Chapter 14

1481 Words
[Klark's POV] "Aalis na po kami Tita," paalam ko kay Tita Aubrey. "Ingat kayo ha," paalala naman niya samin. "Oo naman po," tapos yumuko ako ng konti. "Bye Bebe Alice," paalam ko kay Alice. "Bye Kuya Klark. Bye kuya Josh"-Alice Tapos hinalikan niya kami pareho ni Josh. "Ang sweet talaga ng baby ko," ngiting sabi ni tita Aubrey. Ngumiti din ako sa kaniya. "Let's go," rinig kong sabi ni Josh. Sumunod na ako sa kotse niya. Agad naman niyang pinaandar at pinatakbo ang kotse niya. "Ahm..servant...about kanina sa pool...," rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Tutok ang paningin niya sa daan. "Huh?"-Ako "About sa pool kanina. Yung sinabi ni Alice at yung ginagawa niya kanina...," ramdam ko yung awkward atmosphere. "Nah. Natutuwa nga ako eh. Wala kasi akong kapatid," sabi ko sa kaniya. May binulong siya kaya hindi ko naintindihan yung sinabi niya. "Huh? May sinasabi ko?," tanong kl sa kaniya. Tumingin siya ng bahagya sakin tapos tinaasan ako ng kilay. "Sungit naman neto," bulong ko. Kaso nga lang narinig niya. "I heard that!," ang unfair! May special skills ba siya? Naririnig niya yung binubulong ko? "Hehe. Nagbibiro lang naman ako. Ang bait bait mo kaya," sarkastiko kong sabi. Narinig ko ang pag-'tss' niya. Tumingin ako nalang ako sa daan pero napansin kong hindi ito ang daang pauwi sa Aeden Academy. "Teka...saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?," tanong ko. "May sinabi ba akong uuwi na tayo?," tanong niya sakin pabalik. "Huh? D-diba...," aish! Akala ko uuwi na kami? At tsaka anong oras na? Hanggang sa naramdaman kong tumigil ang kotse. At napansin kong nasa park kami. Wait..this park seems so familiar. Parang nakita ko na 'to dati. Yung fountain sa pinakagitna, yung mga children's playground, yung mga maliliwanag na street lights na nakapalibot sa park para maging maliwanag Ewan ko pero biglang bumilis ang t***k ng puso. At may biglang nagflash na imahe sa utak. Dalawang bata na naghahabulan... Alam kong ako yung isang bata pero hindi ko makilala ang isang bata dahil blurred ito. Damn! Ito yung panaginip ko nung nakaraang araw! Bakit parang...parang toto- Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Josh. "Kailangan ko pang sumigaw para lang pabalikin ka sa katawang lupa mo? Tss," sabi niya. Tumingin ako sa kaniya. "A-ano bang ginagawa natin dito?," tanong ko sa kaniya. He just shrugged. Galing na sagot. Umupo siya sa bench. Walang masyadong tao ngayon. Pagkaupo ko sa tabi niya ay agad siyang tumayo. "Teka saan ka pupunta?"-tanong ko "Just wait here," sabi niya tapos umalis. Napasimangot ako. Jerks are jerks nga naman -_- Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nagpatugtog. Nakalimutan ko yung earphone ko sa dorm eh kaya no choice. Hininaan ko lang yung volume. After how many years este minutes pala, dumating na si Josh. May kinakain siyang ice cream. Waaa ice cream? *_* "Teka...nasaan yung akin?," tanong ko. Tumingin siya sakin habang dinidilaan niya yung ice cream. Napalunok ako. Ang...ang HOT!!!! *Q* "Sino ka para bilhan ko? Bumili ka ng sayo," sabi niya tapos inirapan ako. Ang sama! "Aish! Ewan ko sayong master Josh ka. Akala ko pa naman bibilhan mo din ako," padabog akong tumayo. Buti nalang may pera ako. Naglakad-lakad ako. At ayun! May nakita akong nagtitinda ng sorbetes. Tumakbo agad ako. "Isa nga po Kuya," sabi ko sa nagtitinda. "Ok"-Tindero Binigay ko na yung bayad ako sa kaniya. "Salamat," sabi ko. Matagal-tagal din akong hindi nakakakin nito. Habang naglalakad ako pabalik ng park ay may nakasalubong akong grupo ng mga lalake. Ang iingay nila at halatang siga-siga. "Uy! Hi," bati ng isa sakin. "Hi," sabi ko pabalik tapos nilagpasan nila ako. "Oops sandali lang pre," pigil sakin ng dalawa. I smell something. "Bitaw," matigas kong sabi. "Ho-ho. Bakit hindi ka muna sasama samin?" "Para saan?," walang emosyon kong tanong. "Alam ko namang hindi ka straight. Promise, masasarapan ka sa gagawin natin," sabi pa ng isa. Parang akong masusuka sa narinig ko at biglang uminit ang dugo ko. "Bibitaw kayo o makakatikim kayo?"-Ako Mas lalong humigpit ang hawak sakin ng dalawa. Nagtawanan sila kaya mas lalong uminit ang dugo ko. Talagang hinahamon ako ng mga g*gong to. Inapakan ko ang paa ng nakahawak sakin sa kaliwa kong kamay kaya nabitawan niya ako. Pagbitaw niya sakin ay sinipa ko kaagad yung may hawak ng kanang kamay ko. Tapos umatras ako ng konti at humarap sa kanila. Halatang nagulat sila pero agad naman silang nakapag-react sa ginawa ko. "G*go ka ah. Dahil diyan sa ginawa mo *smirk* mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon mo!," sigaw ng isa. "Ano kaya ang maganda nating gawin mga pre? Ano kaya kung papahirapan ka muna namin bago tikman," geez. Hindi ko alam na ganito pala ang mga siga dito. Yikes. Parang kikilabutan ata ako. Lumapit sakin ang isa kaya hinanda ko ang sarili ko. Susuntukin na sana niya ako nang may sumalo sa kamao niya. "Back off! He's mine ," nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon. He's mine He's mine He's mine He's mine He's mine Sh*t! Tumigil ka Klark! Kung ano-ano pumapasok diyan sa utak mo. Umayos ka! Napamura ako nang nagsimula na silang magbasagan ng mukha. "Sh*t! Josh!! Damn it," taranta kong sabi. Pinagtutulungan na kasi siya kaya agad kong binitawan ang  ice cream ko at sumugod. Sinipa ko yung sumisipa kay Josh at sinuntok ko yung sumusuntok kay Josh. "P*kyu mga g*go," wala silang nagawa ng bigyan ko sila ng malalakas na suntok. Wag na wag niyong hahamuhin ang katulad. "Tama na po! Sorry na," pagmamakaawa ng satingin ko ay ang lider nila. Siya kasi yung mabugbog ko ng todo. Pinantayan ko siya. Mga 2 feet ang layo ko sa kaniya. Tinignan ko siya ng nakakaloko. "Boo," sabi ko bigla. Nagulat siya kaya agad siyang tumayo at kumaripaspas siya ng takbo pati narin ang mga kasama niya. Natawa tuloy ako. "Bwahahahaha!! Mga g*go! Balik kayo dito di pa ako tapos," sigaw ko habang pinipigilang ang pagtawa ko ng malakas pero hindi ko talaga mapigilan. Narinig kong natawa din si Josh kaya napatigip ako sa pagtawa at tumingin ako sa kaniya. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tinaasan ako ng kilay. "What?," tanong niya. "Bakit ka tumigil sa pagtawa?," tanong ko pabalik. "I don't know" Tumayo na siya. Lalakad na sana siya pero agad ko siyang pinigilan. May maliit kasing sugat sa  gilid ng kaliwang mata niya. Kumunot naman ang noo niya. Agad kong kinuha ang panyo ko at ipinunas sa sugat niya  syempre dahan dahan lang baka alam niyo. "Sh*t. Dahan dahan na naman," reklamo niya. "Sorry"-Ako "Kung hindi dahil sayo , hindi sana ako magkakaroon ng ganitong sugat," napatigil naman ako. At tumingin sa kaniya "Kung wala ako, bugbog sarado ka na rin ngayon," ngayon siya naman yung tumingin sa kaniya. "Whatever"-Josh Buti nalang pala may band aid akong dala dala. At buti nalang din, yun lang yung nakuha niya. Pagkatapos ilagay yung band aid sa sugat niya at napangiti ako. Ang gwapo parin. Haha. Talandi lang Klark? Nakakatawa ding isipin na may pa He's mine pa siyang nalalaman pero siya naman tong nabugbog. Haha. At least...plus pogi points sakin yun. Hahaha Pero bigla kong naalala.... "Yung ice cream," maktol ko nang maalala ko ang ice cream ko. "Isip-bata," rinig kong sabi ng katabi ko. Kaya tumingin ako sa kaniya. Yung ice cream ko Kumunot ang noo niya nung makita niya ang mukha ko. Kakalungkot kasi! Yung ice cream ko . "Y-yung i-ice cream k-ko kasi," sabi ko. Ang childish ko ba? (Halata ba kuya? Nakakahiya ka!) Lalong kumunot ang noo niya. Hindi ko kasi mapigilan. Ewan ko pero nagiging childish ako kapag ICE CREAM ang pinag-uusapan. Umiling siya tapos bigla niyang hinawakan ang wrist ko. Feeling ko milyong-milyong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko. I just find myself with him in the department store. Tama kayo ng basa! Hindi parin niya ako binibitawan nang pumasok kami. Hawak hawak niya parin ako hanggang makakuha siya ng dalawang corneto (tama! Corneto nga *balahala na kung wrong spelling hahaha*) "Maganda po mga sir. Heto na po ang sukli niyo," sabi ng babaeng nasa counter. "Keep the change," sabi ni Josh kay Ate. "Salamat po. Ang sweet niyo naman po," sabi ulit ni ate. "Huh?," sabay naming sabi ni Josh. Pinagsasabi niya. Ngumiti ng pagkatamis tamis si Ate tapos tinuro niya ang kamay ni Josh na nakahawak na ngayon sa kamay ko mismo! Naka -intertwin  nga! Bakit hindi ko man lang napansin? Bigla kaming namula pareho ni Josh kaya agad niyang binitawan ang kamay ko. Sh*t. Ramdamn ko parin yung malambot niyang palad. "Haha. Ang cute niyong mamula. Alam niyo bang nakakahanga ang mga katulad niyo?" - Ate "Huh?"-Ako at Josh "Haha. Kasi alam niyo na nagpapakatotoo kayo sa sarili niyo. Hindi gaya ng iba *pasintabi po* niloloko lang nila ang sarili nila. Tinatago nila kung sino talaga sila"-Ate (A/N: Palala lang po, hindi ko nilalahat. Haha) "What are you saying? You're crazy," kunot noo na sabi ni Josh sabay iling. "Tara na nga," nauna na siyang lumabas. "Pagpasensiyahan mo nalang yung ate. Ganun talaga yung lalaking yun," paumanhin ko kay Ate. Tumawa lang siya kaya lumabas nadin ako. Nag-effort pa naman akong sabihin yun tapos tawa lang yung  sinagot? Tama ba naman yun?Bahala ka ate. "Oh," napatigil ako sa paglalakad nanag iabot ni Josh ang ice cream. Tiningnan ko siya. "What are you looking at? Baka malusaw to," sabi niya. "S-salamat," sabi ko. "Pasasalamat ko lang yan. Kasi kung HINDI DAHIL SAYO, NABUGBOG NA SANA AKO,"  idiniin niya para na may halong sarcasm. Ngumiti nalang ako sa kaniya. Yung ngiting pinakadabest! Haha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD