Hindi maalis sa aking mga paningin ang mga samu’t saring mga matang ngayo’y sa akin lamang naglaan ng tingin. Inilawig ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay at nasilayan ko ang nagagandahan at maginoong mga panauhing kasalukuyang dumalo sa isa sa pinakamahalagang kaganapan sa aking buhay; ang aking kaarawan. Ika-anim na araw ng Enero, kung kailan ako iniluwal ng aking tunay na ina at hindi ko akalaing darating ako sa ngayong edad; ika-labing walong taong gulang na. Kumikinang ang kanilang mga mata habang nakatitig sa akin ngayong unti-unting papababa sa hagdan. Magkahalu-halo ang aking nararamdaman ngayon – kinakabahan ako, natutuwa, naiiyak. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa kaarawan ko. Sa katunayan, hindi ko inaasahang bongga ang magiging selebrasyon ng aking 18th birthd

