Pasado alas-nuwebe na ng gabi nang umandar ang BMW ni Watt Yabro patungo sa mansyon ni Kyla upang isauli ang sasakyang ipinahiram sa kanya ng masungit niyang boss. Tahimik ang daan, pero ramdam ang bigat ng iniisip ni Watt. He was still bothered by the fact na hindi pa rin siya sigurado sa gagawin niya. Ano ba dapat ang ipaglalaban niya? Ang pagiging isang La Sombra, o ang pagiging isang martyr para sa kanyang mga mahal sa buhay. Well, aside from that, kanina pa rin niya gustong tanungin si Kyla kung ano ang iniisip nito matapos ang kanilang huling usapan, pero sa tingin niya’y hindi siya pagbibigyan nito.
Pagkaparada ng sasakyan sa harap ng engrandeng mansyon, bumaba si Watt at huminga nang malalim bago pumasok sa loob. Agad siyang sinalubong ng caretaker ng mansyon, si Manang Karen. Matanda na ito, pero halatang sinisikap pang i-maintain ang natitirang kagandahan sa kanyang sarili. Sa kasamaang palad, gamit ang natitirang "charm" niya, ang target? Walang iba kundi si Watt Yabro. Ang kapal naman ng libag niyang pangarapin ang isang Watt Yabro. Che sa kanya!
"Hi, Mr. Hotti Boy! Did you miss me?" tanong nito sabay hagikhik ng tawang halos sumabog sa OA. Nakapamewang pa si Karen habang nagpapakitang-gilas. Super kapal talaga ng mukha.
Si Watt naman, imbes na sagutin, ay nagpasimpleng tumingin-tingin sa paligid. Halatang may hinahanap siya. Kaagad naman itong napansin ni Karen.
"Ano ba naman 'yan, Watt!" ani Karen nang padabog, sabay kunot ng noo. "Lagi ka na lang ganyan! Hindi mo ba kayang bigyan ako ng pansin kahit minsan? Aba, si Kyla na naman ba ang hanap mo? Naku, kapag umuwi ‘yong babaeng ‘yon, yari siya sa akin. Siya talaga ang tunay na kontrabida sa buhay ko!”
Napabuntong-hininga si Watt bago tumingin kay Karen. "Wala pa rito si Ma'am Kyla?"
"Abay oo naman, Watt Yabro! Kaya nga masusolo mo na ako ngayon!" sagot ni Karen na tila lalo pang pinaikot ang kanyang mahaba-habang buhok. Sa sobrang kumpyansa, kinagat niya pa ang kanyang labi at kumindat. "You can do whatever you want with me."
Sa puntong iyon, halos hindi na makapagpigil si Watt. Napapikit siya saglit, halatang naiinis na pero hindi makahanap ng tamang salita. "Ghad!" Napabuntong-hininga siya ulit, pilit pinapakalma ang sarili. "Where have you been, Ma’am Kyla..." bulong niya sa sarili. Tumalikod siya kay Karen at iniwang nagtatampo sa loob ng mansyon.
“Hoy Watt, ano ba! Sure ka ba wala kang balak na tumikim sa akin?” But Watt never cared at all na para bang wala siyang naririnig ni isa mula kay Karen. He just walked towards that car at humarurot.
Habang nagmamaneho si Watt papunta kung saan man siya dalhin ng kanyang intuition, napatingin siya sa rearview mirror. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Paulit-ulit niyang iniisip kung bakit wala si Kyla sa bahay. Hindi naman ito karaniwang lumalabas nang hindi nagpapaalam, lalo na’t alam niyang may pinaplano itong kung anong bagay.
Habang nag-iisip, biglang tumama sa kanya ang isang ideya. "Could it be... she went there alone!?" Halos bumangon ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ideya. Alam niya ang pinaplano ng grupo ni Chief Hidalgo—ang raid laban sa Scarface Cartel sa Roadside Club. Isang delikadong operasyon na mangyayari alas-dos ng madaling araw, at walang ibang taong dapat makialam dito. Pero si Kyla? Kilala niya ang kanyang boss. Matapang, matigas ang ulo, at walang preno pagdating sa mga plano niyang ikakaangat ng kanyang karera bilang mamamahayag.
"No, no, no. This can't be happening," bulong ni Watt habang minamaneho ang kotse ng mas mabilis. Tumataas na ang adrenaline niya sa katawan, at parang naririnig niya ang mga busina ng ibang sasakyan kahit wala namang masyadong tao sa kalsada.
Naalala ni Watt ang pag-uusap ni Kyla at ni Chief Hidalgo ilang araw na ang makalipas. Alam ni Watt ang implikasyon nito—isang krimen na puno ng karahasan, mga baril, at buhay na pwedeng mawala. Ngunit sa tingin niya, ang nakita ng boss niya ay isang malaking pagkakataon upang muling makilala sa mundo ng media.
"They don't know what they're doing!" sigaw niya sa loob ng kotse habang iniisip si Kyla. Ang frustration ay halatang-halata sa kanyang ekspresyon. Ang kamay niya sa manibela ay halos nanginginig, tanda ng kanyang kaba at galit.
"God! Kyla… please don’t do stupid things. Not now."
Habang tinatahak niya ang kalsada ay hindi Niya maalis sa kanyang isipan ang kanyang masungit na boss. Well, kahit sometimes napaka-OA nito, he felt something that he has the burden to protect her at all costs, dahil sa tingin niya ngayon, hindi lang risk ang ginawa ng kanyang boss, kundi isang bagay na maaaring maglagay sa buhay nito sa bingit ng kapahamakan.
Napabilis lalo ang kanyang pagmamaneho nang makita ang sign na malapit na siya sa Roadside Club. Ang club ay kilala sa lugar na iyon bilang isang hideout ng iba't ibang grupo ng mafia, but it was headed by the Scarface Cartel. Pero mukhang si Kyla lang ang hindi nag-alala sa reputasyon ng lugar na ito.
Pagdating niya sa club, nakita niyang puno ng sasakyan ang parking lot. Ang neon lights ng signage ay kumikislap-kislap, at ang tunog ng malakas na bass mula sa loob ay halos naririnig na kahit nasa sasakyan pa siya.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang ipinarada ang sasakyan at bumaba. Habang naglalakad papunta sa entrance, sinipat niya ang paligid. Ang mga bouncer sa pinto ay mukhang hindi ordinaryo—malalaki ang katawan, seryoso ang mga mukha, at halatang armado.
"Kyla… where the hell are you?" bulong ni Watt habang sinusubukan niyang humanap ng paraan para makapasok nang hindi napapansin. Alam niyang hindi siya pwedeng magmadali; kailangang maingat ang bawat galaw niya dahil sa oras na nahuli siya, the whole organization will make the him feel the worst of all the worsts.
Habang papalapit siya sa club, muling nagbalik sa kanya ang alaala ng sarili niyang koneksyon sa mundo ng mafia. Minsan na siyang naging bahagi ng isang organisasyong tulad ng Scarface Cartel. Alam niya kung gaano kalupit at kalakas ang kontrol ng mga ito sa ilalim ng mundo. Sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, pilit siyang kumawala sa anino ng nakaraan. Ngunit ngayong gabi, tila binabalikan siya nito—hindi para tuksuhin, kundi para paalalahanan kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang boss.
"I can’t let her die because of this," sabi niya sa sarili, ang panga’y mariing naka-lock habang pinipigilan ang bugso ng emosyon.
Nagpatuloy si Watt papasok sa club, gumamit ng likas na talino upang hindi mahalata ng mga bouncer. Sa loob, sinalubong siya ng malakas na musika at ilaw na halos sumasabay sa t***k ng kanyang puso. Ang dance floor ay puno ng tao, karamihan ay nagsasayawan at nagkakatuwaan. Ngunit alam niya, sa likod ng mga kurtina at sa mga VIP rooms, nangyayari ang tunay na kalakaran ng Scarface Cartel.
Habang sinusuyod niya ang paligid, napansin niya ang isang pamilyar na mukha—si Kyla. Nakasuot ito ng simpleng damit, ngunit halatang halata ang kumpyansa sa bawat galaw. Nagmamasid ito sa paligid habang hawak ang maliit na recorder, tila naghahanap ng pagkakataon upang maisakatuparan ang kanyang plano.
"Kyla!" bulong ni Watt sa sarili, agad na naglakad papalapit sa kanya. Ngunit bago pa man siya makalapit, nakita niyang may lumapit na lalaki kay Kyla. Ang lalaki ay mukhang isa sa mga miyembro ng cartel—malaki ang katawan, may tattoo sa leeg, at halatang hindi maaalis sa kanya ang tingin kay Kyla.
Nag-init ang dugo ni Watt. Alam niyang kailangang kumilos siya bago pa maging huli ang lahat.
"Not on my watch," ani niya, sabay lakad ng mas mabilis papunta sa direksyon ni Kyla.