Trake pats my head and smile at me. “How are you on these past few days?” “Ayos na ayos, Trake!” Nag-thumbs up ako sa kanya. Mas lumawak ang ngiti niya nang gawin ko iyon. “Kahit kailan talaga'y nakakatuwa ka pa rin.” Pagkatapos nilang mag-usap ni Brentford ay tumungo siya sa 'kin. Kasalukuyan kaming dalawang nag-uusap habang si Brentford ay nakipag-bonding sa mga iba niyang barkada. “Always akong nakakatuwa.” Saka sumipsip sa hawak kong milktea. “I have no choice but to agree.” No choice ba iyang mukhang iyan? Natatawa ako sa isipan ko. “Kasi iyon naman talaga ang katotohanan.” “Tss. Ikaw naman bolero ka pa rin at hindi iyon nagbabago,” asik ko. Napatawa naman kaming dalawa. Nakakaaliw pa rin siya at kahit sa kabila nang mga iginawad ko sa kanya noong balak niya sanang manligaw s

