plt. Heath, halatang hingal na hingal mula sa pagmamadali. Ang kanyang pawisang noo at nanlilimahid na uniporme ay nagpapatunay na dire-diretso siyang tumakbo papunta rito mula sa kung saan man siya nanggaling.
“Chief!” muling sigaw niya habang tumigil sa harap ng desk ng Chief. Si Heath ay isa sa mga pinaka-maaasahang lieutenant ni Chief Hidalgo at ang lider ng Task Force Revelation—isang espesyal na yunit na itinatag upang tuluyang sugpuin ang mga mafia organizations sa siyudad. Binubuo ito ng mga most skilled police officers from different units, and make them into one unit to have a common goal.
“Chief! Si Plt. Damiano. He was caught!” Ani niya nang may halong galit, gulat, at hindi makapaniwala. Ang kaba at pagkabalisa ay kitang-kita sa kanyang postura, tila ba may apoy na nag-aalab sa kanyang dibdib na naghahanap ng kasagutan. He really frustrated na kahit ang mga ulap sa kalangitan ay saksi rito.
Sa kabila ng pagmamadali ni Heath, nanatiling kalmado si Chief Hidalgo. Nakaupo lamang siya sa kanyang swivel chair, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang pile ng mga reports sa kanyang mesa. Kung titingnan, parang hindi siya apektado, ngunit ang bawat kibot ng kanyang mga mata ay nagpapakita ng malalim na pagiisip. He was the Chief, and he knows everything that takes place out of his jurisdiction.
“His luck runs out, Lieutenant,” kalmado niyang sagot habang dahan-dahang binaba ang hawak niyang folder. Walang emosyon sa kanyang boses, ngunit alam ni Heath na nasa ilalim ng facade na iyon ay may mabigat na burden na dinadala ang kanyang Chief.
“Wala ba tayong gagawin, Chief? He died for the mission. He sacrificed himself for this mission tapos wala tayong gagawin!?” Sigaw ni Heath, hindi na naitago ang kanyang frustration. Alam niyang hindi madali ang sitwasyon, pero hindi niya matanggap na ganun lang ang magiging reaksyon ng kanilang lider.
“Lieutenant,” ani Chief Hidalgo habang itinaas ang isang kamay, parang pinipigilan si Heath sa kanyang emosyon. “We cannot do anything foolish. This time, we cannot afford to make mistakes anymore; or else the whole law enforcement will be embarrassed to the public.”
“So we let him die, Chief? We let them do their usual brutal way?” Si Heath ay napatingin sa kanyang mga paa, ang kanyang mga kamao ay nakatikom na parang gustong manuntok ng kahit ano. Tumikhim siya, ngunit halatang hirap siyang magtimpi. “God! This is insane, Chief! Ano ‘to? This isn't what I know is right!”
Biglang tumayo si Chief Hidalgo, ang kanyang matatag na postura ay parang nag-ugat sa sahig. Ang kanyang presensya ay napakabigat, na para bang isang haligi ng batas na hindi maaaring yumanig. Tumitig siya kay Heath, ang kanyang mga mata ay puno ng awtoridad.
“And what do you know is right, Heath? Tell me!” Sigaw niya. Ang bigat ng kanyang boses ay parang pumuno sa buong silid.
“I couldn't afford to just sit here and let those bastards kill him!” Muling sagot ni Heath, ang kanyang boses ay puno ng galit at pagkadesperado.
“You can't!” sigaw ng Chief, mas malakas kaysa sa nauna. “You can't do anything, Heath! I'm warning you!”
Sa saglit na katahimikan pagkatapos ng sagutan nila, humakbang si Heath papalapit sa desk ng Chief. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab, puno ng determinasyon na tila ba walang pwedeng pumigil sa kanya. Inabot niya ang kanyang chapa mula sa uniporme niya, kinuha ang kanyang baril mula sa holster, at marahang inilapag ang mga ito sa mesa ng Chief.
“Uunahan na kita, sir,” aniya, ang kanyang boses ay mas tahimik na ngayon ngunit puno ng bigat. “I’m all done! Sibakin mo ko kung gusto mo, but it won't change a thing. I will end the Cartel even if it costs all my life.”
Tumalikod siya at naglakad papunta sa pintuan, ang bawat hakbang niya ay mabigat, parang dinadala ang lahat ng bigat ng mundo. Tumigil siya sandali sa pintuan, parang naghihintay kung may sasabihin pa ang Chief, ngunit nanatili itong tahimik.
“Pulis ka, Heath. Hindi ka dapat nagpapadala sa damdamin mo!” galit na sabi ni Chief habang ito sa harap ng desk niya. Kita mo sa mukha niya na seryoso siya, pero may halo rin ng pag-aalala. Si Heath naman, nakatayo lang sa harap, nakatalikod at tila hinihintay pa kung may sasabihin pa si Chief.
“Kung ano ‘yang suot mong uniform, ‘yan din ang suot ko. Kung anong sakit ang nararamdaman mo kapag nawawalan ka ng kasamahan, ‘yan din ang nararamdaman ko dahil police din ako.” dagdag pa ni Chief, medyo binaba na ang boses, pero ang bigat ng mga salita niya.
Napasinghap si Heath, halatang nagpipigil ng emosyon. Tumango siya nang bahagya bago sumagot.
“Oo sir, pareho tayong pulis. But I cannot afford to let them eat him alive! Never!” madiin niyang sagot. Kita mo sa mga mata niya ang galit, ang lungkot, at ang determinasyon.
Muli syang naglakad na palabas ng opisina, pero bago pa man siya makalapit sa pinto, may kumatok.
“Tok, tok, tok.”
Pumasok si Sarhento Vergara na may dalang isang box. Halatang curious din ito pero pinipilit manatiling kalmado.
“Sir, pasensya na sa abala,” sabi ni Vergara habang inilapag ang box sa mesa ni Chief. “May package po kayo. Galing daw kay Scarface. Don’t worry, sir, na-check na namin. Malabo pong maging bomba ‘yan.”
Agad na napatigil si Heath sa narinig. Umikot siya paharap, ang kilay niya nagsalubong.
“Scar—Scarface!?” tanong niya, halatang naguguluhan at alerto. Dali-dali siyang lumabas ng opisina para tingnan kung may suspicious na tao sa paligid o baka may clue kung sino ang nagpadala.
Naiwang nagkatinginan si Chief at si Sarhento Vergara.
“Problema nun?” tanong ni Vergara, na parang di alam kung dapat ba siyang ma-stress o hindi. “Dito ko na lang ilalapag, sir,” dagdag pa niya bago tumalikod at bumalik sa desk niya sa kabilang cubicle.
Samantala, si Heath, nagmamadaling tumingin-tingin sa labas ng station. Pero kahit anong tingin niya sa paligid, wala siyang napansin. Walang suspicious na tao, walang kakaibang sasakyan, wala. Napamura siya sa sarili.
“Damn it,” bulong niya habang bumalik sa opisina ni Chief.
Pagpasok niya, naroon pa rin si Chief na nakatitig sa box. Tumigil si Heath sa harap ng desk at tinitigan ang kahon. Halatang nag-aalanganin si Chief, kaya sinabi ni Heath, “Open it, sir.” Medyo marahas ang tono niya, parang mas gusto niyang siya na lang ang gumawa nito.
Dahan-dahang binuksan ni Chief ang kahon. Nang sumilip siya sa loob, halos mapaatras siya sa nakita. Si Heath, biglang sumilip din. Agad silang napatigil, halos walang makapagsalita.
“Damn it…” bulong ni Chief.
Sa loob ng kahon, may isang putol na kamay. Kulay maputla ito, at halatang may dugo pang natuyo sa paligid. It was horrifying. Si Heath, napapikit saglit, pero hindi dahil natakot siya—kundi dahil alam niyang kamay ito ni Lieutenant Damiano.
“s**t,” mahinang bulalas ni Heath habang pinipigilan ang pagputok ng galit niya. Kinuha ni Chief ang isang sulat na nakaipit sa ilalim ng kamay. Duguan ito, at halatang isinulat ng may intensyon na takutin sila.
Binasa ni Chief nang malakas ang laman ng sulat:
“Play your games, Hidalgo. I'll play mine too. But mistakes are unacceptable… and unforgivable. You better bet your life if you wanna cross the line with the Cartel.”
Nang marinig ni Heath ang mensahe, lalo pang umigting ang galit niya. Halos hindi siya makapagpigil. Napalakad-lakad siya sa opisina, nanginginig ang mga kamay sa sobrang inis.
“They're taunting us, sir!” galit niyang sabi, halos sumigaw. “We have to take this fight to them. I can’t just stand by and watch these bastards do this!”
Huminga ng malalim si Hidalgo at pilit pinapakalma si Heath.
“Kalma ka, Heath. We need to be smart about this. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos. The Cartel wants us to react emotionally, and that’s how they’ll trap us.”
Pero si Heath, parang wala nang naririnig. Sa isip niya, isa lang ang malinaw: ang hustisya para kay Damiano at ang pagbagsak ng Cartel..
Sa ilalim ng kanyang malamig na panlabas, alam niyang tama si Heath. Ngunit bilang lider, hindi siya maaaring magpadala sa emosyon. Ang mundo ng batas at hustisya ay hindi laging may malinaw na linya, lalo na kapag nakataya ang buhay ng kanyang mga tao; and he cannot afford to loss anyone... again.