Tahimik ang paligid nang pumasok si Watt sa loob ng bahay, dala ang bigat ng araw na parang bumagsak ang buong mundo sa kanya. Mabuti nalang talaga at humihinga pa siya. At least there is something he must be thankful about dahil hindi siya tinamaan ng mga bala ng Moreno brothers. Pero ang inaasahan niyang katahimikan ay biglang napalitan ng matinding alon ng emosyon nang makita niya si Kyla na nakatayo sa gitna ng sala. Halatang mabigat Ang atmosphere ng paligid, isang pagbabadya ng masalimuot na tagpo. Ang mga mata ni Kyla ay nagliliyab sa galit, at bago pa siya makapagbitaw ng kahit anong salita, isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. At hindi lang ito normal na sampal lang, ito’y isang sampal ng pusong pinagkaitan ng katotohanan. "You’re a liar, Watt!" sigaw ni Kyla, a

