CHAPTER 26

1628 Words
"Oh God! Bakit ngayon pa!" sigaw ni Kyla sabay pabagsak na ibinaba ang tawag sa kanyang telepono. "This is unbelievable!" Galit na galit siyang napatingin sa paligid ng sasakyan mula sa bintana. Ang eksena sa labas ay parang pelikula—mga sasakyan na hindi na gumagalaw, mga busina na halos sumabog sa lakas, at mga taong naiinis na rin sa sitwasyon. Sa gitna ng kaguluhan, may kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Nakasuot ito ng helmet at mukhang nagmamadali. "Unbelievable!" muling sambit ni Kyla. Lumabas siya ng sasakyan habang inaayos ang kanyang iconic oversized sunglasses, pilit nilulunok ang kanyang pride. Huminga siya nang malalim at nagdesisyong sundan si Watt Yabro, kahit na nagagalit siya sa iniwang sitwasyon nito. Sa hindi kalayuan, nakita niya si Watt na matulin ang lakad sa kabilang linya ng kalsada Jaya pasigaw siyang tumawag. "Watt Yabro!" sigaw niya, ngunit hindi ito lumingon. Tuloy-tuloy lang ang lalaki sa paglalakad. "Hoy, Watt Yabro! Ano ba!" muling sigaw ni Kyla, halos nawawala na ang kanyang boses sa inis. "Akala mo naman kung sino ka, ha! Ang laki ng ulo mo! Para kang langaw na nakapatong sa likod ng kalabaw!" Sa wakas, lumingon si Watt. Pero hindi siya tumigil. Tumawid na rin si Kyla sa kabilang lane para masundan ang lalaki, tila ba hindi alintana ang mga sasakyan na nagkakagulo sa paligid. Kahit dump truck man o kahit isang ambulance ang dadaan, wala na talagang makakapigil sa kanilang dalawa. "Diba gusto mo ng magaling na driver!?" sigaw ni Watt mula sa unahan. Ang kanyang boses ay buo at ibang-iba sa dati nitong kalmado at very composed nature. "Maghanap ka!" Hindi nagpapatalo si Kyla, kaya tumakbo siya para maabutan ang lalaking naglalakad nang mabilis. "Kung gusto mo, double ko ang salary mo today! Just get back to the car and drive me to my office… Please!" Ang huli niyang salita ay halos pabulong na, pero may halong pagmamakaawa. "I don’t need your money!" sagot ni Watt na tumigil saglit para harapin siya. Napatigil din si Kyla at pinagmasdan ang kanyang driver, na ngayon ay parang ibang tao na sa harap niya. "Then what do you want? Spill it off, Watt Yabro," ani ni Kyla, medyo pagod na sa kakasunod. "All I want is respect, Kyla!" malakas na tugon ni Watt. Ang kanyang boses ay puno ng emosyon, at ang bawat salitang binibitawan niya ay tila ba tumatama sa ego ng kanyang boss. "All I want is to be respected by my boss—not because I’m just her driver, but because I’m a human too!" Humarap siya nang buo kay Kyla, ang kanyang mga mata ay nangungusap ng sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. "Respeto ang kailangan ko, Kyla… and that can’t be bought by money." Sandaling natigilan si Kyla. Hindi siya makasagot kaagad. Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Well, probably this is her very first time na makatagpo ng isang rung palaban na driver. Napatingin siya sa direksyon ng kanyang sasakyan, na naiwan pa rin sa gitna ng trapiko. Lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa kanilang pagtigil sa gitna ng kalsada. "Oo na, Watt Yabro. Sige na…" sabi niya, pero halata sa tono ng boses niya na pilit niya itong sinasabi. Napailing si Watt at akmang maglalakad muli palayo. Ngunit bago pa siya tuluyang umalis, narinig niya si Kyla. Sa pagkakataong ito, tila may bigat ang kanyang tinig. "Sige na naman oh, Watt Yabro…" sambit ni Kyla, bahagyang yumuko, at halos hindi mapigilang maging emosyonal. Hindi niya napigilan ang konting luha na dumaloy mula sa likod ng kanyang sunglasses. "‘Yong sasakyan… baka nakawan pa ‘yon dun." Halos huminto ang mundo ni Watt nang marinig niya ang tinig ng kanyang boss. Hindi niya inaasahan na maririnig ang ganoong tono mula kay Kyla. Napalingon siya sa kanya, at bagamat hindi niya makita ang mga luha, ramdam niya ang sinseridad nito. "Please, Watt…" dagdag ni Kyla, ang kanyang boses ay halos maputol na sa emosyon. Huminga nang malalim si Watt at tumingin sa baba, parang sinusukat kung dapat ba niyang ibigay ang pangalawang pagkakataon na ito. "May palabra de honor ka ba?" tanong niya, gustong siguraduhing totoo ang sinseridad ng kanyang boss. "Aba, oo! May isang salita ako, ‘no!" sagot ni Kyla, pero halata pa rin ang pagmamakaawa sa boses niya. Napailing si Watt, ngunit bumigay na rin sa huli. "Okay, tara sa kotse…" maikli niyang sagot bago siya naglakad pabalik. Napangiti si Kyla sa wakas. Agad siyang sumunod kay Watt at ramdam niya ang kaginhawahan sa kanyang puso. Kahit na hindi niya inaamin, alam niyang nagkamali rin siya sa kanilang pagtatalo kanina. Pagbalik sa sasakyan, mabilis na sumakay si Watt sa driver’s seat habang si Kyla naman ay umupo sa likod, tahimik na nakayuko. Hindi na niya inulit ang pagsusuot ng sunglasses, kaya kitang-kita ni Watt ang bahagyang pamumula ng kanyang mga mata. "Pasensya na," bulong ni Kyla. Napatingin si Watt sa rearview mirror at nakita ang bigat ng emosyon sa mukha ni Kyla. Hindi siya nagsalita, pero naramdaman niya ang paggalang sa simpleng paghingi ng tawad nito. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, sinimulan nang paandarin ni Watt ang sasakyan. Unti-unting gumalaw ang trapiko, at parang ganun din ang tensyon sa pagitan nila—unti-unting humupa. "Next time," sabi ni Watt habang tumutok ang mga mata niya sa daan, "Huwag mong tratuhin na parang gamit lang ang mga tao sa paligid mo. Kahit boss ka, tao rin kami." Tumango si Kyla. "Noted," mahinang sagot niya. Habang binabaybay nila ang kalsada, bumalik sa normal ang paligid. Naramdaman ni Watt ang pagbabagong nangyayari hindi lang sa trapiko kundi sa kanilang dalawa. Hindi man nila ito aminin nang direkta, parehong may natutunan si Kyla at Watt mula sa kanilang salpukan ng damdamin. Sa huli, napagtanto nila na ang respeto at komunikasyon ay mas mahalaga kaysa sa pera o posisyon. Pagkarating nila sa opisina ni Kyla, agad na bumaba si Watt at binuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanyang boss. Tumango si Kyla bilang pasasalamat, medyo nawala na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Habang umaakyat sila sa elevator, nanatiling tahimik si Watt, habang si Kyla naman ay bahagyang nag-aayos ng buhok gamit ang reflection sa stainless walls. Nang makarating sa kanilang floor, bumungad agad ang secretary ni Kyla na si Katty. "Good morning, ma’am Kyla! Good morning din, Mr. Hottie Boy!" bati ni Katty, ngunit halata sa kanyang boses ang extra sweetness kapag si Watt ang kausap. Suot niya ang usual na sleek na corporate attire na may konting twist—isang masyadong fit na pencil skirt at blouse na bahagyang bukas ang itaas na butones. Halos pumulupot ang kanyang tingin kay Watt, habang si Kyla ay pasimpleng napa-roll eyes. "Good morning," sagot ni Watt, pero medyo aloof siya at halata sa kanyang kilos na hindi siya kumportable sa overly flirtatious vibe ni Katty. "Ma’am, ipapasok ko na po ba ‘yong mga bagong files sa desk ninyo?" tanong ni Katty kay Kyla, pero tila nakatitig pa rin kay Watt. "Yes, go ahead. And Katty," sagot ni Kyla, biglang lumamig ang tono. "Pakikuhanan mo rin ng kape si Watt. Sa pantry ka kumuha, not from my coffee machine." Halatang sinadya iyon ni Kyla dahil espesyal ang kape mula sa kanyang machine at ayaw niyang gamitin iyon para lang kay Watt, pero sapat na ang pag-aalok niya bilang peace offering. Tumango si Katty ngunit bago ito umalis, binigyan pa si Watt ng isang matamis—o sobrang tamis—na ngiti. "Sure, ma’am! Hottie boy, wait ka lang ha. I’ll get you the best coffee!" pa-sweet niyang sabi bago ito lumakad na parang naglalakad sa runway. Napatikhim si Kyla at iniiling ang ulo habang pumasok na sa kanyang opisina. Si Watt naman ay sumunod lang nang tahimik, nakaramdam ng kaunting awkwardness pero hindi na lang niya pinansin. "Upo ka na, Watt. Mukha ka namang masyadong tense diyan," sabi ni Kyla habang abala sa pagta-type. Well, did she just forget all for what happened to them kanina lang? Nako, baka wala talaga syang palabra de honor. Umupo si Watt sa sofa kahit medyo nahihiya. Ilang sandali pa, bumalik si Katty na may dalang tray ng kape at tinapay. "Watt, eto na ang coffee mo," sambit ni Katty habang inilalapag ang tray sa mesa. Sa sobrang lapit niya kay Watt habang inaabot ang kape, halos magdikit na ang kanilang balikat. "Kung may kailangan ka pa, just tell me, ha?" "Uh, salamat," sagot ni Watt, na pilit iniwas ang tingin. Napansin ito ni Kyla at bahagyang nakasimangot nang may kasamang panunukso. "Katty, ang dami mo namang time para makipag-usap kay Watt. Are you done with your works?” "Ba-balik na po ako sa desk ko!" Mabilis na sagot ni Katty bago ito lumakad paatras, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Watt hanggang sa makalabas siya ng opisina. "I swear, that girl," bulong ni Kyla, halatang naiirita sa pagiging overly flirty ni Katty. "Watt, do you like her?" biglang tanong niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Watt. "H-ha? It's nothing personal to me," sagot ni Watt, namula nang kaunti. "Trabaho lang iniisip ko, ma'am Kyla." Bulamik na rin sa wakas ang kanyang normal na pakikitungo kay Kyla. A very composed and calm na man. "Good," sagot ni Kyla, sabay baling muli sa kanyang laptop. Ngunit may maliit na ngiti sa kanyang labi, tila natutuwa sa sagot ni Watt. "Next time, huwag ka nang mag-cause ng traffic, ha? At least, may coffee ka ngayon bilang pasasalamat ko." Nginitian siya ni Watt, sa unang pagkakataon mula nang umalis siya sa sasakyan kanina. "Thank you, ma’am." Habang patuloy silang nagtatrabaho, unti-unti nang naging mas magaan ang pakiramdam ni Watt sa presensya ni Kyla. Sa kabila ng kaninang sigawan at tensyon, mukhang may bagong simula silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD