Nilingon ko si Danvel na ngayo'y sinusubuan si Tiya Kassandra sa kanyang tanghalian. Galak akong naghuhugas ng mga pinggan habang nasisilayan ko ang dalawang panay ang pagtawa. Mas masaya ako dahil sa kabila ng mga naging hindi kaaya-ayang kaganapang nangyari sa buhay ko, humantong kami sa ganito ngayon – tahimik na pamilyang pinangarap ko simula pa noon. “Ate Euri, nasaan po ba nakalagay ang gamot ni Tiya?” tanong sa 'kin ni Danvel na ngayo'y hindi mapakali sa paghahanap sa gamot sa lagnat ni Tiya Kassandra. “Nasa may TV, Danvel. Pakitingnan mo na lamang diyan.” “Okay po, Ate. Salamat.” Nakita niya naman ang kanina pa niyang hinahanap kaya muling itinuon ko ang aking atensyon sa paghuhugas. “Siya nga pala, Euri. Graduation mo na 'di ba bukas?” Nabalik ang aking tingin sa kanilang ga

