Tahimik ang sumunod na minuto. Si Kyla ay muling tumingin kay Watt mula sa kanyang upuan, sinusuri ang lalaking una palang at naging misteryoso na para sa kanya. Ang mga tanong niya sa isip ay nagsisiksikan: “Saan siya natuto ng ganoon? Bakit hindi siya natakot? At sino talaga si Watt Yabro?”
Pero may isang bagay ang hindi niya maikakaila. Sa kabila ng kaba, naramdaman niya ang kakaibang pakiramdam ng pagiging ligtas habang nasa piling ni Watt. “He’s dangerous… but he makes me feel safe.”
“Watt,” muling sabi ni Kyla, this time mas mahinahon. “That was not just a misunderstanding. Tell me the truth. May mga alam ka bang hindi ko alam?”
Napangiti si Watt ng bahagya. “Ma’am Kyla, minsan kasi, may mga bagay na mas mabuti nang hindi malaman. But I can assure you, hangga’t nandito ako, walang makakapanakit sa iyo.” wika ni Watt. Well, not just because it is his job, but he wanted to make a big shot sa kanyang boss upang hindi matanggal sa trabaho. After knowing everything, he felt a sense of responsibility for Kyla.
Pagdating nila sa bahay ni Kyla, bumaba siya nang mabagal, halatang pinag-iisipan pa rin ang mga nangyari. Tumigil siya saglit sa harap ng pinto ng bahay at lumingon kay Watt.
“Watt,” tawag niya ulit habang binubuksan ang pinto. “Thank you… even if you are very annoying.”
Napatawa si Watt sa sinabi nito dahil first time niyang narinig ang salitang salamat sa kanyang masungit na boss. “Good night, Ma’am Kyla. Lock your doors, and don’t worry about anything.” Wika niya. Lalakad na sana sya ng mayroon syang maalala. “By the way, can I take your car? Malalim na kasi ang gabi, ma'am Kyla. Wala na among masakyan.”
“No.” Deritso namang sagot ni Kyla. “Not that one. May sentimental value sakin ‘yan. You can use that old Mercedes Benz in the garage. Wala namang gumagamit nun eh.” Dugtong pa nito sa kanyang sinabi.
“Nagbago yata ang ihip ng hangin ah? Naging maamong tuta ang tigreng dalaga…” Mahinang tugon ni Watt at napangiti na lang sa kanyang narinig.
“What did you say?”
“It's nothing, ma'am Kyla. I was just wondering kung saan ko makukuha ang susi.”
“Manang Karen!” Tawag ni Kyla sa kanyang kasambahay. Kaagad namang dumating si Karen dala ang Susi ng Mercedes Benz.
“In fairness ang tindi ng pang-amoy nitong babaeng ‘to.” Sabi ng isip ni Watt Yabro at kinuha ang susi. May pa-kindat-kindat pang nalalaman gurang na gurang naman. Hindi ba sya nahiya sa balat nya?
Habang umaandar pabalik si Watt sa kanyang sariling tirahan, kinuha niya ang baril sa kanyang waistline na nakuha niya kanina at nilagay ito sa glove compartment. Pumikit siya sandali habang nakatigil sa stoplight.
“Dark days are creeping back in…” bulong niya sa sarili. “I thought I left this life behind.”
Sa loob ng bahay, nagkape si Kyla habang nakaupo sa kanyang sofa. Nakatingin siya sa isang larawan ng kanyang pamilya, iniisip kung tama bang manatili sa dangerous na path na tinatahak niya sa journalism. Pero higit sa lahat, iniisip niya si Watt.
“He’s hiding something,” sabi niya sa sarili. “Pero alam kong hindi niya ako pababayaan. But how far is he willing to go?”
Ang gabing iyon ay puno ng tanong para kay Kyla at Watt. Ngunit isang bagay ang sigurado: pareho silang hindi ordinaryong tao, at ang kanilang mga landas ay tila mas lalong nagiging konektado sa bawat araw na lumilipas.
Pagdating ni Watt sa kanyang inuupahang kwarto, agad siyang napaupo sa sirang sofa na tila pagod na pagod. Ngunit maya-maya lang, biglang napakapkap siya sa kanyang bulsa. Nagkalkal ng saglit bago biglang napatingala at napabuntong-hininga.
“Wait… Did I just leave my wallet?” bulong niya, kasabay ng pag-ikot ng mata. “Ang galing ko talaga!”
Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-dial ng numero. Halos isang minuto ang lumipas bago sumagot si Kyla.
“Ano ba, Watt! Hatinggabi na, tapos tawag ka nang tawag!” bungad ni Kyla, halatang inis sa tono ng boses.
“Pasensya na, Ma’am Kyla,” simula ni Watt. “Naistorbo yata kita sa ginagawa mo.”
“You’re right! Tumpak! Nakaka-istorbo ka talaga, Watt Yabro!” singhal nito, masungit pa rin kahit dis-oras na ng gabi.
Napangisi si Watt habang iniisip, “Ang bilis naman magpalit ng mood nitong babaeng ‘to. Kanina lang parang ang bait eh. Ano nang nangyari?” Tumikhim siya bago muling nagsalita.
“Well, naiwan ko kasi ‘yung wallet ko sa lamesa, Ma’am Kyla. Kung puwede, pakibantayan naman.”
“Aba, anong tingin mo sa akin, ha? Tagapag-ingat ng mga gamit mo?” sagot ni Kyla na lalong nagtaas ng kilay, kahit nasa telepono.
“Nakikisuyo lang naman po, Ma’am…” sagot ni Watt nang mahinahon, sabay pilit na pigil sa tawa.
“Akala mo naman kung ano ang laman ng wallet mo, Watt!” singhal muli ni Kyla. “Pupunta ka rito bukas, kunin mo! Kung ayaw mong itapon ko!”
“Basta Ma’am, huwag mong pakialaman ang wallet ko, ha…” paalala ni Watt, tila may halong kaba ang boses.
“Siraulo ka talaga!” sagot ni Kyla bago biglang binaba ang telepono.
Habang abala si Kyla sa pagtapos ng isang article sa kanyang laptop, pasimpleng tumingin siya sa wallet ni Watt na nakapatong sa gilid ng mesa. Mukhang luma na ito—gawa sa kupas na balat na parang ang dami nang pinagdaanan.
“Hmm…” bulong ni Kyla sa sarili, pilit na nilalabanan ang curiosity. Pero ang totoo, hindi siya mapakali. "Ano kaya ang laman nito?"
“Okay, konting silip lang,” sabi niya, parang kinakausap ang sarili para ma-justify ang gagawin. Dahan-dahan niyang kinuha ang wallet at binuksan ito.
Sa unang bukas pa lang, isang lumang larawan ang agad niyang nakita. Tatlong bata ang nasa larawan—isang bungal na mukhang laging masaya, isang matabang batang parang ayaw magpapicture, at isang payatot na tila seryoso sa kanyang ekspresyon.
“Who are they?” tanong ni Kyla sa sarili habang iniikot ang larawan para tingnan kung may nakasulat sa likod. Wala siyang nakita, pero hindi niya maiwasang magtanong. “Mga kapatid niya ba ‘to? Or maybe anak? Pero parang ang bata pa niya para maging tatay…”
Habang iniisa-isa ang ibang laman ng wallet, may nakita siyang isang calling card na agad pumukaw sa kanyang pansin. Kulay itim ang card, at sa gitna nito ay isang logo ng anino—parang hugis ng isang lalaki na nakasuot ng sumbrero. Sa ilalim ng logo ay may nakasulat na pangalan.
“La Sombra,” basag niya sa katahimikan.
Nanatili siyang nakatingin sa calling card, tila hindi makapaniwala. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso habang ang mga tanong sa kanyang isip ay nagsisiksikan. “La Sombra… Parang narinig ko na ‘to sa isang article na binabasa ko dati. I'm not sure, tho. Batsa narinig ko na to–Mafia organization, right? Could it be… that Watt is a mafia!?”
Napaupo si Kyla, hawak pa rin ang wallet ni Watt. “No wonder he’s so skilled,” bulong niya sa sarili, naalala ang mga mabilis at eksaktong galaw ni Watt noong nagkaroon sila ng engkwentro sa mga tauhan ng isang grupo. “But why is he pretending to be a driver? Ano’ng tinatakasan niya?”
Habang nagmumuni-muni, hindi niya namalayang halos isang oras na siyang nakatitig sa wallet. May kung anong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Parang nasa gitna siya ng isang pelikula—at siya ang bida na unti-unting nadidiskubre ang sikreto ng kanyang kasamang misteryoso.