[Klark's POV]
He's mine
He's mine
He's mine
He's mine
Hanggang sa pagtulog ko ay naalala ko parin yung sinabi niya kanina. >////"Kriiiiiiiiiinnnnnnnnnnng" (tunog yan ng alarm clock)
Teka...kailan pa ako nagkaroon ng alarm clock? Bahala na nga. Agad na akong dumiretso sa loob ng banyo.
Pagkatapos ay lumabas na ako.
Nakita ko si Josh, kalalabas din niya. Nakabihis nadin siya.
"Good morning master Josh (^_^) ," bati ko sa kaniya. Tumango lang siya. Ang gandang sagot diba? *note the sarcasm*
Dumiretso na kami sa kusina. Tapos na pala siyang nagluto. As usual, nandoon parin yung palagi niyang niluluto sa umaga, ang bacon. Hindi halatang mahikig siya sa bacon -_-
Wala kaming imik sa isa't isa.
Pagtapos naming kumain ay lumabas na kami ng dorm.
Nakita kong papalabas na din ang ibang estudyante. Actually, 6 am palang ng umaga.
Maaga ba? Syempre, nag-aayos kasi kami para sa pag-welcome namin mamaya sa mga dadating na players mula sa ibang school.
Oo nga pala, puro all boys' school ang mga school na maglalaban-laban mamaya sa sports.
5 days pala yung sport fest at kanina ko lang nalaman haha.
Nandito na ako sa volleyball gym. Kasalukuyan kaming pinapaalalahanan ni Coach Justine.
"Naiintindihan niyo ba ako players?," seryoso niyang tanong.
"Yes po coach," sigaw naming sagot.
"Ok good. Anyway, tara na sa field. Malapit na daw dumating yung ibang players"-Coach
Nagsitanguan namin kami bilang sagot.
•••••||
[Brix's POV]
Nandito kami ngayon sa field. Winewelcome namin yung mga players ng ibang school na kararating lang.
"Yo Brixton. Nagkita tayo ulit," nasa harapan namin ngayon yung mortal naming kaaway sa Basketball. Si Fred Alves. Captain siya at mula siya sa Chua Academy.
Tinignan ko siya ng masama.
"Wala akong pake alam," singhal ko.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Si Jerome pala yun.
Kaya medyo kumalma ako.
Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga players ng Chua Academy. Tss.
"Haha. Iba 'to. Kumakalma kapag nandiyan ang Captain" rinig kong sabi ng isang player ng Chua Academy.
"Bayaan mo na yang mga yan Brix. Sa court ka nalang gaganti sa kanila," bulong sakin ni Jerome na nagpakilabot sakin. Boses palang nakama- intimidate na. Haha.
Oo! Pero akala ko type ko lang si Jerome Valdemor! Isang araw narealize ko nalang na mahal ko na siya.
Haist...tama na muna ang kwentuhan!
Papunta na kami sa volleyball gym. Yung kasi yung unang laro ngayon. Tapos pagkatapos jg volleyball, swimming naman then basketball.
•••••||
[Volleyball Gym]
Umupo kami sa harap para mapanood namin ni Jerome ng maayos ang laro lalo na't sina Klark ang maglalaro. Sa wakas, mapapanood ko ulit maglaro ang bespren ko. Hindi nadin ako nagtaka nang makapasok siya sa team.
"Let's all welcome the players from Eastmore Academy, the Eagle Spikers," nagpalakpakan kami. Isa isang pumasok ang players ng E.A.
Nagsigawan ang mga babae at mga binabae. Haha. Open kasi ang A.A sa mga outsiders.
Hindi maikakaila na may hitsura ang mga 'to pero wala silang panama sa PLAYERS NG VOLLEYBALL TEAM NAMIN!
"And now, let's welcome the players from this Academy, the Black Beast!," mas lalong nagkagulo ang mga tao dito.
Kaniya-kaniyang sigawan ang mga tao dito kasali na ako doon! Hahaha. Napatingin ako sa katabi ko. Hindi man lang to nagchi-cheer para sa team ng school namin. Napasin kong nakatuon lang ang mata niya sa isang direksyon kaya napatgingin ako sa direksyong iyon. Hindi na ako nagulat nang malaman ko kung sino ang tinitignan niya. Si Klark, ang bestfriend ko. Napangiti ako ng mapait. Bumuntong hininga ako.
Hays...
•••••||
[Klark's POV]
Pumito na ang referee. Tanda na magsisimula na ang laro. Ang mga taga-Eastmore ang unang magsi-serve ng bola.
Pinalo na ni number 16 ang bola. Sina Captain Chad, Maxine, Liam, Henry, Geoff at si Tristan.
Anyway, outside hitter ang position ko.
Sa mga hindi nakakaalam sa outside hitter, Outside hitter plays both the front row and the back row. Tinatawag din itong wing spiker at left side. (P.s kinuha ko lang yan sa internet. Mehehehex. Kasi hindi ko din alam yan. Hahahaha)
Nanag mapalo ni no. 16 ang bola ay agad sina Captain.
Nagtuloy-tuloy lang yung laro hanggang matapos yung set 2. Sa dalawang set nayun, wala pang panalo ang Eastmore.
"Klark, pumasok ka na. Palitan mo si Chad," sabi ni coach.
Nakipag-fist bump muna ako kay captain bago pumasok sa court.
Ako, Kleo, Vice Captain Jonas, Geoff, Dave at Henry ang maglalaro ngayong 3rd set.
Pumito na ang referee. Kami yung unang magseserve ng bola.
Pagkatapos magserve ng bola ni Vice Captain ay nagsimula ang laro. (Malamang Klark!)
•••••
Hanggang dumating na ang 3rd set.
Kanina pa ako naiinis kay no. 04 ng kabilang team. Minamaliit niya kami kasi daw wa na daw captain namin sa court. Kinuwestyon niya din yung pagiging outside hitter ko.Kaya nung ako na ang magse-serve, ibinunton ko lahat ng inis ko doon kay No. 04. Ginaya ko yung power moves ni Captain kaya ang resulta? Natamaan niya yung bola kaso sa ibang direksyon yun pumunta. Napunta iyon sa manonood. Natawa tuloy kami.
Tinignan niya ako ng masama kaya ngumisi ako.
Ang taga Eastmore ang magse-serve. Pagkaserve ng no. 09 ay agad na blinock ni Geoff ang bola. Pinataas ni Henry ang bola (dahil siya ang setter) kaya agad akong tumalon.
May tatlong tumalon din na sa tingin ko ay mga middle blocker, tumingin ako ng open spot. Hindi naman ako nagkamali. Malapit iyon kay no. 04.
Agad kong pinalo ang bola. At there! We won!
Agad na naghiwayan ang mga kagurpo ko na akala mo kami na ang champion.
"Congrats team!," coach exclaimed.
"Good job Klark! Tignan mo si no. 04, nakanganga parin ," natatawang sabi ni vice captain.
Makipag-apir ako sa mga kasama ko.
Tumingin ako sa paligid, nakita ko sina Jerome at Brix. Papunta na sila sa direksyon namin.
"Yo bespren! Wala ka paring mintis," natatawang sabi ni Brix sakin pero may napansin ako sa kaniya. Parang iba ang sinasabi ng mata niya. Oo nakangiti siya ngayon pero iba ang pinapahiwatig ng mga mata niya. Ay alam ko na! Mamaya ko nalang tanungin to.
"Naks! Ako pa. Si Zhane Klark Anderson kaya 'to!," pagmamayabang ko
"Ang yabang!," sigaw ng mga kateam ko.
Nagtawanan kami.
"Congrats Klark," sabi ni Jerome sa tabi ko. Pati ito! Iba yung ngiti niya ngayon. Parang ngiti ng isang taong inlove? (Saang parte ng kalawakan mo yan nakuha Klark?)
"Sus. First game palang naman 'to," sabi ko. Pa-humble? Hahaha. Nah
"Haha. Sigurado namang mananalo kayo," sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya
"Haha. Sus," sabi ko naman.
"*fake cough* Baka pwedeng sa Basketball gym naman tayo pumunta?," pag-iiba ni Brix.
"Oo nga! Tara na guys!"-Coach.
"Ok!," sigaw namin. Hindi na kami nagpalit. Haha. Mabango naman kami eh. (Ebidensiya mo Klark? Nasaan? Ipakita mo!)
May epal na naman ano? Bayaan niyo na, wala talagang magawa yan sa buhay.
Ako ang nahuli sa paglalalad dahil may kinuha lang ako sait sa locker room
Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot Kosh sa harapan ko. May ibinato soyang Gatorade. Agad ko naman iyong sinalo
"Salamat maste-," hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumalikod at naglakad palayo. Ay ang bastos na lalaki! Pero di bale na. Josh wag ma namang ganyan baka mafall ako bigla, mahirap na >.<
Tinignan ko ang Gatorade na binigay niya. Sh*t. Hindi ko tulpy mapigilang ngumiti habang naglalalad ako papaunta sa Basketball Gym. Para tuloy akong timang.