Chapter Eleven

1663 Words
Kokak Namumula ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Halos makita na niya ang aking katawan! Gosh! Kokak! Paano pa akong haharap kay sir Jeremiah ngayon? Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Agad akong nag-bihis ng damit pantulog. Humiga na ako sa aking kama. Tinitigan ko ng mabuti ang kisameng kaharap ko ngayon. Gusto ko ng matulog pero ni hindi ako madalaw-dalaw ng antok kaya naman ay napag-desisyonan kong bumangon at manood na lang ng television. Mabuti na lang talaga at kompleto ang kagamitan dito. Hinanap ko kaagad ang remote control, ng makita ko ay mabilis kong binuksan ang television. Namili ako ng channel. Pinaglipat-lipat ko muna hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang pambatang fairytale movie. Nilakasan ko ang volume. The Mermaid's man ang title ng movie na pinapanood ko. Humiga ako sa kama at nanood ng movie. Kilig na kilig ako sa mga bida, kakaiba ang kanilang pagmamahalan. Nalungkot ako ng magka-hiwalay ang bidang lalaki at bidang babae. Suminghot-singhot pa ako. Pero dahil nga pag-ibig ang pinaiiral ay ipinag-laban nila ang kanilang pag-iibigan. Naging masaya na rin sila ng basbasan ng hari na siyang ama ng bidang babae na isang serena ang kanilang pagsasama at pagmamahalan sa isa't-isa. Magka-iba man ng mundo ay pag-ibig pa rin ang magtatagpo sa kanilang dalawa. Sabi nga ng parating ending ng isang fairytale, they live happily ever after. "Mayroon nga bang ganoon?" tanong ko sa sarili ko. Ah! Kainis talaga ang Jeremiah na 'yon eh! Bakit naman kasi basta-basta na lang pumapasok? Nagtalukbong ako ng kumot para lang mawala ang nakakahiyang pangyayaring 'yon. At sa awa naman ng aking mga mata ay nakatulog din ako. "Kokak! papalapit na ako!" sigaw ng isang makisig na lalaki habang dahan-dahang tumatakbo papalapit sa aking pwesto. Agad naman akong tumakbo palayo. Ayaw kong maabutan niya ako dahil alam kong kikilitiin na naman niya ako ngayon. "Hahahaha! habulin mo ako!" balik na sigaw ko habang tumatakbo ako papalayo sa kanya. Napaka-gwapo niya at napakakisig pa, habang tumatagtak ang mga pawis niya sa kanyang noo ay siya namang unti-unting pag-hina ng takbo ko. Napapanganga at napapalunok ako sa kakisigan niya. Pero bakit hindi masyadong malinaw ang kanyang mukha? Alam kong gwapo siya pero bakit hindi ko maaninag? Hanggang sa huminto na ako sa pagtakbo. Agad naman niya akong naabutan at iniyakap niya ang kanyang mga braso sa beywang ko. "Huli ka!" masaya niyang sabi sabay kiliti sa tagiliran ko kaya naman ay napatawa ako. "Hahahaha! huwag dyan at may kiliti ako!" natatawa kong sigaw rito. Pero hindi man lang siya tumigil sa kakakiliti sa akin. "Isa!" pagbabanta ko pa sa kanya. Tumigil naman ito at agad na pinaharap ako sa kanya. "I love you Kokak!" malambing niyang sabi. Napahinto ako sa pag-tawa at napatitig ako sa kanyang mukha na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag. Parang napaka-familiar ng kanyang boses. Saan ko nga ba narinig 'yon? "Mahal din kita," masaya kong tugon at unti-unti ay napapikit ako. Iilang dangkal na lang ang layo naming dalawa at mahahalikan na niya ako. Pero hindi natuloy dahil nagising ako sa malalakas na katok mula sa aking kwarto. Agad akong napamulat ng aking mga mata. Kainis namang disturbo oh! Kung kailan mahahalikan na ako ng aking prince charming ay tsaka pa ito kakatok. Dahan-dahan akong bumangon at parang namalikmata pa dahil hindi ko dating kwarto ang aking nabungaran. Muntik ko na palang makalimutan na nasa mansion pala ako ng mga Bartley. Nagulat naman ako ng mas lumakas na ang katok sa aking pintoan. Kaya naman ay mabilis akong bumangon at tinungo ang pintoan ng kwarto ko para buksan ang sino mang nasa labas nito. Nang mabuksan ko ang pintoan ay bumugad sa aking paningin ang aming mayordoma kasama si Miss Mercy. "Ahm, ano pong kailangan niyo?" mahina kong sabi. Hindi ko na pala namalayan ang oras at mukhang hindi maipinta ang pagmumukha nitong dalawa. "Pinatatawag ka ni sir Jeremiah sa kanyang office," mahinang sabi ni Manang Rosa ang mayordoma rito sa mansion. "Sige po at susunod na ako," mahina kong sabi. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya hindi ko alam kong maiinis ba ako sa uri ng kanyang panunri sa akin? O hayaan na lang silang isipin ang gusto nilang isipin sa akin. Napahugot na lang ako ng hangin dahil feeling ko ay hindi na ako makahinga sa mga titig nila. "May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko sa dalawa ng hindi man lang sila umimik. "Tandaan mo ito Kokak! hindi ka pumasok dito upang gumawa ng milagro, pumasok ka rito upang mag-trabaho kaya naman sana ay 'yon ang isipin at tatandaan mo, maliwanag ba?" mariing sabi ni Manang Rosa. Napalunok ako ng laway sa mga sinabi niya. "H-hindi ko po kayo maintindihan?" nalilito kong tanong pa rito. "Ayusin mo 'yang sarili mo at damit mo, bago ka makiharap kay sir Jeremiah," maanghang niyang sabi at ni hindi pinansin ang tanong ko. "Bilisan mo na at ayaw ni sir Jeremiah ang babagal-bagal lalo na sa trabaho!" mataray niyang sabi ulit sa akin sabay talikod sa akin at inirapan naman ako ni Miss Mercy bago rin ako tinalikuran. Napailing na lang ako sa kanila. Ano ba ang mali sa akin? Hindi ko talaga sila maintindihan. Feeling ko ay may malalim pa silang dahilan, pero bakit naman ako ang binubuntunan nila ng kanilang galit? Mabilis agad akong nag-bihis ng damit ko. Isinuot ko ang turtle neck kong black long sleeve at mataas na skirt na hanggang sa taas ng talampakan ko ang haba. Sinuklay ko lang ang buhok ko at kinuha ang aking makapal na salamin. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko, ngunit nakalimutan ko palang itanong kung saan ang opisina nito. Hays! paano ako ngayon mag-hahanap? sa laki pa naman ng mansion ay paano ko mahahanap 'yon? Sana man lang ay itinuro ni Manang Rosa ang daan eh. Napapakamot ako sa aking ulo habang naglalakad ako sa gitna ng mansion. Anong gagawin ko ngayon? Nag-isip muna ako. Bigla ay may ideyang pumasok sa utak ko. Alam ko na! Bentot-bentot ko na lang kaya? Itinakip ko ang aking palad sa aking mga mata sabay turo sa mga kwartong nasa harapan ko. "Bento-bentot, saan kaya ang opisina ni sir Jeremiah? nasa kaliwa ba o nasa kanan?" at agad kong inalis ang kamay ko sa aking mga mata at dumilat ako. Nabigla pa ako ng nasa harapan ko na pala si sir Jeremiah at siya pa ang naituro ko. Dahil sa gulat ay napaatras ako. Nanlaki ang mga mata ko siyang tiningan. Ang kanyang kilay ay nakakunot at ang mga mata ay halatang nalilito. "What are you doing?" tanong nito sa akin. "H-ha?" naka-nganga kong sabi. Umayos ka nga Kokak! Kastigo ko sa aking sarili. "You're really crazy and a creepy one!" sabi niya pa habang tinititigan ako ng kakaiba. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napairap naman ako. "Palibhasa kasi ay napaka-talino mo kaya hindi mo alam gamitin ang bentot-bentot!" nakairap kong sagot dito. "How to used bentot-bentot?" curious niyang tanong. Napangisi ako dahil sa curiosity na nakikita ko sa kanyang mukha. Mukhang nakalimutan ko ang kahihiyang sinapit ko sa kanya kanina ah! "Ginagamit ko 'yon sa exam noon, kapag hindi ko alam ang sagot ay nagbe-bentot-bentot ako," masaya kong sabi habang inaalala ang nakaraan. Noong mga panahong exam lang ang pino-problema ko. "Paano mo nga ginagawa?" kulit niyang tanong sa akin. Natawa ako sa hitsura ng mukha niya. "Ganito 'yan, itakip mo ang iyong isang kamay sa mga mata mo, tapos ang isang kamay naman ay ituturo mo sa mga choices. Kakanta ka ng bentot-bentot saan ba rito ang tamang sagot? gagalawin mo ang 'yong hintuturo at kung saan naka-turo ang kamay mo ng huminto ang kanta ay iyon ang tamang sagot," mahaba kong paliwanag sa kanya. Parang hindi niya naman naintindihan ang explanation ko eh! Matalino nga naman. "I don't get it!" nakasimangot niyang sabi. "Never mind mo na lang sir," sabi ko sa kanya. "Oh! let's go to my office and we will talk about something important," sabi niya at agad na ring tumalikod. Agad naman akong sumunod sa kaniya dahil baka maligaw ako. Medyo malayo-layo pala ang kanyang office, nasa second floor 'yon at nang makapasok kami ay namangha ako sa ganda ng design ng bawat sulok. Malaki ang space niyon at may mga bookshelves rin sa bawat gilid, well arrange ang mga libro at talagang nakahanay. Isa pa naman sa paborito ko ay ang mag-basa pero syempre ay mga fairytale ang binabasa ko. Wala sa sariling lumapit ako sa nasa bandang kaliwa na bookshelf at binasa ko ang mga librong nandon. Laglag ang balikat ko ng makita kong halos lahat ay pang businesses books ang nakahilera. Sabagay ay isang businessman naman ang may-ari nito kaya wala ka talagang makikitang libro ng fairytale rito. "You love reading?" tanong ni sir Jeremiah mula sa aking likuran. Agad naman akong napalingon dito. "Ay, oo pero hindi naman mga ganitong libro ang hilig ko," sabi ko naman at agad na akong tumalikod at umupo sa kaharap ng kanyang mesa. Lumakad naman ito papalapit sa kanyang swivel chair. Tiningnan niya ako ng seryoso sa aking mukha kaya naman ay napatitig ako rito. "I want you to sign a contract as my personal assistant," seryoso niyang sabi ni sir Jeremiah. "Bakit po kailangan pa ng kontrata? tatlong buwan lang naman akong magta-trabaho sa inyo di ba?" takang-taka kong tanong sa kanya. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ulit ako. "Let me remind you Miss Kokak, that you have one month and one week as my personal assistant," sabi niya sa akin habang matamang nakatitig sa aking mukha. "What? one month and one week?" sabi ko habang nanlalaki ang aking mga mata. Natawa naman ito sa aking reaction. "Let me remind you Miss Kokak that your my slave for one week. Don't you remember that?" naka-ngisi niyang sabi. Napatampal naman ako sa aking noo dahil hindi niya pala 'yon nakalimutan. Akala ko pa naman ay magiging malaya na ako. "Fine!" nakaingos kong sabi rito. "Read the rules of our contact, you can ask me if you want to revise it and let's talk about it," sabi naman niya sa akin sabay bigay ng puting folder, kinuha ko naman ang folder at binasa muna 'yon at baka may kasamaan na naman itong gagawin, mabuti naman 'yong sigurado. Binasa ko ng mabuti ang nasa contract, ngunit naagaw ang pansin ko ng nasa pang-apat na rules. Huwag makipag-usap sa ibang lalaki habang nasa pangangala pa niya ako? Aba! nakakaloka lang talagang lalaking 'to! May pag-babanta pa talaga! Kung gagawin kong makipag-usap sa ibang lalaki ng wala siyang permiso ay magkakaroon ako ng kalahating bawas sa sweldo ko! at kung magiging lima na ang aking violations ay magdadagdag siya ng isang linggo bilang personal assistant niya! "Ano 'tong pang-apat na rules mo? ibahin mo 'yan!" mariin kong utos sa kanya. "Exemption pala ang rule number four sa pwedeng i-revise," nakangisi niyang sabi sa akin. "Bahala ka! hindi ako pipirma dyan!" nakaingos kong sabi sabay irap sa kanya. "Do you have a boyfriend?" seryoso nitong tanong sa akin kaya naman ay napabalik ang tingin ko sa mukha niya. "Ano namang kinalaman dyan sa rules mo?" mataray ko pa ring tanong dito. "Hmm, well it's a big problem on your part. You should explain it to him about our contract," parang balewala lang nitong sabi. "Wala pa nga akong nobyo! pero mas lalo akong mawawalan ng nobyo nito kung ganyan ang rules mo!" pag-explain ko pa rito. "It's good, at least hindi ka mahihirapang mag-explain," kibit-balikat nitong sabi. "Napaka-imposible mo talaga!" naiirita kong sabi rito. Ngumisi lang ito, ngising-tagumpay! Wala na akong nagawa kundi ang pumirma. "You will stay here until you finish your contact," taas kilay nitong sabi sabay ngisi. Mas lalo lang talaga akong nag-ngitngit. "Yan lang ba lahat? baka may sasabihin ka pa?" mataray kong tanong rito. "It's all for today, you will start your job tomorrow, exactly eight in the morning," sabi niya at tumayo na rin. Tumango lang ako at agad ng lumabas sa opisina nito. Wala bang nakakalusot kay sir Jeremiah? Naalala ko tuloy si Eugene. Gustong-gusto pa naman noong makipag-kaibigan sa akin pero dahil nag-walk-out ako ay hindi ko na tuloy nakuha ang number niya. Mabilis akong bumaba at nakita kong papalapit sa aking gawi si Miss Mercy. Agad na naman akong nainis sa pagmumukha niya. "Nakahanda na ang hapunan Kokak, sabay na raw kayo ni sir Jeremiah na kumain," mahina niyang sabi pero mukhang pinipigilan niya lang na mag-taray sa akin. "Huwag na, pwede na naman akong sa maid's quarter kumain eh," mahina kong sabi rito sabay talikod sana ng magsalita naman si sir Jeremiah. "Sasabay ka na sa akin Kokak! that's an order!" mariin niyang sabi sa akin. Nagpa-kawala na lang ako ng hangin at baka ano na namang masabi ko sa kanya. "Nakakahiya nam--," hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya itong pinutol. "You don't have to be shy, this is my house and my rules, whoever breaks my rules, it will be the end of them," matatag at nakakatakot niyang sabi. Tama nga naman siya, it's his house and of course it's his rules. Kaya naman ay nanahimik na lang ako at baka saan pa ito mapunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD