"Shoot!" sigaw niya habang umiwas sa nagkakagulong tao. Hindi pa rin niya makita si Kyla, ngunit malakas ang pakiramdam niya na nasa loob pa rin ito. Alam niyang hindi ito basta-basta aalis, lalo na't nagaganap rito ngayon ang isa sa kanyang mga gustong mangyayari: ang makakuha ng isang maganda hook sa kanyang publication company.
Sa loob ng Roadside Club, halos magkagulo na ang lahat. Ang dati’y malakas na musika at liwanag ng neon lights ay napalitan ng sigawan, takbuhan, at kalampagan ng mga baril. Ang raid ng pulisya laban sa Scarface Cartel ay biglaan, kaya’t ang mga partygoers ay nagkalat, nagsisiksikan palabas ng club habang ang mga cartel guards naman ay pilit na nanlalaban.
Si Watt Yabro ay nasa gitna ng lahat ng ito, nagmamadaling hanapin ang kanyang masungit na boss na si Kyla. No matter what, he vowed na ilalabas niya sa magulong lugar ba ito ang boss. Well, he was already fired, at wala na siyang koneksyon kay Kyla, but the fact that he knew how dangerous Kyla's plan was, that's more than enough reason for him para pigilan siya.
"The raid has already started," bulong niya sa sarili habang patuloy na umiikot sa club.
Habang naglilibot, napansin niyang karamihan ng mga cartel members ay unti-unting na-nu-neutralize ng mga pulis. Ang iba naman ay nakikipagbarilan pa rin. Mabilis siyang tumungo sa second floor, umaasang makakahanap ng lead sa kinaroroonan ni Kyla.
Pag-akyat niya, agad niyang nakita si Detonator—ang isa sa mga lider ng Scarface Cartel—kasama ang isang lalaking nakasuot ng long suit. Napakunot-noo siya.
"No doubt... that's the Sinaloa Cartel’s representative," bulong niya sa sarili.
Hindi pa man siya nakalapit ay narinig na niya ang sunud-sunod na putok ng baril. Napatingin siya sa gilid at nakita niya si Plt. Heath, nakikipagbarilan kay Detonator.
Kilala niya si Heath—ang tanyag na pulis na walang takot na hinahamon ang mga cartel. Sa isip ni Watt, kung nandito si Heath, ibig sabihin ay talagang malaki ang operasyong ito.
Nagpatuloy ang bakbakan sa pagitan ng pulis at mga cartel members. Samantalang si Watt Yabro, naghanap ng ibang paraan upang makapasok sa lugar kung saan nagaganap ang transaksyon.
Habang patuloy ang putukan, napansin niyang tumakbo palayo si Detonator, tila papunta sa isa pang tagong lugar. Mabilis na nagdesisyon si Watt.
"I need to find out where the transaction is," bulong niya sa sarili. "Kyla will probably be there..."
Sinundan niya si Detonator, siguradong may alam ito sa mga nangyayari. Habang tumatakbo sa likod ng cartel enforcer, napansin niyang hindi na niya ginagamit ang baril niya. In most cases, it only implies that he has no ammunition left.
"Mukhang paubos na ang bala nito," napangiti siya. "This is my chance."
Mabilis ang kilos ni Watt, at ilang saglit lang ay nakorner niya si Detonator sa isang madilim na sulok ng club. Ang tanging liwanag sa lugar ay ang pabalik-balik na refleksyon ng mga neon lights mula sa dancefloor.
Nagkatinginan ang dalawa. Si Detonator, malaki ang katawan at mukhang bihasa sa laban, ay ngumiti nang malamig. He was not just a normal guy from the Cartel. He was one of the leaders of the Scarface, one of the trusted men of Don Deather. And probably it won't be easy for Watt Yabro, not even with Plt. Heath.
"Shadow..." tawag nito kay Watt, gamit ang alyas nito mula sa kanyang nakaraan. Itinapon nito ang baril sa sahig at dinukot ang cellphone mula sa bulsa. May tinawagan ito, ngunit walang sinabi—ngumiti lang ito na para bang sigurado sa gagawin niya.
"It's been a while, Watt Yabro," wikang muli ni Detonator, habang dahan-dahang inilalabas ang isang matalim na kutsilyo mula sa kanyang bulsa. "You really went here alone. I'm pretty sure you're not with those raiding teams."
Hindi sumagot si Watt. Sa halip, tumindig siya ng maayos, naghahanda sa posibleng labanan.
"Ano? Hindi ka ba magsasalita? Ganyan ka pa rin. Pero sige, kahit hindi ka magsalita, alam ko ang dahilan kung bakit ka nandito..." ani pa ni Detonator, sabay hakbang palapit kay Watt. “You want your revenge on the Cartel, go ahead! But I'll make an end statement here, Watt Yabro: we're not the La Sombra anymore!”
Biglang sumugod si Detonator, mabilis at maliksi kahit sa laki ng kanyang katawan. Mabilis siyang sumugod gamit ang kanyang kutsilyo, ngunit si Watt, na sanay sa close combat, ay mabilis na umiwas.
Nagpalitan sila ng galaw—si Detonator, patuloy ang pag-atake gamit ang kutsilyo, samantalang si Watt ay maliksi at maingat sa bawat galaw.
"You’ve improved," sambit ni Detonator habang patuloy ang kanilang laban. "But you’re still no match for me."
Ngunit mali si Detonator. Sa isang mabilis na galaw, nagawa ni Watt na maagaw ang kutsilyo nito at patumbahin siya gamit ang isang malakas na siko sa tagiliran. Napahandusay si Detonator sa sahig, humihingal.
"Tell me where the transaction is happening," malamig na tanong ni Watt habang itinututok ang kutsilyo kay Detonator.
“So you're not out for revenge, are you?” He smiled teasingly. “Well, Watt Yabro, huli na ang lahat para sayo.” kaagad na tumayo si Detonator, attempting to get the knife from Watt, but he was stabbed right on his chest. Napaluhod siya while bleeding endlessly.
“You may not be the La Sombra anymore, but I'm still the right hand of the Don…” he coldly said, at iniwan ang kutsilyo sa dibdib ni Detonator habang bumagsak ang katawan nito sa sahig. “ You're the only who's not improving at all, Detonator.”
Bago pa maka-alis si Watt ay narinig niya ang malalakas na yabag papalapit.
Tatlong cartel members ang dumating. Isa sa kanila ay si Dice, ang matabang lider ng guard team, at ang isa pa ay si Crowbar, ang kilalang lider ng main force ng Scarface Cartel. Pareho silang armado.
"Well, well, Shadow..." bungad ni Dice habang nakangiti. "Long time no see. Still playing hero?" Muling ani nito na para bang pinaglalaruan lang si Watt.
Si Crowbar naman ay tahimik lang ngunit nakangiti rin, hawak ang isang shotgun.
Agad tumayo si Watt at tumakbo palayo mula sa lugar, alam niyang hindi niya kayang labanan ang tatlo sa parehong pagkakataon. Habang tumatakbo, narinig niya ang putok ng shotgun ni Crowbar. Buti na lang at mabilis siyang nakapagtago sa likod ng isang malaking speaker.
"Find him!" sigaw ni Dice habang sinusundan siya, but he was stunned matapos niyang makita si Detonator na nakahiga sa sahig ay naliligo sa sarili nitong dugo. He clenched his fist, at halatang galit na galit na, then he screamed. “Watt……! You'll pay for this, Watt Yabro!” Hinugot niya ang kutsilyong nakaturok sa dibdib ni Detonator at tinikman ang dugo nito. Somehow, may luhang tumulo sa mata ni Dice. “He'll pay for this… He'll pay for this!” Muling sigaw niya bago tumayo at inipit ang kutsilyo sa kanyang tagiliran.
Habang patuloy na hinahabol ng Cartel leaders, si Watt ay patuloy na umiwas, ginagamit ang dilim at gulo sa paligid upang makaiwas sa cartel members. Ngunit hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang misyon—hanapin si Kyla at iligtas ito. He needed to lure them or else masisira ang kanyang main objective. He went downstairs at nakita niya ang ibang police officers na na secure na ang ibang members ng Cartel.
Watt found nothing else to do, but to pretend that he's one of the partygoers na na trapped sa loob.
“Help… help…” sigaw niya. Agad Naman siyang nilapitan ng mga pulis, at tinulungang makalabas sa exits. Bago pa siya makalabas, he heard a gunshots. But he never cared at all dahil ang gusto lang niyang intindihin ngayon ay ang makita ang kanyang boss.
Nasa labas na si Watt ng wala na siyang marinig na gunshots. Tila tumahimik ang loob ng club, at tila ang presence ng police ay naglaho na parang bula.
"what could this be?" ani niya sa sarili niya, then he went inside again, but he needed to find another way in.