6 years later... Hindi ko mapigilang hindi mapasilay ang ngiti sa aking mukha habang tinitingnan siya sa hindi kalayuang nakasuot sa kanyang teacher's uniform. Anim na taon at ang daming mga kaganapang nangyari sa aming mga buhay. Iniabot niya sa akin ang kanyang kamay. “Let's go, my princess. I have a treat for you today. We have a date. Wanna go and eat street foods?” Tumango kaagad ako sa sinabi niyang 'yon. Sa kayhaba-habang mga taong nagdaan, hindi siya nagsawa sa kanyang panliligaw. I am currently a 4th year student na kumukuha sa aking pinangarap na kursong chef. 2 years akong nag-aral sa strand na Technical Vocational Livelihood Education Major in Cookery sa Senior High School and I graduated as salutatorian at hindi rin ako makapaniwalang sa loob din ng mga taong iyon ay babali

