Leftover 61

2160 Words

Inunat ko ang aking mga braso habang ngayon ay nakaharap sa bintana. Hindi mawala-wala ang aking mga paningin sa ngayong pagsikat ng araw. Sobrang ganda sa pakiramdam na matunghayan kung gaano karilag ang umagang ipinagkaloob muli ng Panginoon. Bagong buhay, bago na namang pakikipagsapalaran. Natagpuan ko na lang ang aking sariling gumagaan ang pakiramdam habang nag-iisip sa kung ano ang maaaring gawin ngayong araw dito sa aming pansamantalang paninirahan sa probinsya. Baka mamayang hapon, uuwi na rin kami sa siyudad kasama ang mga anak ni Ate Martha. Kailangan kong maghanda ng agahan namin ngayon. Kinuha ko ang kaldero upang magsaing ng kanin pagkatapos ay nagsagawa ng apoy gamit ang panggatong. Habang nagluluto ng kanin ay tumungo ako sa lababo upang hugasan ang mga pinagkainan nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD