Chapter 3

1068 Words
CHAPTER 3 What's happening to the world? Bakit ang keso ng mga tao ngayon? Asus. Sakit lang sa ulo yang boyfriend boyfriend na yan, ang boring pa.    Usually when you have a boyfriend they'll try to hold your hand then hug you, kiss you, after that I'm very sure that they will try to get on your pants.   Nagkaboyfriend narin ako. Pero once na nagtangka ng halikan ako hinihiwalayan ko na at pagkatapos ay sinasapak ko.   Ayoko ng mga taong sasabihan ka lang na gusto ka dahil may gustong gawin sayo. May ulterior motive.   "My beautiful daughter na mana sakin!"   Nakita kong patakbo na lumapit sakin si mommy. Nandito kasi ako sa hallway at pabalik na sana ako sa kwarto ko. Niyakap ako ni Mommy. Lagi naman ganyan si mommy. Hindi kasi siya sanay na nakahiwalay kami ni kuya Rain ng tirahan.   "Miss na kita baby ko."   "Okay lang yon mommy at least lagi kayong may quality time ni daddy. Anytime and anywhere."   Kiniliti ako ni daddy na kasunod ni mommy. Tawa ako ng tawa.   "Pilya ka talagang bata ka."    "Kasi kayo daddy eh. Ang ingay ingay niyo. Alam niyo naman na may mga tao pa sa bahay. Buti si kuya Rain dedma lang. Eh ako sakto naman na pupunta ako sa library para kumuha ng libro tapos.." sinadiya ko pa ang pambibitin ko.   Napapailing na lang si mommy. Si daddy naman ginulo ang buhok ko na magulo na.   "Mag boyfriend ka na kasi ng matino Hurricane." sabi ni daddy.   Eto na naman tayo. Mauuwi na naman kay Reese to, I'm sure.   "Bagay na bagay kayo ni Reese. Gwapo siya at ikaw maganda, parang ako lang. Ang abs ng batang yon, panalo. Ikaw naman sexy parang ako lang ulit."ngiting ngiti na sabi ni mommy.   "Mom-"   "Makinig ka muna anak. Ano ba kasing inaayaw mo dun sa taong yon? Kada na lang magkikita kayo eh binubugbog mo. Nung bata ka pa hinabol mo ng baseball bat, sinabunutan, kingat. Buti na lang gentleman iyon at hindi ka pinapatulan."   "Mom-"   "Bagay na bagay talaga kayo, sweetie-"     "Oo nga po. Kami na nga eh."   Napatulala sila sakin. Parang natuka silang dalawa ng ahas. Sakto naman nakita ko si Reese na padaan.   "Reese, sweetheart!"   Tumakbo ako sa kaniya at tinalunan ko siya. Sinalo niya ako. "What-"   "Shh! Umayos ka. Lagot tayo kay mommy pag nabuko tayo at kapag ako napagalitan ipapakain kita sa pating!"   Naramdaman ko na tumango siya.   "Kayo na talaga ng anak namin?" tanong ni mommy/   "Opo, tita. Sinagot na po niya ako kahapon."   "Eh diba nagkita pa namin kayong nag-aaway kahapon?"   "Naglalambingan lang po kami tita. Sasabihin na sana namin kaso tinatamad ang anak niyo-..aw!" kinagat ko siya sa balikat. "I mean, sasabihin na po sana namin kaso wala sa timing."   Sandaling hindi umimik si mommy. Medyo kinabahan ako. Matalas si mommy sa mga bagay-bagay kaya nakakatakot na mabuko kami.   Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya.   "Maganda yan mga bata. Sige diyan muna kayo at tatawagin ko si franz. Let's celebrate!" abi ni mommy at umalis na sila ni daddy.   Malamang pupunta kay tito Franz. Binaba na ako ni Reese. Tahimik na naglakad kami papunta sa lab nila kuya Rain. Nangg makapasok kami don ay sabay pa kaming nag salita. "Hindi ka talaga marunong umarte!"   "Bakit mo sinabi kaagad?"   "Kasi po mamang bato mas maaga mas maganda. Nabibingi na ako kapag naririnig ko ang pangalan mo kaila mommy."   "Akala mo ikaw lang? nagsasawa narin ako sa kapipilit sakin ni papa "   "Mas nagsasawa ako. Maganda ang pangalan ko hindi katulad mo...eeew!"   "Mas maganda ang pangalan ko."   "I hate you!" sigaw ko.   "Ilang beses ko na tong sinabi sa loob ng ilang taon Hurricane. The feeling is mutual."   Sinipa ko siya. Kinurot naman niya ang pisngi ko. Piningot ko siya. Hinila niya ang buhok ko.   Nagmamadaling lumapit kami sa sofa don ng may marinig kaming yabag. Dahil sa pagmamadali ay nahulog ako kay reese. Sinalo naman niya ako.   Umupo ako sa tabi niya at sumiksik ng todo sa kaniya. Umakbay naman siya sakin at nakangiting bumaling kami sa pinto.   Mukhang nagulat naman ang mga kasama nina mommy na bago. Like tito franz, wynter and kuya rain. Bakas sa mukha ni Wynter ang labis na pagtataka.   Alam niya na to the highest level ang galit ko kay Reese.    Masayang masaya na nag-usap sina mommy, daddy at tito franz sa isang gilid. Nakangangang nakatitig lang samin si Wynter habang si kuya naman ay dedma lang.   Medyo na guilty ako kasi syempre niloloko ko sila mommy pero I really need a piece of mind. Lagi na lang kasi nila akong pinapartner sa unggoy nato.   "Umayos ka reese. Sinasabi ko sayo kapag nabuko tayo sasakalin kita."   "Mas umayos ka diyan para kang naninigas na kung ano. Hindi ganiyan ang sweet."   Sumiksik ako lalo sa kaniya.   "Feel mo naman?" tanong niya.   Inapakan ko ng madiin ang paa niya. Napangiti ako ng mapasinghap siya. Nabura ang ngiti ko ng maramdaman ko na kinagat ako ni Reese sa balikat. Kinurot ko naman siya sa hita then hinila niya ang tenga ko. Paulit ulit naming ginawa yon.   Napatingin ako kaila mommy na nakatingin na pala samin. Sabay kaming ngumiti ni Reese. Umakbay siya sakin.   "Ganto lang talaga kami maglambingan, mommy." sabi ko.    "Sigurado ka? Parang nagpapatayan na kayo eh."   "Hindi mommy. Ganto talaga kami. Diba reese?"   Siniko ko siya sa tagiliran ng malakas. Napasigaw siya pero pilit ang ngiting tumango.   "Tama si Hurricane Tita Mishy. Ganto lang kaming mag lambingan. In love na in love nga ako sa anak niyong sadista-..aw! I mean ang napaka lambing niyong anak."   "Oo nga mommy! Ako din na in love na sa taong bato-..aray!" hinila ni reese ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin.   Pero ng maalala ko na nakatingin samin sila mommy ay bumawi ako at ngumiti at hinaplos haplos ang pisngi ni Reese. Kung alam lang nila mommy na sumasayad yung kuko ko sa muka ni reese at tinutusok ko yon ng konti.   "Maghinay hinay kayo sa...paglalambingan ha? Mamaya mapatay niyo na ang isa't isa."   Nakangiti na tumango kami. Sinundan namin ng tingin sila mommy at daddy at tito franz ng tumayo na sila at lumabas. Pagkasarang pagkasara kinubabawan ko na si reese at sinabunutan. Hinwakan naman niya ang buhok ko at hinila din.   Tumigil kami ng narinig namin si kuya Rain na tumikhim. "Sinasabi ko na nga ba."   Nagpapaawang nakatingin ako sa kaniya habang magkasalikop ang mga kamay ko na parang nagdadasal. kung bakit kasi nakalimutan ko tong dalawang to na busy sa paglalambingan sa isang tabi.   "Kuya. Wag mo akong isusumbong ha?"   "Nagsisinungaling ka."   "Kuya. Sige na..."   "Pero-"   Ngumisi ako. Naalala ko ag diary ni kuya. "Sige ka kuya. Nabasa ko pa naman yung-"   "OO NA! SHHH!"   Tinakpan niya ang bibig ko. I'm safe! Tinignan ko si wynter na kay kuya naman nakatingin. Mukang wala siyang pakialam samin.   "Wynter." tawag ko.   "O?"   "Tumingin ka sakin."   Nakasimangot na tumingin siya sakin. "Storbo ka naman ate Hurri. Alam mo namang tumititig pa ako sa darling ko."   Napatawa ako. "Wag mo kaming isusumbong ha?"   "Pakialam ko naman sa inyong dalawa."   Humarap na si Wynter kay kuya at nagpatuloy sa panliligaw niya.  Nilingon ko si Reese na nagbabasa na sa isang tabi. Naramdaman niya ata na naka tingin ako sa kaniya. Dumila siya then nagpatuloy sa pag basa.   I HATE YOU! _________________________End of Chapter 3.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD