“Hindi ka aalis,” usal ni Mommy Natascia. “Dito ka na titira, Kassandra. Sa ayaw mo man o sa hindi, you are now part of our family. I will never give you a choice. That's my final decision. Hayaan mo kaming alagaan ka. 'Yon lang ang nais namin mula sa 'yo. Uutangin namin iyong malaking loob, Kassandra kung ituturing mo rin kaming pamilya. Maaari ba?” Hindi siya makasalita at ang tanging ginawa niya lamang ay ang humikbi nang humikbi. Hindi ko maitatangging habang tinitigan ko siya ngayon ay mas lalong pinipiga ang aking puso. Nasasaktan ako nang sobra sa kanyang nahantungan. Hindi ko akalaing mas lalong nasira ang takbo ng kanyang buhay simula nang hindi na niya kasama si Tiyo Joaquin ngunit hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa aking tiyuhin dahil kailangan talaga niyang bayaran ang k

