CHAPTER 16
Ang sarap ng tulog ko kasi katabi ko si Reese. Pagdating ng umaga medyo naalimpungatan ako kasi naramdaman ko si'yang umalis, hindi ko na lang pinansin dahil antok na antok ako. Mag damag ata kaming nakaharap sa computer.
Akala ko maipagPapatuloy ko ang tulog ko. Ang kaso may naamoy ako. Amoy danger. Hindi bomba, hindi pulbura hindi gasolina. Amoy nasusunog!
Humagibis ako ng takbo at lumabas ng kwarto. Pati sina Wynd, Autumn at Andreige ay patakbo na rin papunta sa kusina.
Pero alam namin na huli na ang lahat dahil bigla na lang kaming nakarinig ng pagsabog ng saktong nasa pinto na kami ng kusina. Kitang-kita namin ng pumutok ang pan. Baliwala lang na sinalo ni Reese iyon tapos ipinatong niya ulit sa stove. ''yong pancake na tumalsik sinalo lang niya ng plato.
"Kung sana magaling mag luto si Kuya Reese ang ganda sanang tignan. Parang chef na chef eh." bulong ni Autumn.
"Oo nga. Pancake ba 'yon? Tinalo pa ang uling sa kaitiman ah." nahihintatakutan na tano'ng ni Andreige na malamang ay kinakabahan na nabaka iyon ang ipakain sa kanila.
Hay nako. Paniguradong ako na naman ang kakain nito. Buti na lang kasing tibay ng suntok at sipa ko ang ti'yan ko. Dahil ako ang kumain ng dikit-dikit niyang marshmallow, sunog na chicken at ma solid-solid na white sauce.
Aktong mag lalagay na naman ng mixture ng pancake si Reese ng tumakbo ako palapit sa kaniya at pinigilan ang kamay niya. Nagtatakang lumingon lang siya sa'kin.
"Ako ng magluluto." sabi ko.
"Wag na. Sabi mo masarap ang luto ng ex mo dapat matuto din ako-"
"Okay lang 'yon. Mas hot ka naman sa kaniya. Mukhang palaka 'yon kaya wag ka ng ma-insecure d'yan."
Not true. Gwapo 'yon.
Lahat kami nakahinga ng maluwag ng binitawan na ni Reese ang pan. Binaba ko ang mixture at tinitigan ang pan. Ano'ng nangyari dito? Bakit ang itim na nung pan? Bakit ang daming nakadikit na pancake. Bakit yupi na halos ''yong ibang part ng pan?
"Ano'ng nangyari dito? Ba't nayupi na?"
"Ewan ko nga eh. Bulok na ata 'yang pan na 'yan. Sabi dito sa instruction, painitin daw ang pan hanggang sa mainit na tapos ilagay daw ang mixture. Ang sabi hinaan ang apoy eh ayaw naman maluto, kaya nilakasan ko."
Napanganga ako. Tinignan ko ang apoy na hindi ko napansin kanina. Napatalon ako ng ma realize ko na todo-todo pala 'yon. Nag Mamadaligg hininaan ko.
Pinalitan ko na rin ''yong pan. Tinignan ko ang mixture. Okay naman. Dinagdagan ko lang ng tubig. Nilag'yan ko din ng butter ''yong pan na s'yang nakalimutang gawin ni Reese.
Nag simula na akong mag luto ng pancake.
"Parang awa mo na Kuya Reese akina to para maitapon ko na!"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Autumn na nakikipaghilahan ng plato kay Reese. Patong-patong don ang negrong pancake na niluto niya kanina.
"Bakit ba? Kakainin to ni Hurricane kasi luto ko to!"
Waaah! Help me! Gusto na ng ti'yan ko na kumain ng normal na pagkain.
"Ate Hurricane kakainin mo to? Sure ka? Itapon na natin to. Kahit asong pulubi o nag hihingalong daga hindi to kakainin."
"Luto ko to eh!" sigaw ni Reese.
Dinedma ko na lang sila. Natatawa si Andreige ng makita ang ginagawa ko. Kasalukuyan ko na kasing kinakain ang pancake sa pan. Para at least mabusog naman ako bago ko kainin ang 'luto' ni Reese.
Nag patuloy ako sa pagluluto habang pilit kong hindi pinapansin ang mga audience ko. Aba! pancake lang kaya to. Nakakapagtaka nga na kada magluluto si Reese eh may sumasabog.
"O a'yan na."
Hinarap ko sa kanila ang pancake na may kasama pang mga hotdog. Parang gutom na mga bata na nagsikainan sila. Pero si Reese determinadong kakainin namin ang black beauty niyang pancake.
"Reese."
"O?"
"Pano mo nagagawang kainin tong luto mo?"
Nakakunot noong tinignan niya ako tapos sinimangutan ako. "Kaniya-kaniya lang 'yan. Kapag inisip mong hindi masarap, hindi nga masarap."
"Okay! Iisipin ko na lang spaghetti to."
Nag simula na akong kumain.
"HOY!"
Napalingon ako kay Autumn ng sinigawan niya si Wynd. Kasaluku'yan nag aagawan na naman sila sa hotdog. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang hotdog. Binig'yan ko sila ng tig-isa.
Si Andreige naman ay nakatulalang nakatingin lang sa ubas sa lamesa na pareng may malalim na iniisip.
"Ano'ng english ng ubas?"
Napatawa ako. Ubas lang eh.Mminsan me gan'yan daw. ''yong parang nakakalimutan na lang natin kahit obvious at madali lang. "Oo nga no? Ano kaya? Ikaw pare alam mo?" tano'ng ni Wynd kay Autumn.
"Sus. Ubas lang hindi niyo pa alam?"
"Ano nga?"
Napatulala si Autumn ng mukhang nakalimutan niya na rin. Nagkatinginan lang kami ni Reese at napailing.
"Ano , pare? Hindi mo din alam?" nang-aasar na sabi ni Wynd.
"Hindi kita kumpare. Alam ko ang englis ng ubas no."
"Ano nga?"
"Ubeys."
Naibuga ko ng wala sa oras ang iniinom kong tubig.
"Eh ang masanas?"
"Manseneys?"-Autumn
Kinagat ko ang hotdog para mapigilan ko ang sarili kong tumawa. Mukhang seryoso silang tatlo eh.
"Ikaw Hurricane alam mo?" tano'ng ni Andreige.
"Oo naman. Ubas, grapes. Mansanas, apple." napa 'aahhh' silang lahat.
Nagkainan na kami. Pilit ko na lang nilulunok ang mga black beauty na pancake. Mamaya suMama pa ang loob ng matampuhin kong honey. Nang matapos kaming kumain ay lumabas na ang tatlo at ako naman ay tinulungan si Reese na magligpit.
Nilingon ko si Reese ng may maalala ako. "Reese tinawagan mo si Papa mo kahapon diba?"
"Oo."
"Alam na ba nila kung nasaan ang B.E.N.D. nga'yon?"
"Nope. Nahihirapan kasi sila. Wala naman daw properties ang B.E.N.D. Na malapit sa dagat. Wala din naman daw silang nakitang record na may bumili ng resort gamit ang ibang pangalan."
"Paano kung iba ang ginamit nila?"
"I don't think they're that stupid. Kung bibili lang sila dapat sa kanila na naka pangalan."
"Well if sa kanila 'yong property. Pero what if, pinahiram lang sa kanila?"
Nag katinginan kami. Sabay pa kaming napa s**t. I cant believe na hindi namin napansin 'yon! Nag Mamadaling lumabas kami.
Pinuntahan namin sila Wynd na kasaluku'yang nakaharap na sa mga laptop nila. "Guys. New clue." sabi ni Reese sa kanila.
"Weh? May naamoy na naman si Hurricane?" tano'ng ni Wynd.
"No."
Ngumisi ako kay Wynd. "Try looking for the president of York properties. Kung may mga resort siya, doon tayo pupunta."
Umupo na rin ako at binuksan ko ang laptop ko. May mg lumabas ng mga list ng mg properties ng York. ng dami. At marami ring iba't-ibang resorts. May iba pa na nasa ibang bansa.
"Pupuntahan natin lahat to? Wow! Sa Greece muna tayo pumunta para astig!" namimilog ang mga matang sabi ni Wynd.
Binatukan ko siya. "Sira. ng dali-dali lang. Look. Bago pa lang tong isang property nila, kabibili lang and it don't even cost that much."
Napatingin sila dun sa sinasabi ko. Napangiti si Autumn. "Camiguin?"
Tumango ako. Pupunta kami ng Camiguin!
"Wynd tell your father about this okay? Mag Papahinga muna kami ni Hurricane." sabi ni Reese at hinila na akong patayo.
Nag kibit-balikat ako.
Inaantok na rin naman ako. Kulang kami sa tulog. Nagising ba naman ako sa version niya ng 'pagluluto'
"Oy! Wag ka'yong masyadong maingay ha? Hindi pa naman soundproof ang kwarto. Mamaya may kung ano pa kaming marinig diyan na makasira ng kainosentaihan namin." Sabi ni Wynd na pinagsalikop pa ang mga kamay niya at tumingin sa ceiling. Gano'n din ang ginagawa ng dalawa niyang katabi.
Binato ko siya ng unan na ikinatawa niya lang.
Umakyat na kami ni Reese sa kwarto. PinagMamasdan ko siya habang paakyat kami. Hindi na nakakapagtakang bigla na lang akong nadapa at nakipag face to face sa sahig.
Nilingon ako ni Reese na marahil ay narinig ang pagkalabog na nilikha ko. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
"Nag ja-jack en poy."
"Mamaya na 'yan. Matulog muna tayo." napasimangot ako at hinawakan ko iyong tuhod ko. Masakit kaya,
"Masakit?"
"Ay hindi. Ang sarap nga sa feeling parang na sa heaven lang."
"Hoy! Rinig namin kayo dito. Ano 'yang sakit-sakit at heaven heaven na 'yan. Naku! Na co-corrupt niyo ang kainosentahan namin." sigaw ni Autumn mula sa baba.
NaPapailing na binuhat ako ni Reese papunta sa kwarto. Para lang kaming bagong ikinasal.
Kasal? No Hurricane! Sira ka ba? Ang freedom girl, freedom!
I'll just enjoy this until it last.
Nang makarating kami sa kwarto ay sumampa na ako sa kama. Sumukob din sa kumot si Reese at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa neck ko.
"Lets just sleep okay?"
He chuckled. "I know. I'm not planning to do anything."
"Weh di nga?"
"Promise."
But you know...promises are meant to be broken, right?
_____________________________End of Chapter 16.