“Kumusta naman 'yong manliligaw mo?” tanong ni Damian sa akin habang andito kami sa canteen. Abala kami sa pagkain ng aming tanghaliang kanin, ginisang munggo, at tortang talong na siyang isa rin sa aking mga paborito. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa katanungan niyang iyon sapagkat nakakapanibago. “Euri, are you there? Yohoo!!!” Kumaway siya sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa kanyang pagmamadaling sagutin ko siya sa kanyang katanungan. “Ayos naman, Damian. Sadiyang naninibago lang ako sa mga ipinapakita niya,” pagsagot ko sa kanya nang buong katapatan. Nginitian niya ako. “A-Anong ibig sabihin ng ngiting iyan?” tanong kong mayroong kuryosidad. “Girl, normal lang iyan. Ganoon talaga ang mga boys kapag nanligaw. When they want to pursue something, gagawin nila an

