CHAPTER 17
Okay!
May lakad kami bukas. Pupunta kami sa Camiguin at maghahanap kami sa mga malalapit na lugar sa mantigue island. Doon daw kasi tumutuloy sina Emerald.
The real question is na kanina pa namin hindi masagot ay kung huhulihin ba namin sila or ita-trap lang namin sila. Mahirap kasing mag decide lalo na ngayon na hindi naman namin alam kung gano na sila kadami at kung sino ang mga members nila.
"So what now? We'll do it blind?" tanong ni Autumn.
"No, I'm sure pagdating natin sa Camiguin may maiisip na tayong plano. Mukhang mas gumagana ang mga utak natin kapag mabilisang pagPapasiya lang."
Nakaupo kaming lahat sa sahig at may kaharap na mga laptop. May mga gummy bears, marshmallows, chips, cookies at kung ano-ano pa sa lamesa na kanina pa namin kinakain ng kinakain.
Mag hapon kaming nandito. Mas nakadagdag pa na tulong ang information nila Kuya Rain at least sure na sure na kami kung nasaan na talaga sila.
"Pahingi ngang gummy bear Autumn." sabi ni Wynd.
"Wala na. Naubos ko na."
"Ang takaw mo talaga. Hindi na ako magtataka kung lumobo ka."
"Hindi ako tabain at saka una-unahan lang to dude."
Nakasimangot na kukuha na lang sana si Wynd ng marshmallow ng nauna ng damputin ni Autumn yon. Masama na ang tingin na ibinigay ni Wynd kay Autumn.
"Akin na yan."
"Fist come first serve."
Lumapit si Wynd kay Autumn at nag agawan sila sa marshmallows. Sinipa ni Autumn si Wynd at si Wynd naman ay kinagat si Autumn.
"Akin na to pare!"
"Back off dude!"
Napa-iling na lang ako at hinarap si Reese at Andreige na kasalukuyang busy sa mga lap top nila. Baka sakaling mas matino silang kausap dahil seryosong-seryoso sila sa ginagawa.
"Woo pare! Panalo ko!" aigaw ni Andreige
"Tsamba lang yan."
Sinilip ko ang laptop nila. Nag lalaro lang pala.
"Wala na ata akong makakausap ng matino dito." bulong ko.
Tumingin sa akin si Reese. "Ako matino."
"Weh?"
Kinindatan niya lang ako. Napangiti na lang ako at inabot ko ang isang chip. Simpleng umiwas ako sa lumilipad na marshmallows na papunta sa mukha ko dahil ang dalawang daga na na aagawan kanina ay pinasabog na ngayon kung saan-saan iyon.
Si Reese naman ay nakatingin pa rin sa laptop niya na binuka lang ang bibig niya at saktong nashoot doon ang marshmallows. Si Andreige ay sinalo lahat ng marshmallows na papunta sa kaniya at kinain.
In the end, walang natira para kaila Wynd at Autumn na ngayon ay nagsasapakan na.
Binuksan ko na lang ang f*******: ko at tinignan ang mga notification ko na halos lahat ay galing kay Wynter. Nakatag ako sa mga pictures na ipinadala ni Autumn kay Wynter.
Napatili ako ng makita kong naka ag pa sila Mommy sa picture namin ni Reese sa kusina ng ninakawan niya ako ng halik.
"PapaTAYIN KITA Autumn"
Napatingin sa'kin si Autumn tapos sumilip sa tinitignan ko. Ngumisi siya at nag peace sign.
"Peace! Alam mo namang negosyante ako. Binigyan ako ni Tita Mishy at ni TIto Franz ng tig-limang libo para sa picture niya. I'm rich!"
Parang ang sarap kagatin ni Autumn. Naku! Kung hindi ko lang pinsan ang isang to matagal ko na tong pinakain sa pating.
"Samahan mo ako." sabi ni Reese na biglang nagsalita.
Nilingon ko si Reese. "Saan?"
"Bili tayo ng Jollibee."
"Pa-deliver na lang."
"Bibili din ako ng libro sa malapit na bookstore sa Jollibee."
"Sige na nga."
Tumayo na ako. Pumunta kami sa pinagparadahan ng kotse at ako na ang nagdrive. Buti na lang pumayag si Reese.
Nang makarating doon ay nag hiwalay kami ni Reese. Bibili siya ng libro at ako naman ang bumili ng food namin. Dahil konti lang ang tao sa Jollibee ay mabilis akong natapos.
Bumalik na ako sa sasakyan. Natatakam na inamoy ko ang dala ko. I love Jollibe. Favorite ko ang burger steak at si Reese nman ay paborito ang spaghetti at burger.
Napatingin ako sa passenger seat ng biglang may tumunog doon. Phone ni Reese. Hahayaan ko na lang sana kaso nagpatuloy ito sa pagtunog. Sinagot ko na.
Nakita ko ang pangalan ng caller. Si Frecy. Nakilala ko na siya dati dahil isa siya sa mga kaibigan ni Reese na hindi taga BHO, kilala din siya ni Kuya Rain kaya nakilala ko siya noon. Mabait naman siya.
Mag he-hello na sana ako ang kaso biglang nag salita si Frecy. "Love! Oh My Gosh, yes yes yes! Pumapayag na ako!"
"Ahm."
"Nabigla ka ba love? Syempre naman payag akong mag pakasal sa'yo. Nabigla talaga ako sa binigay mo sa'king roses na may wedding ring. I cant wait!-"
Tahimik na pinatay ko ang phone. Nangnginig ang mga kamay na sumubsob ako sa manibela. Naiiyak ako pero pinigilan ko. Kasi mangyayari naman talaga to diba? Talaga namang hindi kami pwede. Sabi ko nga. I'll just enjoy until it last.
Pero ang sakit pala. Ang hirap pala. Reese said he's falling for me. But he's not. He will never be. Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kakayanin na mawala si Reese. Na hindi ko na siya makakasama.
Ang tanga ko kasi eh. Dapat naisip ko na to noon pa. Dapat inasahan ko na mangyayari to. Akala ko kasi kaya ko. Akala ko hindi ako masasaktan..
I'm already in love with him, but the sad part is, I'm already too late.
___________________________End of Chapter 17.