“Ang mahalaga Ate, andito na ako.” Niyakap ko siya lalo dahil ramdam na ramdam ko ang pangungulila. Hindi ko inaasahang sa mismong debut ko'y andito siya ngunit mayroon akong napagtanto, parang may kulang. “N-Nasaan si Wailex, D-Danvel?” Mayroong kalungkutan sa kanyang mga mata at hindi na siya nakasalita. Kahit sa kabila ng musikang ngayo'y patuloy pa rin sa pagtunog. Kasalukuyang nakatuon pa rin ako sa binatilyong matagal ko nang nais na masilayan sa buong buhay ko. Hindi ko mapigilan kanina pa ang nagbabadiyang magkahalu-halong emosyong hatid ng senaryong mismo sa akin ay natamasa. Ang laki na ni Danvel, noon ang liit pa niya at walang masyadong kamuwang-muwang sa mundo ngunit nang tingnan ko siya ngayon, isa na siyang ganap na binatilyo. It's been 5 years already, I am 18 and he is a

