"Thea, hindi ko naman magagawang saktan ka…" agaw ni Liam. Nangangatog ang boses at halos magmakaawa ang mga mata. "Hinding-hindi ko magagawa 'yun sa'yo. Alam mo 'yan. "Nagawa mo na, Liam." Ang apat na salitang iyon mula kay Thea ay parang malamig na tubig na ibinuhos kay Liam. Natigilan ang binata, napako sa kinalalagyan niya habang nakatitig sa mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ng dalaga. "Nagawa mo na," pag-uulit ni Thea. Mas mahina ngunit mas matindi ang saksak sa puso ni Liam. "Akala mo ba kapag hindi mo ako pisikal na sinaktan, hindi mo ako nasaktan? Liam, ang makita kang nagkakaganyan… ang maramdaman 'yung takot na baka magwala ka na naman… at ang makitang nasisira ang relasyon niyo ng kuya mo dahil sa akin? Sobrang sakit, Liam. Durog na durog ako." Huminga nang malalim si

