Tumingin ako ngayon sa harapan ng salamin. Naiiyak ako habang iniisip na ikakasal na ako ngayon sa lalaking pinakamamahal ko. Nasilayan ko ang repleksyon ni Mommy Natascia habang kagaya ko'y napapaluha na rin siya. “Mommy, huwag na ho tayong umiyak. Nasisira 'yong pinaghandaan nating pagpapaganda, oh.” “Pasensya ka na, 'nak. Hindi ko maiwasang hindi umiyak habang tinitingnan kang suot ngayon ang dream wedding dress mo. Ang ganda-ganda mong bride at super excited na ako para sa inyong dalawa ng aking anak.” “Thank you talaga sa lahat, Mommy. Kinakabahan din po ako ngayon sa gaganaping kasal ngunit kahit gaanoon, masayang-masaya ako sa bagong yugto ng aking buhay hindi na bilang Euri Israeli kundi Euri Javier.” “Handa ka na bang bumaba upang pumaroon na tayo sa simbahan?” Kaagad akong

