CHAPTER 4
Nasa speed boat na kami ngayon ni...ni...nitong lalakeng to na nagpapanggap na tao. Siya ang nag papatakbo sa speed boat. Ako naman chinecheck sa laptop kung saan nakalagay exactly yung pearl. Pareho kaming naka suot ng scuba diving suit.
May umiilaw na kulay red na dot na. Ang ibig sabihin ay ang kinaroroonan ng pearl.
"Diretso lang." sabi ko.
"I know."
"Weh di nga?"
Nilingon niya ako ng bahagya. As usual emotionless na naman ang taong bato. Kung hindi emotionless, nang-aasar.
Binalik na niya ulit ang atensyon sa harap. So it give me enough time to really look at him. Fit ang suot niya na suit kaya bakat na bakat lahat ng pwedeng bumakat. Ang lapad ng dibdib niya. Parang ang sarap umunan.
WHAT THE!
Sinabi ko ba ang sa tingin kong inisip ko? Pinuri ko ang alien nato? No way!
"NOOOOOooooo!"
"Anong problema mo?"
Nag tatakang nakaharap na sakin si Reese. Hindi ko napansin na naka tigil na pala kami.
"WALA!"
"Bat ka sumisigaw?"
"PAKI MO?!"
He rolled his eyes. "Mag ready ka na at nandito na tayo."
"OO!"
Napabuntong hininga lang siya. Inirapan ko siya at nag ayos na ako ng gamit. Of course yung oxygen na kasing laki lang ng pencil case pero tumatagal ng maraming oras ang dala namin. It's called mermaid. Matagal natong na invent ng BHO.
May mouth pice din kami at ilaw na naka kabit sa kasing laki na remote na black tube. Its a detector. para mahanap namin ang pearl na may chip. Nakastrap sa hita ko ang baril at knife.
Nag stretching muna ako. Nakita kong ganun din ang ginawa ni reeese. Nang matapos ako, lumapit ako sa cooler at kukuha sana ako ng apple juice. Ang kaso may asungot na naki kuha din.
"Akin to." sabi ko.
"Akin kaya to, kumuha ka ng iba."
"Akin to! Ako nauna! Gusto ko apple!"
"Sakin na to."sabi niya at hinila ang juice.
"Ayoko nga!"
"Akin."
Sa huli hinati na lang namin yung juice. Masama pa yung loob ko dahil gusto ko solo ko ang apple juice. Nang matapos kami tumayo na ako.
"Sinong mauuna? Isa-isa muna kaya tayo?" sabi ko habang nakatingin sa dagat.
"Sabay na tayo tapos babalik ako dito sa speed boat pagkatapos ng ilang minuto para mas madaling maghanap."
Tumango ako. Sabay pa kaming nag dive.
Sumenyas sakin si Reese na dun ako sa kabilang part at dun siya sa left side. Pero umiling ako at sinenyasan siyang dito siya sa right. Mga ilang beses kaming nag senyasan. Tumigil siya.
Lumapit siya sakin at inumang sakin ang kamao niya. Aba't ang alien na to! Susuntukin daw ako! Umiling siya at pagkatapos ay iginalaw niya ang kamao niya ng baba at taas.
Kinurot ko siya. Nag sign language ako ng 'bastos'. Sakalin ko kaya to?
Nagulat ako ng hinila niya ang buhok ko. Tapos ginalaw niya ulit yung kamay. Dalawang beses na nakakuyom yung kamay niya tapos nag labas sia ng dalawang daliri.
Ahh. Bato-bato pick. Tama, tama. Masusulusyunan ng bato-bato pick ang lahat.
Nakita kong sumulat siya sa tubig ng S....tapos...L.....tapos...O....tapos W.
SLOW
Hindi ko na siya pinansin at nakaipag bato-bato pick ako sa kaniya. Talo ako. Whatever. Nag patuloy na lang ako sa ginagawa ko. Palalim ng palalim ang langoy namin.
Napalingon ako sa isang side ng maliit na tipak ng mga corals. Or corals ba yon? basta bato na ewan. May nakita kasi akong bubbles. Malaking bubbles. Alangan namang isda yon? Ang laki naman nung bubbles.
Alangan din namang pating? Malakas masyado yung bubbles. Sa pagkakaalam ko wala pang isda ang hinihika.
Parang...parang oxygen-
Nagpapasag ako ng maramdaman kong may humigit sakin. Pinagpapalo at pinagsisipa ko ang nakahawak sakin. Naramdaman ko na hinila niya yung buhok ko..
Napatigil ako. Nilingon ko yung humigit sakin. Si Reese. Itinuro niya ang pinanggagalingan ng bula. Sabay kaming lumangoy sa kabilang gilid. Sumilip kami.
May dalawang lalaki. May suot silang malalaking oxygen. Parang may hinahanap sila. Nagbawi ako kaagad ng tingin ng umilaw yung detector ko.
Iniwan ko si reese at lumangoy ako pababa. May maliit na hole don at kasya lang ako. Saktong-sakto. Lumangoy ako pababa. Napangiti ako ng may makapa ako sa buhangin sa ibaba.
Nagmamadaling inilagay ko sa loob ng suit ko ang pearl. Lumangoy ako pataas. Nakita kong inabot ni Reese yung kamay ko.Halatang nagmamadali siya. excited much lang?
Sabay kaming lumangoy pataas. Hindi ko alam kung bakit pero nagmamadali siya na inakyat ako sa taas ng speed boat. Tinanggal ko yung mouth piece ko.
"Bakit ba-...Reese!"
Tatalon sana ako ulit pero may lalaking umakyat sa speed boat namin. Yung isa nasa baba at hila si reese. Tinanggal ng lalake ang mask niya at nagsalita. "Nasan ang pearl?"
"Anung pearl?"
"Wag ka ng mamaang-maangan! Alam ko kung anong pakay niyo rito."
"Wala akong alam sa sinsabi mo. Namamasyal lang kami ng taong bat-...ng asawa ko dito."
"Nang may dalang baril?! Wag na tayong mag lokohan! Nasan ang black pearl?"
Infairness matalino ang isang to. "Wala naman kaming nakita.."
"Alam kong meron. Nakita namin na pumasok ka sa butas."
Tinignan ko si Reese na nakikipag suntukan sa isang lalake. Bahala siya sa buhay niya, kaya na niya yan.
"Fine. Oo na. Nasamin na."
"Ibigay mo sakin." "
"Okay. Excited masyado?"
Lumapit ako sa kaniya. Tinutukan niya ako ng baril. Nag tanggal ako ng head cap. Inalis ko na din ang 'mermaid' pagkatapos binuksan ko ng unti unti ang suit ko. Napangiti ako ng makita kong na distract ang lalaki na titig na titig na ngayon sa dibdib ko.
Nahawakan ko na ang pearl. May kinalikot ako doon saglit tapos hinugot ko yung kamay ko na parang may hawak ako. Inabot ko sa kaniya. Inabot naman niya sakin yung kamay niya, hinawakan niya ang naka kuyom kong kamay. Yan ang pagkakamali niya.
Once I'm on a few meters away from my enemy, delikado na ang lagay nila. Ano pa kaya kung ganto kalapit?
Bumalandra siya sa sahig ng speedboat ng tumama sa kaniya ang kabilang kamao ko. Nilipat ko sa kabilang kamay ko ang pearl pag katapos ay hinawakan ko ang kamay niya.
Pinilipit ko iyon at sinipa siya sa hinaharap. Napasigaw siya sa sakit.
Humawak siya sa buhok ko at mahigpit na hinila yon. At dahil masakit, sinipa ko siya ulit. Napangiti ako ng bumagsak siya sa paanan ko.
"Mamang pusit."
Tinignan niya ako ng masama. Inangat ko ang kamay ko na nakakuyom. Halos maduling siya sa impact sa binigay kong suntok.
Behold..
Hurricane Punch!
Nahina pa yon, kapag tinodo ko iyon hindi ko alam kung hindi mabali ang leeg niya. Napalingon ako ng nakita ko si Reese na umaakyat. "Anong nangyari?"
"Sleeping."
"Permanently?"
Umiling siya at tinuro sa akin ang lalaking pinatulog niya na nakasakay na ngayon sa isang emergency boat. Hinarap ko ang mamang pusit.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan niyo tong pearl. Nangunguha lang naman kami ng mga perlas pero since na lagay sa panganib ang buhay namin dito, ibibigay ko na sayo."
Ibinigay ko sa kaniya iyon at pagkatapos ay itinapon ko siya sa dagat. Dali-daling lumapit ako sa wheel at pinatakbo yon. Nakangangang nakatingin sakin si Reese.
"Bakit mo binigay? Lagot tayo kay warren."
May kinuha ako sa nakabukas kong damit. Inabot ko sa kaniya yung chip. Lalagyan lang naman kasi ang pearl.
"Nice." he said.
"I know. Ang galing ko talaga no?"
"No. I mean that."
Tinuro niya ako. Napatingin naman ako sa sarili ko.
"REESE!"
"Kasalanan ko bang ibandera mo yan sakin?"
Damn it!
___________________________End of Chapter 4.