Chapter 18

1024 Words
CHAPTER 18   Hindi ko na pinansin si Reese pagkabalik niya. Alam kong nagtataka siya pero hindi naman siya nagtanong. Maybe he really don't care.   Kagabi hindi din kami magkatabi at hindi din nag tanong si Reese kung bakit.   Buong maghapon na puro trabaho lang ang ginagawa namin. Tama na rin iyon. Para hindi ko siya kailangan kausapin na parang hindi ako nasasaktan.   I don't really know kung bakit hindi pa rin siya nagsasabi sa'kin na tigilan na namin kung ano man ang relasyon na meron kami. Maybe he thought that there's no relationship that needed to be close since we're not really together.   Reese's been talking to his phone non stop kapag hindi siya nakaharap sa laptop niya. narinig ko pa na binanggit niya ang pangalan ni Frecy.   "Hoy problema mo? Hindi kaya matunaw niyan si Reese?"   "Not now Autumn. Wala ako sa mood."   Tinitigan niya ako. Tapos bumuntong-hininga siya at tumabi sa'kin. "Alam mo kahit pasaway ako at minsan ay nakakalimutan kitang tawaging ate, hindi naman ako ganong ka-walang puso. Alam kong may problema ka at nag start yan ng umuwi kayo kahapon. Masama ba ang loob mo na ikaw ang bumili ng jolibee? sabihin mo lang at ako na ang bibili sa susunod."   "Puro ka kalokohan."   "I know, its one of my charms. Anyway. Ano ngang problema ng masulusyonan na natin."   "Secret."   "Sige na please."   Bumuntong-hininga ako. Whatever. Malalaman na din naman niya since sinabi ko na kay Kuya na tiyak sasabihin kaila Mommy. Nag simula akong mag kwento sa mahinang tinig. Tinignan ko si Autumn na hindi naman nag bago ang emosyon ng marinig ang kwento ko.   "Thats it."   "Alam mo, baka naman may reason si Kuya Reese. Marami man siyang fling noon but he's not a jerk. Kung ako sa'yo tatanungin ko siya."   "Hindi madali yon."   "Alam ko. Wala naman akong sinabing madali. On second thought, bakit hindi ka na lang gumawa ng paraan?"   Nagtatakang tinignan ko siya. "Ano? Anong paraan? Wag mong sabihin na paghihiwalayin ko sila."   "Sira, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Sigurado ako na hindi mo maatim na sirain ang isang relasyon. Ang ibig ko lang sabihin ay bakit hindi mo alamin ang totoo. Sa ibang paraan maliban sa tanungin siya."   "Anong paraan?"   Pinandilatan ako ni Autumn at tumayo na siya. "Sipain kita diyan eh. Ano pa't naging agent ka? Use your imagination. Bye, kukuha muna ako ng tsibog ko, dude."   Napailing ako ng biglang umalis si Autumn. Tumayo na ako at maglalakad sana ako papunta sa labas ng may maapakan ako at may biglang sumigaw.    "AnonG GINGAWA NIYO diyan?!"   Sino pa ba? Walang iba kundi si Wynd at Andreige na halata namang nakikinig sa pinag-usapan namin ni Autumn. Nakahiga sila sa sahig.   Nagsalita si Andreige na halatang walang maisip na alibi. "Ano...nag..."   "Nag lalambingan lang kami. Diba baby, Andreige?"   "Oo! tama!"   Nagyakapan pa sila. Sinipa ko sila pagkatapos ay umalis na ako pero bago ako lumabas ay nilingon ko muna sila. "Kapag may sinabi kayo kay Reese ibibigti ko kayo!"   Sabay silang umiling at nilunok ang imaginary susi. Tumango at tuluyan na akong lumabas ng inuupahan naming bahay. Hindi kasi natuloy ang pag alis namin dahil wala pa ring ticket.   Mabuti na rin iyon dahil wala ako sa mood na sumabak sa mission. Baka mapatay pa ako ng wala sa oras.   Pumunta ako sa gilid ng bahay at sumalampak ako sa d**o.   "Hello? Yes. Pupunta na ako. Hinahanap ko lang si Hurricane."   Napatingin ako kay Reese na hawak na naman ang cellphone niya. Nakabihis siya ng pang-alis. "Si Hurricane? Yes she's here...yeh...we're..."   Ano? Ano ako sa'yo? Kahit sana minsan lang, sabihin mo naman na importante ako sa'yo.   "Yup. Okay na kami ngayon. I'll see you later Frecy. Take care, babe."   Pinigilan ko ang luhanag nais makawala sa mga mata ko. It will be okay, Hurricane. He's not worth it. You'll be fine.   "Hurricane? Anong ginagawa mo diyan?"   Nag angat ako ng tingin at ngumiti. How weird is that. I can still smile even if my heart is telling me to cry. To let it all out. Maybe I'm stronger than I expected. "Wala napagtripan ko lang."   "Oka. Aalis nga muna pala ako pupunta lang ako kay-"   "Sure. Okay lang."   "Babalik ako for dinner. Gusto luto mo."   "Okay."   Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos non ay naglakad na siya papunta sa sasakyan niya.   Pumasok ako sa loob para maghanda ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Muntik pa akong bumangga kay Autumn na nakapamewang pa.   "Tabi diyan."   "Ay nako! Sasakalin na kita eh. Hindi mo ba susundan si Reese?"   "Ano ako masokista?"   "Hindi mo ba gustong malaman ang totoo?"   Tinitigan ko si Autumn. Fine. Tama naman siya. "Ikaw ang magluto."   Tumango siya. Lumabas na ako at kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Andriege. Okay lang naman don kahit san ko dalin ang kotse niya. Pagkatapos non ay lumabas na ako.   Sumakay ako sa sasakyan at binilisan ko ang pagPapatakbo. I'm sure mahahabol ko pa si Reese. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo ng tuluyan. Kaalis lang naman niya.   Binagalan ko ang takbo ng sasakyan ng Mamataan ko ang kotse ni Reese. Hinayaan kong magkaroon kami ng pagitan upang hindi niya makita ang sinasakyan ko. Mahirap na at baka makahalata pa siya.   Nakarating si Reese sa isang restaurant. Bumaba rin ako ng sasakyan ng bumaba siya. Nagtago ako sa gilid ng Papasok na siya at narinig kong sinabi niya na may reservation daw siya.   Dumaan ako sa likod. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin. Nang makita ko si Reese ay sinundan ko siya. Nag lakad siya papunta sa garden ng restaurant.   "Reese!"   "Hi, babe."   "OMG, babe! Nabigla ako sa proposal, pero I'm so happy!" Halat ang kasiyahan kay Frecy. "Kailan kaya pwedeng i-set ang wedding? Excited na talaga ako-"   Tahimik na umalis ako. Bumalik ako sa sasakyan at pinasibad iyon paalis. Hindi ko na napigilan ang mg luha kong matagal ko din pinigil. Tinigil ko saglit sa gilid ang sasakyan at sumubsob sa manibela.   I was right. I shouldn't have loved. Shouldn't have seek for it. Dapat nakuntento na lang ako sa buhay ko noon.   Nang makabalik ako ay naabutan ko sina Autumn na halatang nauna ng kumain. Nakatingin sila sa'kin pero hindi sila nagsalita. Ngumiti ako ng konti at umiling. Dumiretso ako sa kusina at umupo sa isa sa mga upuan don. May nakahain pa rin na mga pagkain.   Hindi ko alam kung ilang oras akong naka-upo don. Nag-angat lang ako ng tingin ng marinig ko ang ugong ng sasakyan. Lumingon ako sa wall clock.   Nanghihina na tumayo ako at naglakad papunta sa hagdanan. Ayokong maabutan ni Reese.   "Hurricane?"   Pwedeng time out muna? Kahit konting pahinga lang muna. Baka sakaling bukas, hindi na gantong kasakit.   "Yes?"   "Hindi na ako nakauwi sa dinner. May importante kasi akong kausap. May sasabihin din sana ako sa'yo-"   "Bukas na lang. Inaantok na ko."   umakyat na ako sa taas.   pero narinig ko pa siyang nag salita. "I'm sorry Hurricane."   Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa pag-akyat. Sumandal ako sa pintuan at hinayaang kumawala ang aking mga luha.   I cannot have his heart and in the end all I have is his...apology. ___________________End of Chapter 18.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD