Nabigla ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa aking likuran ngunit nang malaman ko kung sino ang gumawa niyon ay kaagad naman akong ngumiti. “Danvel, kumusta ang tulog mo?” Ngayon, nakaharap na ako sa kanya habang hinawakan ang kanyang mukha. “Medyo naninibago ako, Ate Euri ngunit maayos naman ang tulog ko. Sadiyang namamahay lang.” Lumawak ang aking pagngisi nang mapakinggan ko iyon mula sa kanya. “Masasanay ka rin dito sa pamamahay ni Mommy, Dan. Sa ngayon, ganyan talaga iyan. Ganoon din ako noong kauna-unahang pagtungtong ko rito ngunit habang tumatagal nasanay na rin ako lalo na sa mga taong andito,” pagpapaliwanag ko upang mapanatag siya. Andito kami sa loob ng aking kuwarto. Tumingin ako sa wall clock at alas sais kinse na. “Oo naman Ate, lalo nang andito ka na. Mul

