Sa loob ng warehouse kung saan naroroon si Kyla, ang amoy ng langis at sigarilyo ay naghalo sa hangin. Nakaupo si Kyla sa isang lumang upuan, nakagapos ang mga kamay, at bagamat nangingibabaw ang galit sa kanyang puso, hindi niya mapigilan ang kaba nang marinig ang usapan nina Don Deather at Cobra. "Watt Yabro is coming?" tanong ni Don Deather habang hinahawakan ang kanyang basong puno ng alak. Ang kanyang tinig ay malamig ngunit puno ng kumpiyansa. Ang kanyang malaking peklat sa mukha ay mas lalong naging prominenteng makita sa ilalim ng mahinang liwanag ng bombilya. Narinig ni Kyla ang pangalan ni Watt, at agad siyang kinabahan. Hindi niya gustong makita ang lalaking iyon muli. Hindi matapos ang lahat ng ginawa niya. "Watt Yabro," bulong niya sa sarili, habang pilit na iniwas ang kanya

