Nang matapos si Liam maligo, lumabas siya ng banyo na naka-sweatpants lang at walang sando, habang pinupunasan ng maliit na tuwalya ang kaniyang basang buhok. Bakas sa kaniyang katawan ang pagiging active sa sports, bagay na biglang nagpadagdag sa init ng mukha ni Thea. "Grabe, lakas pa rin ng ulan," wika ni Liam sabay tingin sa bintana kung saan maririnig ang walang tigil na hampas ng patak ng ulan sa bubong at salamin. Lumingon siya kay Thea at sandaling natigilan nang makita ang kasintahan na suot ang kaniyang t-shirt. Lumuwag ang kaniyang pagkakahawak sa tuwalya, at napalunok siya nang mapansin kung paano bumagay kay Thea ang malaking damit niya. Pero nang makita niyang medyo nanginginig pa rin ito sa lamig, agad niyang itinabi ang tuwalya at lumapit sa kama. "Pahinga lang tayo kont

