Habang nakatayo sa unahan ang kanilang professor, nagsimula na itong magbigay ng orientation. Pero hindi lang ito ang tipikal na pagbabasa ng syllabus; dahil 4th year na sila, may kaunting bigat at seryosong tono ang bawat salitang binibitawan nito. "Engineering is not just about passing exams anymore, class," seryosong panimula ng prof habang naglalakad sa harap ng blackboard. "Nalampasan niyo na ang Calculus, ang Differential Equations, at ang mga basic sciences. Ngayong 4th year, ang kalaban niyo na ay ang reyalidad. Dito niyo susubukin kung kaya niyo nang mag-isip tulad ng mga tunay na inhinyero." Natahimik ang buong klase. Lahat ay nakikinig nang mabuti, ramdam ang bigat ng kanilang responsibilidad. "Marami sa inyo ang mapupuyat, may mga iiyak sa Thesis, at may mga pagkakataong gus

