[Klark's POV]
Hi everyone! Good morning! Alam niyo bang kulang ako sa tulog. Baka dalawang oras lang yung tulog ko. Eh kasi naman. Aish. Bahala na nga.
Agad na akong pumunta sa banyo. Hindi na ako nagulat nang makita kong ang laki-laki ng eyebags ko. Ilang kilo kaya 'to? Magkano ba yung bentahan ng eyebags?
Tawa naman kayo diyan para hindi ako malugi. Haha. Kahit pilit na tawa. At least tumawa kayo diba?
Anyway, ginawa ko na yung routines ko.
Paglabas ko nakita kong kumakain na si Josh.
Tumingin lang siya sakin nang mapansin niya ako tapos bumalik na siya sa pagkain. Kumuha nalang din ako ng pagkain ko.
•••••||
[Special Section]
"Anyway class, ngayon na pala magsisimula yung try outs para sa iba't ibang clubs. After this, pwede na kayong lumabas para makapag-try, okay?," Ms Bianca said.
Nag-yes naman kami bilang sagot.
Nagbigay lang siya ng mga paalala para sa try outs mamaya.
"Before I forgot, kailangan niyo palang sumali sa mga clubs dito sa school, hindi yung kung ano anong clubs diyan sa kanto ha...," nagtawanan kami sa sinabi niya.
"Anyway, ang ibig kong sabihin kailangan niyong sumali kasi requirement yun, lalo na sa PE subject niyo," dagdag niya.
May napili na ako kung saang club ako magta-try-out ^0^
"And that's all. I think it's all clear. Pwede na kayong lumabas"-Ms Bianca.
Tumayo muna kami at yumuko sa kaniya bago lumabas.
" Klark, saang club ka magta-try out?," tanong sakin ni Jerome.
"Sa Volleyball Club," simple kong sagot.
"Talaga? Sigurado ka?," paninigurado ni Jerome.
"Oo nga! Bakit di ka naniniwala?," tanong ko sa kaniya.
"Eh di good luck sayo bespren. Sana makasali ka," ang wirdo ng bespren ko. Parang may halong pang-aasar na may pag-aalala yung tono ng boses niya.
"Tss"
Guess who kung sino yung nagsalita? Eh di sino pa ba? Eh di yung walang modo kong master 'kuno'
Hindi nalang namin siya pinansin. Bahala siya diyan. Hindi pwedeng palagi nalang na siya yung nasusunod kahit na siya pa yung anak ng owner ng school na 'to. (Kahit matanggal yung scholarship mo?)
Oo nga pala. Ah basta!!! Bahala na!
Naghiwahiwalay na kami ng direksyong tatlo. Sa Basketball Club yung dalawa eh. Nasa ibang building kasi yung court ng volleyball.
Pagdating ko dun ay nakita ko yung mga schoolmates kong nagta-try out din. Pero parang kawawa. Kasi hindi nila nagagawang tamaan yung bola.
Pumasok na ako. Napatingin pa sila sakin.
"Magta-try out ka din ba?," tanong ng lalaiking naka-jersey na may nakatatak na number 6 sa damit niya.
"Ah opo sana"
Nakita kong napangisi ang ibang nakasuot ng jersey.
"Okay. Kayong dalawa, umalis na kayo diyan sa court dahil hindi kayo tanggap," sabi ni number 10 sa schoolmates namin na nasa court ngayon. Para silang namatayan dahil sa sinabi ni no. 10.
"I have a challenge for you. Kapag matatamaan mo ang lahat ng tira ko, pasok ka na," hamon ni no. 9. Siya kasi yung nasa court.
"Okay"
Pumunta na ako sa kabilang court. In fairness, maganda tong loob ng gym ng volleyball. Malawak siya. May tatlong court. May bleachers din na nakapalibot sa buong gym.
Pumito na yung nagsisilbing referee na si number 10.
Unang tira ng number 9 ay medyo smooth muna. Natamaan ko naman. Nakaya kong ibalik sa kabila. Tinira niya yung bola. Pero ngayon medyo bumilis na. Ganun parin, nagawa ko ulit na pabalikin sa kabila. Hanggang pabilis ng pabilis yung pagtira ni no. 9 sa bola.
Buti nalang natatamaan ko at wala pa akong hindi natatamaan.
"Woah! Cool"
"Nakakaya niyang makipagsabayan kay Chad?"
"Pwede na"
"Magaling ka. You impressed me so much. Pero huling tira ko na to ng bola, kapag hindi mo 'to nakuha...," sabi niya. Pasuspense pa 'to. Bigla siyang nag-thumbs down. Nakuha ko naman yung ibig sabihin niya. Kapag hindi ko natamaan yung bola, ibig sabihin hindi ako tanggap.
Umatras siya ng konti. Drinible yung bola tapos tumingin siya sakin at ngumisi. Para bang sinasabi na tignan-natin-kung-kaya-mo-pang-tamaan-to.
Ni-ready ko ang sarili ko. Kabisado ko na yung galaw niya. Well, habang naglalaro kami ay inooberbahan ko siya. Yun kasi yung isa sa mga techniques ko para manalo.
Inihanda na niya ang sarili niya.
"Wait lang pre. Huwag mong sabihin na gagawin niya yung sign moves niya?"
"Sa tingin ko nga pare"
"Sana naman hindi mabali yung kamay niya"
Itinapon niya pataas yung bola at inispike yun.
Umatras ako ng konti at inihanda ko yung kamay ko at tinamaan ko yung bola. Yung nga lang naLang napaatras ako ng konti dahil sa lakas ng impact. Parang nag-slow mo nga yung pagtaas ng bola ng matamaan ko yun. Napansin kong napanganga yung mga nanonood. Pati tong si no. 9.
May narinig akong pumalakpak. Hanggang sa dumami. Pagtingin ko sa paligid, dumami yung tao. Kanina lang mabibilang lang sa daliri eh.
Lumapit sa akin si no. 9.
"Congrats pare. I'm Chadler Vuentes, Chad for short. Captain of Volleyball Team and welcome to the team," tapos inilahad niya yung kamay niya. Agad ko namang inabot yun.
Nagsilapitan namn yung ibang member.
"Zhane Klark Anderson, right? I'm Jonas Fronda, vice captain" sabi ni no. 10.
"Nice to meet you vice and captain," sabi ko.
"Ako naman si Liam bro (no. 6). Ito naman sina Kleo (no. 1), Geoff (no. 5), Henry (no. 7), Dave (no. 8), Tristan (no. 22) and...," hindi natuloy ni Liam yung sasabihin dahil may biglang nagsalita.
"Oh tama na Liam. Dumadaldal ka na naman! Anyway, I'm Maxine Fernandez (no. 25). Nice to meet you," pakilala niya sa sarili tapos nakipagkamayan sila sakin. Sina Henry, Kleo, Maxine at Geoff ay ka-edad ko lang din. Nasa 11th grade nadin.
Isa lang ang masasabi ko sa kanila....lahat sila may itsura. Hindi lang basta may itsura, kundi may taglay na kagwapuhan! Lahat sila mapuputi. Yes! At mababait din.
"Hintayin lang natin si Coach para maipakilala ka na namin sa kaniya," sabi ni Captain.
"Ang astig mo kanina Klark. Haha. Pero matanong kita, sumasali ka ba sa volleyball competition?," tanong ni Vice Captain.
"Ah opo Vice Captain. Actually, ako po yung Captain ng dati kong school," tama. Ako yung captain dati sa school ko 'dati'
"Woah! Kaya naman pala," Maxine exclaimed.
"Good morning boys!," napatingin kami sa dumating. Teka, kapit bahay namin 'to eh! Haha. Si Kuya Justine.
"Good morning coach," bati nila nang makalapit siya samin. Napansin naman niya ako.
"Oh Klark? Magta-try out ka din ba?," tanong sakin ni Kuya Justine.
"Tapos na Coach. And we let him in to our team. Pero teka...magkakilala kayo?," gulat na tanong ni Captain.
"Yhup. Magkapitbahay lang kami nito," sabi niya tapos inakbayan pa ako. Matangakad siya kaya hanggang baba niya lang ako.
"Woah. Haha. Kamusta ka na Kuya este Coach," ngisi ko. Well, si kuya este coach, siya yung nagturo sakin maglaro ng volleyball.
"Haha. Eto gwapo parin," pagmamayabang niya.
"Ang hangin!," pang-aasar naming lahat.
"Heh! Kayo talaga! Ina-appreciate ko lang yung kagwapuhan ko. Patakbuhin ko kayo ng 50 rounds eh," sabi niya.
"Joke lang coach. Hahahaha. Gwapo ka na," natatawang sabi ni Kuya Henry.
"Naks! Alam mo yan," tapos nag-fist bump pa sila. Napailing nalang kami.
"Ah Klark, welcome to the team. Buti hindi si Chad yung nakalaro mo"
"Anong hindi Coach? Siya kaya nakalaro niya," sabat ni Geoff.
"Di nga?"-Kuya Justine
"Tamo to! Nagsasabi na nga totoo di pa naniniwala," nguso ni Geoff. At sa kaalaman ng nakararami, bakla si Geoff. Tama kayo ng basa, pero sabi nila wala daw silang pake. Hindi naman daw maiiwasan na magkaroon ng gay player sa team. Sabi din ni Maxine, ayos na di yun para mas magiging hyper yung team. Alam niyo namn yung mga bakla diba? Kadalasan masasaya silang kasama.
"May sinasabi ka Geoff?," tanong ni Kuya Justine.
"Ako? Wala naman coach ah. Baka tumatanda ka na kaya yung ano ano yang naririnig mo. Naku naku. Patingin ka na baka may diperensiya yang tenga mo," pang-aasar ni Geoff kay Kuya Justine.
Tinignan siya ngmasam ni Kuya Justine.
"GEOFF ESTRADA!!! 50 ROUNDS NOW!"
"Coach! Sorry na! Nagbibiro lang ako?"-Geoff
" 50 rounds now!"
"Pero coach. 50? Hindi naman ako sasali sa track and field eh!," reklamo niya.
"Baka gusto mong gawin kong 100?"
"Ay naku naku. Sabi ko nga 50," wala na siyang nagawa kundi ang sundin si Kuya ester Coach. Nasanay kasi akong Kuya yung tawag ko sa kaniya.
Kaya nagtawanan kami pwera kay coach. Tumingin siya ng masama sa amin.
"Samahan niyo siya"-coach
"Ano? Coach wala naman kaming ginawa ah"-Maxine
" oo nga coach!"- Kuya Henry
"May reklamo?"-Coach
"Ho? Wala po coach. Sino ba may sabing nagrereklamo kami? Ano guys?Tara na! Bilis! Ang bagal bagal. Hindi pwede yang ganyang asal!," sunod sunod na lintya ni Captain. Napailing nalang kami. Para kasi siyang baliw.
Pero 50 rounds? Hindi kaya mamamatay ako pagkatapos ng 50? Goodluck nalang sa amin. T_T
Pagkatapos ng 50 rounds ay dinismiss na kami ni coach.
"Babalik kayo bukas. 5 pm. Magpa-practice tayo kasi malapit na yung sport fest," sabi ni Coach. Kung hindi ako nagkakamali, next month nayun.
Nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Oh sige. See you tomorrow guys. Bawal malate. Alam niyo namang ayaw ni coach yung nalelate," paalala ni captain.
"Aye aye captain," sigaw namin. Napatawa siya ng mahina.
"Oh sige. Bye!"-Captain
"Bye guys," paalam ko. Isa isa silang lumapit sa akin at ginulo ang buhok at ang iba naman ay tinapik ako sa balikat.
"Aish! Ang kulit! Ang hirap mag-ayos ng buhok eh!," reklamo ko. Narinig ko ang pagtawa nila. Kahit na kanina lang nila ako nakilala, naging close na agad sila sakin. Lalo na si captain. Ang kukulit nila.
"Klark!," narinig kong pagtawag ni Brix sakin. Kahit nakapikit pa ako alam ana alam ko ang boses niyan.
Kasama niya si Jerome.
"Musta try out?," tanong sakin ni Jerome.
"Ayos naman! Tanggap ako. Grabe nakakapagod nga eh," sagot ko sa kaniya.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun," sabi sakin ni Brix tapos inakbayan ako. Agad ko namang tinanggal yun
Ang init eh.
"Ang init Brix! Eh kayo ba? Pasok kayo?," tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa akin tapos nagthumb up sila pareho.
"Mabuti naman. Akala ko hindi ka tanggap Brix," ngisi ko.
"Aba ako pa yung minamaliit mo?," nanliit pa yung mga mata niya.
"Alam mo ba Klark, muntikan na yang hindi natanggap kasi alam mo na. Hahahaha," gatong ni Jerome.
"Bakit? Hindi na-shoot yung bola?," natatawa kong tanong.
"Ah-hu. Muntikan hahaha," alam kong para kaming tanga ni Jerome ngayon. Tumingin si Brix samin ng masama.
"Muntikan lang naman. At least nashoot ko parin! Ewan ko sa inyo. Tara na nga gutom na ako," nauna na siyang naglakad. Natawa at napailing nalang kami ni Jerome.
Sumunod na rin kami.
•••••||
[Cafeteria]
Halos panuno na yung cafeteria sa dami ng kumakain. Habang naglalakad kami sa loob ay biglang may humila sakin at nalaupo ako.
Pagtingin ko si Josh. Heto na naman tayo! Lumalakas ang t***k na naman ang aking puso.
Ano bang nangyayari sayo Klark?
Tumingin ako sa dalawa kong kasama. Nakakunot ang noo nila pareho.
"Pwede na kayong umalis na dalawa," utos ni Josh sa kanila.
Wala ng nagawa ang dalawa kaya umalis na sila sa harapan namin.
"Bakit? Anong kailangan mo...," tumingin siya sa kin ng masama.
"Master Josh.."
Ang daming arte!
"Eat!" Sabi niya tapos may nilagay siya sa harapan ko. Tingin ko. Isang slice ng cheesecake, chocolate shake at soda. Totoo ba ito? Tumingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"What?," taas kilay niyang tanong.
Agad kong idinampi ang likod ng palad ko. Ayos naman siya.
"What do you think you're doing?," gulat niyang tanong.
"Anong meron? Wala ka namang sakit ah," taka ka kong sabi.
"What? Is there's something if I share my blessings?," kunot noo niyang tanong.
Ewan ko pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.
All of a sudden nag-iba ang pagtingin ko sa kaniya...
All of a sudden may kakaiba akong naramdaman....
All of a sudden...may narealize ako