Chapter 10(Part II)

1448 Words
[Klark's POV] Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa mini-stage. Humanda ka talaga sakin Brix. Alam niya kasing ayaw kong ipinaparinig yung boses ko sa harap ng maraming tao. Alam na alam niya talaga kung paano niya ako inisin. Siya lang kasi at si Mama yung nakakaalam na kaya ko ding kumanta. (Lahat naman ng tao kayang kumanta ah. Yung nga lang, hindi lang maganda pakinggan yung iba. Haha pasintabi po) "Ahm...Hi..? First, thank you for letting me to sing for you tonight. And... at sa kung sino man ang nagsabi na magaling akong kumanta, mabilaukan ka sana ngayon," ngiti ko tapos tumingin sa gawi nina Brix. Kumakain kasi siya. At yun nga, nabilaukan. Tinawanan tuloy siya nina Jerome. Buti nga sayo. Tumikhim muna ako bago ako nagsimulang magstrum ng gitara. Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Napangiti ako. First time kong kumanta sa harapan ng maraming tao. •••••| [Brix's POV] Kung pwede lang tumawa ng malakas ngayon. Alam na alam ko kung paano inisin yang si Klark. Wahahahaha Siguro pinapatay na nga niya sa isipan niya e. Kumuha nalang ako ng pagkain. Eh sa nakakagutom kumanta eh. At hindi pa ako kumakain mula kaninang tanghali eh. Busy kasi ako kanina sa pag-o-organize nitong venue ng Opening Ball kaya nakalimutan kong kumain. Pagkasubo ko ng kinakain ko ay bigla akong nabilaukan kaya tinawanan nila ako. T_T Buti nalang may tubig sa harapan ko. Nagsimula na siyang mag-strum kaya nagpalakpakan kami. Napangiti siya. Ang cute talaga ng bespren ko. Wuy walang malisya ha. Talagang cute yang bespren ko at tsaka hindi naman kami talo. [Now playing: Perfect by Ed Sheeran] I found a love for me Darling, just dive right in and follow my lead Well, I found a girl, beautiful and sweet Oh, I never knew you were the someone waiting for me Ang ganda din talaga ng boses niya. "Woah. Tama ka nga Brix. Magaling kumanta yang si Klark," my heart beats fast when I heard that voice. Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman. Syempre mana siya sa akin," pagmamayabang ko. Napailing siya. "Haha. Yabang naman," tapos tumawa siya ng mahina. Hays... 'Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was I will not give you up this time But darling, just kiss me slow Your heart is all I own And in your eyes you're holding mine Nagkatinginan kami ni Jerome at tumango sa isa't isa. "Let's dance?," yaya namin sa ka-date namin. "What? Iiwan niyo ako dito sa table ng mag-isa?," reklamo ni Kris. "Haha. Just wait for him," ngisi ko. "Hmmp," inis niya sabi tapos inirapan kami. Nailing nalang kami. Pumunta kami sa gitna. I hold Sam's left hand with my right hand. I place my other to her waist while she puts her other hand to my shoulder. Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms Barefoot on the grass Listening to our favourite song When you said you looked a mess I whispered underneath my breath But you heard it, Darling, you look perfect tonight Pati na di  yung iba. Pumunta nadin dito sa gitna para isayaw yung mga kadate nila. Pero napatigil kami sa pagsasayaw nang hindi na si Klark yung sununod na kumanta--si Christian Josh Park. May hawak hawak siyang mike. Tumigil si Klark sa pagkanta pero tuloy parin siya sa paggigitara. Kaya naman tinuloy din namin ang pagsayaw. Well, I found a woman, stronger than anyone I know She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home I found a love to carry more than just my secrets To carry love, to carry children of our own Habang sumasayaw kami ay nakatingin kami sa mini-stage. Nasa stage na si Christian. Tapos nagkatinginan ang dalawang tao na nasa mini-stage. Tapos unti-unting lumapit si Christian kay Klark. Nakatingin sila sa isa't isa. Walang sabi-sabing kinuha ni Christian ang hawak na gitara kay Klark. We are still kids but we're so in love Fighting against all odds I know we'll be alright this time Darling, just hold my hand Be my girl, I'll be your man I see my future in your eyes Ngayon, sabay na sila sa pagkanta.  May makita ako sa mga mata ni Christian. Hindi ko lang ma-explain. Ibang iba ang aura ni Christian ngayon. Parang may mali sa kanya. Parang hindi siya kilala naming hot tempered at suplado na anak ng President. Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms Barefoot on the grass Listening to our favourite song When I saw you in that dress Looking so beautiful I don't deserve this Darling, you look perfect tonight Narinig ko ang mahinang hagikgik ng kasayaw ko kaya napatingin ako sa kaniya. "What?," taas kilay niyang tanong. Ngumiti nalang ako sa kaniya bago tumingin ulit sa kumakanta. Baby, I'm dancing in the dark With you between my arms Barefoot on the grass Listening to our favourite song I have faith in what I see Now I know I have met an angel in person And she looks perfect I don't deserve this You look perfect tonight Pagkatapos ng kanta nila ay may bigla pumutok na fireworks sa kalangitan. Napanganga kaming lahat. Wala kaming alam na Student Councils tungkol dito. Wala ito sa part ng program. "Ang ganda!!!," sabi ng ilan. Well, maganda nga talaga. ••••| [Klark's POV] Woah. Anong ibig sabihin nito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ngayon. Kaba dahil ewan ko! Bigla bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko. At saya dahil ewan ko rin. Baliw na ba ako? Aish. Klark umayos ka. Pagkatapos ng kanta ay nagkaroon ng fireworks display. Wow ang ganda *0* Saka lang kasi ako nakakakita ng fireworks display kapag bagong taon sa amin. Inilibot ko yung paningin ko. Nakita ko sina Brix, nakaupo na ulit sa kinauupuan nila kanina. Bababa na sana ako ang may bigla nagsalita. "Is this the way you treat your master huh? Slave," I stiffed. Mahina lang yung pagkakasabi niya pero sapat na yun para marinig ko ng maayos. Tumingin ako sa kaniya. "Hehe. Mauna na po kayo master," sapakin ko na 'to eh. Tss Inirapan niya ako bago siya bumaba ng mini-stage. Hindi talaga maintindihan 'tong si Josh. Kanina parang may naramdaman akong kakaiba. Parang hindi siya yung Josh na nakilala ko. Kanina ko lang din natitigan ng matagal ang mukha ni Josh. Yung mata niya na parang nangungusap, yung pilikmata niyang mahahaba, yung matangos niyang ilong, yung perfect jawline niya at...at...at ang mapupula niyang labi. Napakagat ako ng ibabang labi. Ay sh*t! Erase Erase. Klark anong pinag-iisip mo? Bumaba nalang ako at pumunta sa table namin. Pagdating ko dun ay agad kong binatukan si Brix. "Go to hell Brix," sabi ko. "Haha. Sorry na," tapos tumawa siya. "Ewan ko sayo," sabi ko naman sa kaniya. "Wow! What a fantastic performance. Hindi namin alam na magaling palang kumanta si King"-/MC 1 King ang tawag ng mga estudyante dito sa Academy kapag wala silang kahit anong posisyon sa Academy. "Tama ka partner. Ngayon, let's party!!!," sigaw ng isa pang MC. Nagsigawan naman kami. "Klark! Tara sayaw tayo!," yaya ni Kris. "Sure," ngiti kong sagot sa kaniya. May alam naman ako sa pagsasayaw. Kaya hindi na bago sakin ang ganitong occasion. Nagsayaw lang kami ni Kris sa gitna. Syempre hindi lang kami yung sumasayaw. May kasama din kami. Pagkatapos ng sayawan at kumain kami ni Kris. Ganun  din yung iba. Inilibot ko ulit ang paningin ko. Nakita ko si Josh sa isang table. Wala siyang kasama. Akala ko ba hindi pwede ang wala date? Oo nga pala. Anak siya ng President. Napalunok ako nang tumingin siya sa gawi ko. Teka...naramdaman niya yung pagtitig ko sa kaniya? Agad akong umiwas ng tingin. Ano bang nangyayari sayo Klark?! Pagkatapos ng Opening Ball ay agad naming inihatid sina Kris sa gate. Nandun na pala yung sundo nila kaya agad kaming bumalik sa Dorm. Hating gabi na nung matapos ang Opening Ball. Grabe inaantok na talaga ako. Hindi ko na nakita si Josh pagtapos ng O.B (Openig Ball) Bahala siya. Malaki nayun. Haha. Tama naman ako diba? Nang makarating ako sa dorm namin at agad kong binuksan yun. Hindi naman masyadong madilim ang paligid kahit walang ilaw. Nakabukas kasi ang isang bintana at maliwanag yung buwan. Agad kong tinungo ko ang kwarto ko. Pagkabukas ng pintuan ay nabigla ako nang may naramdaman akong mainit na hininga sa tenga ko. "You look perfect tonight," napalunok ako ng sunod sunod. Bumilis ang t***k ng puso ko. Pagharap ko sa kaniya ay wala na siya. Ang tanging narinig ko nalang ang pagsara ng kabilang pintuan. "You look perfect tonight" "You look perfect tonight" "You look perfect tonight" "You look perfect tonight" Agad akong pumasok sa kwaro ko at napasandal sa pintuan. Josh, anong ginawa mo sakin? Agad akong nagbihis tapos tumalon ako kama. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal tangal ang ngiti sa labi ko. Hanggang ngayon  hindi ko parin makalimutan ang sinabi niya. Sh*t. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Tapos kinagat ko ang ibabang labi ko. Ano bang nangyayari sayo Klark? Umayos ka nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD