Kokak
Seryosong nag-usap sina sir Jeremiah at sir Buenavista. Habang ako ay paminsan-minsan din ang pagte-take down notes. Panaka-nakang tumitingin si Mr. Buenavista sa akin kaya naman ang mukha ni sir Jeremiah ay madalim. Ewan ko dyan sa kanya. Halata namang magkaibigan ang dalawa pero para yatang nag-iba ang awra ni sir Jeremiah. Baka may dalaw kaya pa iba-iba ang mood. Mabuti na lang at dumating na ang waitress na nag-serve ng pagkain namin. Kanina pa kaya ako gutom. Dalawang oras ng nag-uusap ang dalawa tungkol sa proposal ni sir Jeremiah. Nang mailapag ang mga pagkain at juice ay agad akong uminom ng juice. Kanina pa ako uhaw na uhaw kaya naman naubos ko ang laman ng baso. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang lalaki kaya nahiya ako.
"Sige ituloy niyo lang ang pag-uusap niyo," mahina kong sabi sa kanila habang pinapahid ang likidong naiwan sa bibig ko.
"I think we should eat first, I'm hungry already," sabi naman ni Mr. Buenavista at saglit niya akong tiningnan bago binalingan ulit si sir Jeremiah.
"Fine," maikling sagot ni sir Jeremiah at matalim akong tiningnan. Hala! baka naman dahil sa akin kaya naudlot ang meeting nilang dalawa?
"Ay, okay lang po ako kahit ipagpatuloy niyo muna ang meeting niyo, hindi pa naman ako gutom," mahina kong sabi pero bigla na lang na tumunog ang tiyan ko. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Tiyan naman eh! sana nakisabay ka na lang muna bakit ka pa tumunog?
"It's okay, gutom na rin naman ako eh," nakangiting sabi ni Mr. Buenavista.
Napaangat ako ng ulo at tiningnan siya. Ngumiti ako sa kanya.
"Naku! maraming salamat po sir," masaya kong sabi. Habang si sir Jeremiah naman ay tahimik lang sa upuan niya. Hindi ko na lang siya pinansin, mabuti pa nga si sir Buenavista at may pakialam sa akin.
"Okay, let's eat," sabi ni Mr. Buenavista at ako namang gutom na ay agad ko ng sinunggaban ang mga pagkain sa mesa.
Hindi ako masyadong nakakain kanina sa bahay at napagod din kaya ako kakahila sa akin ni sir Jeremiah. Kumuha ako ng kanin at fried chicken at 'yong beef steak. Wow! ang daming pagkain pero napaka-konti lang ng serving. Mayaman nga naman talaga. Ng mapansin ko silang nakatingin sa akin ay dahan-dahan akong kumain. Nahiya ang Kokak niyo. Mabuti na lang at nagkanya-kanya na sila ng kain kaya napalakas ako ng kain. Napakasosyal nila kung kumain halata talagang galing sa may kayang pamilya. Kung ikukumpara ko si sir Jeremiah at Mr. Buenavista ay parang wala akong maiipintas sa kaguwapohan dahil pareho talaga silang hot and yummy, sa pag-uugali naman ay masasabi kong pareho silang may sayad, alam mo 'yong super duper pa sa buntis kung magpalit ng mood swings?
Grabeng mga lalaki talaga 'to. Sa estado sa buhay ay halata namang pareho silang may kaya. Kaya wala akong mapili sa kanila, kaya lang mas bet ko si Mr. Buenavista dahil may pagka-maginoo pero medyo bastos. Ayee! Kinikilig ka girl? Haha.
Matapos kumain ay ipinagpatuloy ulit nilang dalawa ang pag-uusap nila. Syempre ako, acting as a professional one. Oy, English 'yon.
Napakaganda ng explanation ni Mr. Buenavista sa itatayong building. Hindi ko rin naman masyadong alam kung anong negosyo mayroon si sir Jeremiah. Alam niyo namang instant PA lang ako. Hindi man lang dumaan sa pag-aaply, walang interview, pasok agad sa banga! Galing di ba? Lakas lang maka-Kokak eh.
"So, 'yon ang magiging design ng itatayong hotel. I know that your materials are expensive but the best in quality," sabi ni Mr. Buenavista. Tumango-tango naman si sir Jeremiah. Halatang sumang-ayon sa papuri ni Mr. Buenavista. Baka construction materials ang business nila.
"We always make sure that our materials are high quality and we don't risk our clients trust," sabi naman ni sir Jeremiah.
"So is it a deal already?" tanong ni sir Jeremiah.
"It's a deal, I have a trust in your company," sagot ni Mr. Buenavista. Kaya nagkamay ang dalawa.
"I will just prepared our contract and I will send it to your secretary," sabi pa ni sir Jeremiah. Tumango lang si Mr. Buenavista. Tiningnan naman ako ni Mr. Buenavista kaya napakunot-noo ako.
"Nice meeting you again," sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman agad ito dahil ayaw ko namang maging bastos. Pinisil pa nito ang kamay ko bago binitawan.
"Do you know each other?" takang tanong ni sir Jeremiah sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot dahil isang kahiya-hiyang pangyagari ang pagkikita namin at hindi pa nga kami talagang magkakilala eh.
"Sort of," maikling sagot ni Mr. Buenavista.
"Thank you sir," pasasalamat ko rito.
"Just call me Eugene, Kokak, and I want to know you better," sabi naman ni Mr. Buenavista na Eugene pala ang pangalan.
Pinamulahan tuloy ako ng mukha.
"Mapagbiro pala kayo Eugene," mahina kong sabi rito at medyo na asiwa.
"I'm not kidding, can I have your number?" sabi niya pa. Bigla namang na-ubo si sir Jeremiah kaya napatingin ako rito.
"Okay lang po ba kayo sir?" nag-aalala kong tanong. Tumango lang naman ito at hindi nagsalita. Ngunit ang mukha nito ay blanko at madilim ang paningin. Kaya hindi ko na lang pinansin.
"Oo naman Eugene, teka lang at kukunin ko ang cellphone ko," nakangiti kong sabi. Dinukot ko sa aking bag ang cellphone kong pangmalakasan. Agad kong ibinigay sa kanya ang Nokia 3310 old model na cellphone ko. Namamangha ang mga mata nilang tiningnan ang hawak ko. Para pang joke lang ang ginawa ko.
"B-bakit may mali ba?" nagtataka kong tanong sa dalawa.
"Is that really a cellphone?" tulalang sagot ni sir Jeremiah sa akin.
"Opo, cellphone po 'yan sir. Old model lang ito pero matibay," pagmamalaki kong kwento sa kanila. Amused namang nakatingin sa akin si Eugene.
"I will save your number Kokak, and I will buy you a new cellphone," sabi ulit ni Eugene.
"A-ay huwag na po sir, okay pa naman po itong cellphone ko," nakangiti kong sabi rito.
"Don't worry Mr. Buenavista, I can provide for my employee. Let's go Kokak, I will buy you a new cellphone," si sir Jeremiah na naman ang nagsabi. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Okay pa nga ang cellphone ko," mariin kong sabi sa dalawang lalaki na nasa harapan ko. Nagtitigan sina sir Jeremiah at Eugene. Hindi ko alam kung may alitan ba itong dalawa.
"I'm the one who will buy her a new cellphone," mariing sabi ni Eugene. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"I'm her employer it's my obligation to buy her," giit naman ni sir Jeremiah. Sa kanya naman ako napalingon. Napailang na ako.
"Pwede ba! mas okay pa ang cellphone ko ngayon kaya hindi na kailangan ng bagong cellphone okay?" awat ko sa dalawa dahil parang mangangain na sila ng tao.
"It's a no Kokak, it's my gift for you," nakatinging sabi ni Eugene sa akin. Namilog na lang ang mata ko at parang sasabog na ang ulo ko.
"Don't bother yourself Mr. Buenavista, you better lose o---," pinutol ko ang anumang sasabihin pa ni sir Jeremiah dahil inis na inis na ako sa kanilang dalawa.
"Pwede bang magsi-tigil na kayong dalawa? sabing okay pa ang cellphone ko eh!" sigaw ko dahil hindi ko na talaga sila maawat pa. Hinablot ko ang cellphone ko na hawak hawak ni Eugene at saka nag-walk-out. Walang lingun-likod ko silang tinalikuran.
"Kokak!" sabay na tawag ng dalawa. Hmp! Manigas kayo. Nakakairita talaga ang dalawang 'yon. Mabuti naman at dala-dala ko ang aking wallet kaya agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa mansion nila sir Jeremiah. Nakita ko pang hinabol ako ng dalawa pero mabuti na lang at agad ng nakaalis ang taxi. Napapa-iling na lang ako sa kanila. Ano bang hindi nila maintindihan? Sabing okay pa ang cellphone ko eh. Matagal ng nasa akin ito kaya subok ko na. Parang mga may sayad talaga, akala ko matitino 'yon pala may tinatagong kabaliwan.
Halos isang oras kaming bumiyahe bago nakarating sa mansion nila sir Jeremiah.
Agad na akong nagbayad at bumaba sa sasakyan. Nag-doorbell muna ako, ng makita ni Miss Mercy ang mukha ko ay agad na ring bumukas ang gate. Mabilis akong naglakad patungo sa main door. Kinuha ko ang magic card ko at agad na nag-swipe sa gilid at viola! Bumukas agad ang lagusan ng mga mayayaman. Muli ay humugot ako ng hininga. Patungo na ako sa aking kwarto ng makita kong naglalakad papalapit sa akin si Miss Mercy. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.
"Nandyan na ba si sir?" tanong nito at tumingin sa likuran ko. Napailing ako. Lagot Kokak! Padalos-dalos ka kasi eh! Nakakinis rin naman ang dalawang mga kumag na 'yon.
"Hindi ko siya kasama, nag-taxi lang ako pauwi," sinabi ko na rito ang totoo, pinaka ayaw ko kasi ang magsinungaling dahil mas nakakagulo lang.
"Promoted ka kaagad ah! Ano bang sekreto mo?" tanong ni Miss Mercy sabay tingin sa aking kabuuan. Medyo bastos na ang pagkakatanong niya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagpipigil ang inis kong tanong sa kanya. Ngumisi ito sa akin at tinaasan din ako ng kilay.
"Noong isang gabi dumating kayo ni sir Jeremiah ng magkasabay hindi ba? baka naman may milagro kang ginawa?" malisyosa niyang tanong sa akin sabay ngisi.
Anong akala niya sa akin magpapababa ng dangal para lang umangat? Sumusobra na yata ang matandang 'to eh! Gusto yatang masampolan.
"Mawalang galang na po Miss Mercy ah, pero hindi ko pinagbibili ang dangal ko!'' mariin kong sabi rito.
"Talaga? may kilala kasi akong ganyan ang style sayo eh! pa-inosente pero nasa loob pala ang kulo!" taas kilay niyang sabi sa akin
"Pwes ibahin mo ako!" mariin kong sabi rito. Sa totoo lang ay inis na inis na ako sa kanya eh!
"Tingnan natin kung hanggang saan ang pagpapanggap mo, huwag ka ng mangarap pa ng mataas at baka lumagapak ka lang!" maanghang nitong sabi. Sabay kaming napalingon ng marinig namin ang pagbukas ng pintoan.
"Manang Mercy!" sigaw ni sir Jeremiah at agad namang namutla si Miss Mercy.
"A-ano po 'yon sir?" natatakot niyang tanong sa kararating lang na amo namin.
"May sinasabi ka ba kay Kokak?" kunot-noong tanong niya.
"A-ah wala naman po sir, tinatanong ko lang bakit hindi kayo magkasabay na umuwi" sagot nito. Sinungaling. Kaya naman ay mapang-uyam ko siyang tiningnan.
"Mauna na po ako sa kwarto ko," agad na paalam ko at tinalikuran na silang dalawa.
"Kokak! wait!" sigaw naman ni sir Jeremiah, pero binilisan ko lang talaga ang lakad ko.
Pero ng nasa pintuan na ako ay hinila niya ang kamay ko. Kaya inis ko siyang binalingan.
"Ano po bang kailangan niyo sir?" tanong ko sa kanya. Nilalabanan ko ang titig niya dahil parang manlalambot na ako pag tumagal pa ang usapan naming ito. Umiwas siya ng tingin at bumuga ng hangin.
"What's your problem?" tanong niya sa akin. Ang boses niya ay mahina lang na para bang tinitimbang niya ang emosyon ko.
Ang problema ko ay ang mga taong nakapalibot sa akin ngayon. Hinuhusgahan nila kaagad ako. Hindi pa nga nila ako nakikilala pero kung makapanghusga akala mo naman ay nanay ko.
"Wala po akong problema sir, pasensya na at masama lang ang pakiramdam ko," sagot ko rito. Oo at pinaka-ayaw ko ang magsinungaling pero na gipit na ako sa sitwasyon eh.
"Tell me Kokak, is it because we pressured you about buying you a new phone?" tanong pa niya, mukha kasing hindi siya kumbinsido sa palusot ko eh.
"Oo naiinis ako sa inyo dahil pinagpipilitan niyo akong bilhan ng gamit na hindi ko naman kailangan! kung gustuhin ko man ay makakabili naman ako ng sarili ko eh! ano bang tingin niyo sa akin? nanlilimos?" sabi ko rito, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi sumigaw. Alam kong mali dahil amo ko siya. Isa nga sa mga rules na respetuhin ang mga amo namin at huwag basta-basta mag-desisyon.
"Okay fine, hindi kita pipiliting bilhan ka ng cellphone. Papautangin na lang kita, pwede ba?" sabi nito sabay titig sa mukha ko.
"Hindi ko kailangan ng magarang cellphone sir Jeremiah," madiin kong sabi rito.
Napakamot na naman ito sa batok niya.
"You need it, may mga files akong kailangang i-send sayo and it's very convenience for you too," explain niya naman sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago siya tiningnan.
"Huwag kang mag-alala sir, I can provide my own. If you'll excuse me, matutulog na ako," paalam ko sa kanya at agad ko na siyang tinalikuran.
"Kokak!" rinig ko pang tawag niya bago ko siya pinagsarhan ng pintoan.
Feeling ko ay stressed na stressed ako.
Parang sasabog na ang ulo ko sa nangyayari ngayon. Dumeretso ako sa kama ko. Hinubad ako ang mga damit ko at pumasok na muna sa banyo. Mag-papalamig muna ako ng ulo ko. Kalahating oras akong nagbabad sa tubig at agad na pinulupot ang tuwalya sa aking katawan. Bakit kasi nakalimutan kong dalhin ang bathrobe ko eh, ang ikli pa naman nitong tuwalya. Ginagamit ko lang 'to sa buhok ko dahil sobrang ikli. Agad na akong lumabas sa banyo ng makarating sa kama ay napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Halos malaglag sa laki ang mga mata ko ng makita ko si sir Jeremiah na ngayon ay nakatitig na sa akin.
"Nakalim--," hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng makita niya ang hitsura ko. Hindi ito makagalaw at parang naitulos sa kanyang kinatatayuan at bahagya pang nakabukas ang kanyang bibig.
"Jeremiah!" sigaw ko sa kanya na siyang nagpabalik sa ulirat niya sabay tapon ng paper bag na hawak niya kanina at agad na isinirado ang pinto. Nagulat pa ako dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng pintoan ng kwarto ko. Gusto ko na lang sanang maglupasay dahil sa kahihiyan.