Kabanata 16 LOGAN'S POV “Mr. Logan? Sinong tiningnan mo?” kuryosong tanong ni Rhod na siyang nagpabalik sa akin sa sistema. “It's nothing.” mabilis kong inalis ang paningin ko mula sa kinaroroonan ni Anica at agad na yumuko sa aking pagkain. Sinimulan ko iyong galawin. “Hmm?” kuryosong namang naglinga-linga ng paningin si Rhod, hinahanap ang bakas ng tinitingnan ko. “I told you it's nothi---" “Ah! Si Miss Anica Cupal pala ang tiningnan niyo.” napapatango niyang pagputol sa sinasabi ko at may ngisi akong hinirap. May laman pa ang bibig niya habang nagsasalita. “Hindi mo parin sinasabi sa akin kung anong klase ng relasyon kayong dalawa ah? At kung bakit ka nagpadala ng two million sa kanya? Umamin ka nga, anong klase ng kasunduan ang inoffer mo sa inosenteng babaeng ‘yon na malamang sa

